"Penny for your thoughts?"
"Ha? I am just finishing my prayers."
Biglang back to reality ako sa tanong na iyon sa akin ni Andie. Nandito kame ngayon sa Heritage Memorial park upang dalawin ang puntod ng mga magulang ko. Limang taon na ang nakakalipas nang pumanaw ang mga magulang ko. Bumigay sa kumplikasyon ng diabetes si Mommy at inatake naman sa puso si Daddy. Labis na dinamdam ang kinasapitan ng kanyang kabiyak. Sabi nga ng mga kamaganakan namin ay sadyang di sila mapaghiwalay at mas minabuti nilang magsama hanggang s kabilang buhay. Taon taon mula noon at di kame nakakalimot dumalaw.
Tinignan ko si Andie na nasa tabi ko. Hindi ko alam kung ano ang kinahinatnan ko kung wala sya sa tabi ko nung mga oras na iyon. Sa pagkakatitig ko sa kanya ay napalingon sya sa akin at napangiti.
"Andy, lets go? It's getting cold here and male-late tayo sa appointment natin. Malayo layo din yun from here."
Hindi ko sya sinagot instead I smiled back and said "thank you for staying with me through all these. It's been five years but the pain and the emptiness is still fresh. Hindi ko alam kung anong gaggawin ko kung wala ka". I gave him a peck on the cheek sabay hawak sa kamay niya at niyaya ko na syang umalis.
Matapos mag sign of the cross ay lumakad na kame papunta sa kotse. Napaka gwapong nyang tignan sa suot nyang light blue na long sleeves. Bagamat pareho kmi ng suot, lakas makacouple shirt, I must admit na mas nadala nya ng maayos ang damit. In this generation's terms eh mas achieve na achieve niya ang #OOTD namin.
We are on our way to meet Kuya Boy for an interview, kasama kame sa month long feature nya about successful same sex couples sa Pilipinas.
Sa loob ng kotse inilabas ni Andie ang listahan ng mga tanong na maaring itanong sa amin at nagsimulang magbasa.
" Excited?", tanong ko kay Andie.
"I am having butterflies in my stomach right now", sagot niya sa akin.
" Don't worry, I am here. We'll go through this together. And besides tungkol sa ating dalawa ang pag uusapan so no pressure, because we know our story by heart and we know each other like the back of our palms.", seryoso kong paalala sa kanya sabay halik sa kamay nya na kanina ko pa hawak pagpasok pa lang sa kotse.
"Hindi naman yun ang iniisip ko eh. Kung ano magiging itsura ko sa TV. " si Andie lumalabas na naman ang pagiging vain.
"You will be fine. Mataas kaya ang standards ko and confident ako na you will register well on TV. Ako nga dapat ang magworry", I jokingly told him.
"May point ka." Biglang tawa at tingin sa akin na may halong pang-aasar.
Sinundot ko ang tagiliran nya kaya bigla siyang napapitlag. Nagtatawanan kame habang binabagtas namin ang Edsa.
I must admit na mas dapat akong kabahan dahil mas confident naman talaga sya kesa sa akin inspite of the fact na Mass Communications graduate ako. Pero sya ang mas vocal, mas articulate pero ako ang nasa artistic side
Biglang sulyap sa akin si Andie, "I love you."
"I love you too", yun lang at sumandal sya sa balikat ko.
Sapat na iyon para mawala lahat ng fears and doubts ko about this interview.
Lalo kong hinigpitan ang hawak sa kamay nya at ipinatong ang ulo ko sa ulo nya.
End of chapter
★★★★★★★★★★
Your votes and comments are most welcome...

BINABASA MO ANG
Stay with Me
RomanceSi Andrew at si Randy... #andie&andy para sa mga kaibigan nila. Para sa mga nakakakilala sa kanila they are perfect for each other. Sila rin ang pamantayan sa long lasting relationship ng mga friends nila mapa heterosexual man or same-sex. They h...