"Oh my God! Pumayag sya na magkita kame." Yun lang ang nasabi ko sa tropa after magusap.Laking gulat ng tropa ng bigla kung ayusin ang mga gamit ko at nagpaalam na ako'y mauuna ng umuwi.
For some reason nagtataka rin ako sa sarili ko kung bakit ako excited. Ako si Andrew Andie Macalma for crying out loud, bakit ako maeexcite. I have dated some of the finest guys in the university and some guys from prominent families in the south, dapat i should treat this as just another date. Pero eto ako ngayon sakay ng fx trying to visualize my wardrobe and trying to plan ahead kung ano ang isusuot ko. I was also trying to picture scenarios in my mind. Paano kung di nya ako magustuhan. But the bigger question is paano kung di ko sya magustuhan.
Wednesday afternoon sinabihan ko ang ex girlfriend ko turned office bestfriend na si Annette na samahan ako sa SM Makati to meet a prospect. Siguro for my safety and para tulungan akong kumilatis. Also at the back of my mind I will use her as an excuse to go if worse comes to worst.
Pumayag naman si Annette, so I texted Andy na tuloy kame sa meeting namin and reminded him of the agreed time and place. He texted back na darating sya but he might be a little late kase manggaling pa siya sa isang show ng talent nila. Hindi rin daw sya magtatagal kase he needs to be with another talent for a contract signing sa Dusit Hotel. I told him na okay lang since may kasama naman ako, sa isip isip ko buti na rin yun di ko na kailangan tumakas pag di ko magustuhan.
After work kumain muna kame ni Annette sa Greenbelt at ng malapit mag 8 eh lumakad na kame papuntang SM Makati. Since gabi na rin yun minabuti ko na sa may parking ng SM kame magkita, may maliit na park dun na may mga kalabaw. Itinext ko sa kanya yung lugar pero di nya raw alam yun. Since manggaling sya sa EDSA sakay ng bus, sinabihan ko sya na nagtext o tumawag pag pababa na siya. He also described what he is wearing.
BINABASA MO ANG
Stay with Me
RomantizmSi Andrew at si Randy... #andie&andy para sa mga kaibigan nila. Para sa mga nakakakilala sa kanila they are perfect for each other. Sila rin ang pamantayan sa long lasting relationship ng mga friends nila mapa heterosexual man or same-sex. They h...