CHAPTER 7-THE CONTEST
°
°
°
°
°Kakaiba dito sa university namin,sobrang laki,parang hindi ko ata makakabisa 'to ehh baka maligaw pa ako dito ehh!!Pero infairness ha pag ayaw ko ang ulam sa canteen marami namang katabing fast foods dito..sa kaliwa ko,merong Mc Donalds,sa kanan,may KFC,Tea Cup Zone,Infinitea para tsaa,Pizza Hut at marami pang iba..
Pag kulang naman ako sa school supplies,sa may 2nd Floor may Pandayan Bookshop,ehh di oks na oks!!
Kapag pabibili naman sakin si inay ng groceries mga 10 minutes na paglalakad makakarating na ako sa puregold tsaka may jollibee pa sa tabi..sa tricycle naman,mga 15 minutes,makakarating na ako sa robinson's place malolos kaya kung may maging bagong BFF man ako sa university namin,pwede kaming magshopping anytime..
Sa pag-uwi ko o pagpasok,kailangan kong mag-jeep para makatipid..syempre ingat ingat din pag may time..
Perfect na nga ang school ko para sakin pero ang kulang lang ay yung mga bffs ko at ang kamalasan ay dito rin nagaaral at classmate ko pa ang dalawang taong pinakaaayaw ko..
May pag-asa pa kaya akong makaalis sa buhay na ito?
Ohh,by the way hilig ko ang sumayaw..actually professional na nga ako dyan ehh..never kong triny ang kumanta dahil kahit anong gawin ko ayaw talagang gumanda ng boses ko..
Hindi naman ako nagda-dance lesson,kundi ipinanganak lang talaga akong magaling sumayaw..
Elementary ako nung sinubukan kong sumali sa mga contests..minsan nagpeperform din ako sa mga program like,teacher's day,nutrition month,at family day..nanalo naman ako,at minsan maganda ang prize kaya pandagdag panggastos na din para makatulong kay inay..
Pumasok ako sa school at parang confident ako ngayon..ang aga kong pumasok!first time!
NAghintay pa ako ng 30 minutes at nag-flag ceremony kami..first session?MSEP..at nagtransfer pala ang MSEP teacher ko at nasa university ko pa sya..
Yung sinasabi ko sa inyong nakakaantok..yup,pati ba naman dito sinubdan nya ako..ayan na naman sya..nagsimula na naman ang paantok effect nya..
Halos makatulog na ako sa aking upuan..maya-maya,ginanahan ako sa sinabi nya..
"Well,lets just end this..As your teacher,I love music,at gumawa ako ng contest,para sa mga magaling sumayaw at kumanta!well,magkahiwalay ang comtest nun..any questions?"-sir
I raise my hand at nagtanong..
"When will the contest happen?at kelan po ang audition?"-ako
Sumang-ayon at tumango ang mga classmates ko..syempre ba naman,magaanounce sya ng contest tapos hndi nya sasabihin kung kailan..
"Ohh,yes..bukas ang audition hanggang sa lunes..sorry,namalimutan ko..pipili lang ako ng 5 contestants sa pagsasayaw..individual yun ahh..well,our class is now,adjourned.."-sir
"Goodbye,sir"-buong class
This is my chance!to let my university see who truly I am..to let my school rocks..
Bukas na bukas,after school,magau-audition ako!tapos na ang morning session namin..lunch na..palabas na ako ng classroom namin..at nakasabay ko pa si mae..inirapan ko nalang sya pero hinila nya ang braso ko..
"Ano ba?!!"-ako
Binitawan nya rin ako at nakalabas na kami sa classroom..
"Dont be so mean..(breathe)so,are you joining the contest ba??"-mae
"At ano namang pakialam mo dun?"-ako
"Well,I just want to know..are you going to join?"-mae
"Yes..so,nagmamadali ako,bye"-ako
"Wait!"-mae
Napatigil ako at hindi pa rin ako lumingon sa kanya..parang may sasabihin pa sya..
