2 - Andie

122 2 0
                                    

Naramdaman kong humigpit ang hawak nya sa mga kamay ko at saka inihilig ang kanyang ulo sa ulo kong noo'y nakapatong sa kanyang balikat. Kahit di sya magsalita alam kong kinakabahan din sya sa interview na ito.

Hinigpitan ko rin ang hawak sa kamay nya at hinimas ito ng Isa ko pang kamay. Alam kong alam nya na yun ang way ko to assure him na everything will be alright.

Likas sa kanya ang pagiging mahiyain. I remember when I first brought him sa tambayan ng tropa ko, pipi ang tawag nila kay Andy. Panay lang kase ang ngiti at tango pag kinakausap kung magsasalita man ay ubod ng tipid. Not that he is not intelligent enough to carry a conversation kase kilala ko sya bilang matalino at may sense na tao. Malakas din ang sense of humor pero choosy kung kanino lang sya mag-oopen up. It takes him sometime to adjust and be comfortable sa mga friends ko.

Ngayon alam kong challenge ito sa kanya, ang humarap sa isang TV interview at kay Kuya Boy pa. Pero knowing him kaya nya to dahil he is capable of giving great answers, kailangan nya lang maging confident at andito ako para sa kanya.

"Malapit na tayo. Ready ka na?" Tanong ko kay Andy.

Tumango sya at ngumiti. "Basta andyan ka sa tabi ko Andie ko".

Sinamatala kong nakaharap sya sa akin at hinawakan ko ang baba niya habang papalapit ako sa kanya hanggang sa naglapat na ang mga labi namin. Maaalab at puno ng pagmamahal.

Naramdaman kong bumagal ang takbo ng sasakyan. Pagmulat ko ay nakita kong papasok na kame sa compound ng network. Nakita kong napangiti rin ang driver ng network na sumundo sa amin. Yun ang hudyat na kailangan na naming iayos ang aming sarili.

Sabay kaming huminga ng malalim at nagkatinginan.

" This is it." Sabi ni Andy na nakangiti pero halata sa mata nya ang pinaghalong saya at kaba.

"We can do this", inayos ko ang kwelyo ng polo nya at hinaplos ang gusot na resulta ng pagsandal ko sa kanya.

Marahang pumarada ang kotse sa tapat ng isang garden kung saan nakasetup ang interview sa amin ni Kuya Boy. Pagbaba nmin ay sinalubong kami ni Dina ang staff ng show na nakilala namin sa party ng isang kaibigan. Sya rin ang dahilan ng pagkakaimbita namin sa show, bale last minute replacement kame sa Isa pang couple na biglaang nagpunta sa US due to an emergency.

"Oh my God you're here. Thank you so much. I owe you a lot kase kung Hindi kayo nagpunta lagot na naman ako sa Executive Producer ko. " tuloy tuloy na litanya ni Dina.

Habang naglalakad kame pagpasok sa dressing room, syempre holding hands pa rin, binigyan kami ni Dina ng briefing on what to expect, yung flow ng interview at saka meron pang mini shoot para sa teaser at plug ng show.

"So ano iwan ko na kayo dito for make up. Wala pa naman si kuya Boy kaya relax relax lang muna kayo dyan. If you need anything you can look for me or text me or magpatawag kayo ng PA. Later pagdating ni Kuya Boy dadaan yun dito to get to know you first, ganoon talaga sa pagfirst time nyang iinterbyuhin ang tao. " patuloy pa ni Dina habang palabas ng room.

Nakasalubong nya sa may pinto ang dalawang resident makeup artist na mag-aayos sa amin. After some pleasantries with them binuksan na nila ang mga ilaw sa salamin at inayos ang mga gamit pang makeup.

Nagkatinginan at nagkangitian kame ng honey ko, eto na yun at wala ng atrasan.

Stay with MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon