"That's nice. So nagsimula sa isang aksidenteng 'i love you' na sinagot ng isa ring aksidenteng 'i love you too'. But do you think it was all an accident?" Tanong ng host."It was an accident that is waiting to happen." Putol ko sa kanya. "Obvious naman po na we like each other. And yung like or love na yun transcends the physical aspect kase nga mas kampante kame sa isa't isa over the phone. I just felt na mas may connection yung mga puso dahil we are blinded, rather we chose not to see each others' physical traits."
"And Kuya Boy, if I may add," si Andie "dun namin simulang ginamit yung favorite phrase namen na 'despite and inspite of'. I loved him and will continue to love him despite and inspite of all his flaws and shortcomings and vice versa."
Ang laki ng ngiti ko dahil alam niya pa yung line na iyon na syang sinabi ko sa kanya noon at lagi pa ring sinasabi ngayon.
"In the past twelve years, was there a case of infidelity. Nagkaroon ba third party? Yan po sa pagbabalik ng Conversations with Boy."
Nawindang ako sa tanong na iyon ni Kuya Boy. Kahit expected ko na ito dahil kasama ito sa listahan ng mga tanong na pinadala sa amin. Mabuti na lang at may break para kahit paano ay mapag-usapan namin kung anu isasagot.
Pero imbes na makapag-usap, binigyan ulit kame ng briefing. Nagretouch na din makeup dahil mainit kase nga nasa outdoor ang shoot. Pag-alis ng mga makeup artist kakausapin ko sana si Andie about the question pero sumigaw na ang floor director.
"Ready on the set... 3...2...1 rolling"
" Welcome back, kanina may iniwan tayong tanong about infidelity and third party. Anyone?" Tanong ni Kuya Boy. Marahil nakita ng host na medyo naging uneasy ako sa tanong eh kay Andie sya bumaling.
Nagulat ako nung Walang alinlangang sumagot si Andie. "There were instances. Sad to say mostly on my part. Uhm siguro ilan beses din... " Andie is seriously gasping for words na hindi normal sa kanya.
Pause, a long one.
"But those are under the bridge na naman. We've talked about it and moved on. I guess the best part there is that we learned a lesson or two mula dun sa mga experiences na iyon." Sumabat na ako dahil Alam kong nahihirapan na si Andie.
"Nangyayari naman sa isang relasyon na may nadadapa, may nagkakamali. Pero instead na magdwell sa pagkakamali why not magfocus sa pagpapatawad at sa pagbangon."
Pagtatapos ko pero may pahabol pa ang host.
"I am so tempted to ask the question "why?" to the both of you. Kay Andie why did you do it and for Andy why did you forgive him? But I won't." Si Kuya Boy nagsasalita sa camera, bigla syang bumaling sa akin.
"Andy Hanggang kailan mo kanyang magapatawad? Or should I ask, kung papayuhan mo kame hanggang kailan ba kame dapat magapatawad?"
Humugot ako ng malalim na hininga. "Kuya hanggat kaya ng puso mong magpatawad, go lang. Ang forgiveness kase can work two ways, una forgive and then go on as if walang nangyare or forgive then learn from the mistakes and move on. Pero ang pinaka importante ay kung ramdam mo pa ba na mahal ka pa. Nasabi ko na sa kanya minsan na 'ipaglalaban kita hanggat ramdam ko na akin ka pa'. Lalaban ako ng paulit ulit pero Hindi ko maipapangako na hindi ako mapapagod. " Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko. Nang naramdaman kong hinahaplos ni Andie ang likod ko bilang pag-alo sa akin, dun ako bumigay at napahagulgol sa bisig nya.
Nasa ganun kaming kalagayan ng I queue ni Kuya Boy ang video ng mga taong malalapit sa amin. Tapos na ang video pero di pa rin ako nahihimasmasan kaya humingi muna ang host ng ilang minutong break para maicompose ko ang sarili ko. May ilang usapin pa kaming off the record na. Nang magbigay ako ng signal na okay na ako nag resume kame ng shoot at sinimulan na ni Kuya Boy ang pagpapasalamat sa ilang sponsors pagkatapos ay sa amin na guest nya.
"Salamat sa inyong dalawa. Pahabol na tanong naniwala ba kayo sa forever?"
"Opo Kuya Boy" sabay naming tugon.
"Andie, paano makakamit ang forever?" Tanong sabay turo nya kay Andie.
"forever is a work in progress. Dapat laging pinagsisikapan Hindi lang ng Isa kundi ng both parties. Hanggat may Isa sa magpartner ang naniniwala, possible pa rin " wika ni Andie.
"Ikaw Andy with a Y, ano ba ang forever, kelan ba ang forever?" Si Kuya na ngayon ay sa akin naman nagtatanong.
"Para sa akin ang forever ay Hindi isang time frame, instead it is a destination. Isang destination na may mahabang highway at maliliit na side streets. You may choose to take the monotonous and boring highway or take a detour sa mga fancy side streets. Hanggat nasa puso nyo na maabot ang forever, mararating nyo yun kahit na ilang beses pang madapa or maligaw ng landas. Maaring hindi totoo ang forever o di kya eh pantasya o kathang isip lang gaya ng pot of gold sa dulo ng rainbow o unicorns pero ang importante eh kung naniniwala ka ba o hindi. Kase kung naniniwala ka gagawin mo ang lahat to get there " mahabang paglalahad ko.
"Ang tip mo sa mga taong inlove para mapanatili nila ang pagmamahalan..." si Kuya Boy.
"Always go back to Day 1, because by doing so you will realize how you love the person despite the recent issues and problems. If you can celebrate monthsaries together para maremind kayo palagi pareho how you started, go ahead. Ang importante dapat klaro sa inyo kung bakit kayo nagsimula at ano ang ultimate goal nyo." tugon ko sa tanong.
"Salamat Addy with a y and Addie with an ie. Maraming salamat for sharing with us your love story and letting us have a taste of your forever. And sa inyo aming manunood, thanks for listening to our Conversations." pagsasara ni Kuya Boy sa programa habang unti unting dumilim sa set.
Saka lang ako nakahinga ng maluwag...
BINABASA MO ANG
Stay with Me
RomanceSi Andrew at si Randy... #andie&andy para sa mga kaibigan nila. Para sa mga nakakakilala sa kanila they are perfect for each other. Sila rin ang pamantayan sa long lasting relationship ng mga friends nila mapa heterosexual man or same-sex. They h...