"If you'll trying to beat me wag ka nang umasa na matatalo mo pa ako..at kay ace,hindi ko sya ibibigay sayo dahil sa akin lang sya..at kahit ano pang gawin mo para maagaw sya sakin,paulit ulit din akong gagawa ng paraan para mapaglayo kayo..look,ayoko nang away pero,kung ayaw mo rin ng away,please,ibigay mo nalang sya sakin at wag mo na kaming guluhin.."-mae
Hah!di ko sya pinansin at patuloy ako sa paglalakad..kahit gusto ko syang sabihan ng mga masasakit na salita,hindi ko ginawa.
Hah!ako pa daw ang mang-aagaw?ang galing naman nyang mambaligtad!kahit kailan hindi ko sa kanya ibibigay si ace!ako ang nauna nyang nagustuhan..
Wait,ako nga ba?wala nga pala akong patunay..oo,alam ko na sya pa rin ang mananalo,pero papatalo ba ako?subukan ko naman kaya..ba't ba kasi ayaw nya naman akong pagbigyan kahit ngayon lang?
Wala akong pake sa mga pinagsasasabi nya..
Naglunch ako ngayon sa mcdonalds para malapit..di ko trip ang KFC ngayon ehh..
Kinain ko ang chicken-fillet ala king meal..sikat toh diba?aldub ako ehh!kapag nag-KFC ako ehh kathniel fan ako..mmm,ang sarap talaga!!parang kanina pa nakatingin sa akin yung lalaking yun..di ko namna makita yung mukha kasi nakajacket..nakatapos na akong kumain,at bumalik na ako sa classroom namin..
Tapos na ang afternoon session namin at dali-dali akong pumunta sa robinson..bumili ako ng pang-audition ko bukas..at nakapili na ako..umuwi na ako sa bahay namin..
Kinabukasan,tapos na ulit ang calass namin..dali-dali akong pumunta sa room ni sir kung saan ang audition..
Hingal na hingal akong nakarating doon at nakita kong sumasayaw sa stage si mae.. -_-
Pati ba naman dito,hay..kala ko ba naman hindi nya totohanin ang sinabi nya..marami pang magau-audition.."ohh!nandito ka na pala!umupo ka nalang katabi ang mga iba pang magau-audition..
Nakapasok si mae..natanggap sya ni sir..ako na ang susunod..at,nakapasok naman ako!
Tapos na kaming lahat..at sinabi ni sir na sya din daw ang magiging judge pagdating ng contest..at,umalis na si sir..at aalis na rin ako..
Hay,I need to prepare kaya nagrehearse na ako..ngayon na ang contest at ang sasayawin ko remix..nae-nae,twerk-it-like-miley at dessert..
Nagkita kami ni mae at hindi ko na sya pinansin at binunggo ko sya..sbi ko,"Ow!!"
"Ohh,ikaw yung nangbunggo tapos ikaw pa yung nasaktan?haha"-mae
"Ahh..hindi mo ba naramdaman?siguro kaya hindi mo naramdaman kasi ang KAPAL ng balat mo.."-ako
"Hah!!"-mae
"Bye,kailangan ko pang magready"-ako
NAtahimik sya..hah!sya kasi ehh,satsat pa ng satsat..buti nga natamaan sya..ok,sumayaw na nga kami..at sasabihin na ngayon kung sino ang panalo..
Please lord,please..
"Ang nanalo ay si..Mae!!"-announcer
Pinalakpakan sya..haizt,kitams,sya na naman..pano ba yan?talo na naman ako..mapapahiya ako sa kanya..Sa backstage,kinausap nya ako..
"Sabi ko naman sayo ehh..wag mo nang itry..naniniwala ka ba sa kasabihang,try and try until you succeed?kasi ako hindi..naniniwala ako sa kasabihanh,try and try until you die..at iyon ang nangyari sayo..ang ganda ng trophy o tsaka ang laki ng prize.."-mae
Tinuro nya pa ang trophy at sobreng hawak nya..ehh di sya na!umiwas nalang ako..
Pero sayang kasi kailangan namin ni inay ng pera..tsaka 3,000 pesos yun noh..umuwi na ako sa bahay at pinilit kong wag tumulo ang aking luha dahil sa pagkatalo..
Hello!!(*^_^*)we have a long chappie!I'm sorry @HopeCollado if I didnt mentioned you in this chapter..well,maybelle's birthday is getting sooner and sooner!i will update this when we have an internet..well,1232 words!
#Labya
![](https://img.wattpad.com/cover/49123345-288-k127666.jpg)