Isang oras makaalis si Kuya Boy sa dressing room namin para sa aming pre-interview meet up, binigyan na kame ng heads up ni Dina na isasalang na kame after i-shoot ang opening spiel ni Kuya Boy. Kahit nasa dressing room kami naririnig namin si Kuya Boy doing his pre opening credits spiel and then ang kanyang opening script bago kame iniintroduce. Dahil may monitor din kame sa dressing room napapanood din namin ni Andie ang galaw nya sa camera.
Nagsimula sa madilim, unti unting tumutok ang spotlight kay Kuya Boy na hudyat na simula na sya sa kanyang spiel.
"Love comes in all shapes and sizes. Love transcends time, age, race and gender. As we celebrate the month of Love we will discover different kinds of Love and discover new facets thru the eyes and hearts of the LGBT community. Kaya kaibigan pag-usapan natin ito", nakita ko sa screen na na nagliwanag ang set kasabay ng pagtugtog ng opening song na sinasaliwan ang opening credits ng programs. Lumakad si Kuya Boy papunta sa kanya upuan.
Napadaan ang camera sa mga tao sa harap. Kinabahan ako dahil may live audience pala during the interview. Wag naman sana akong atakihin ng stage fright ko. Nakita ako ni Andie, ngumiti sya sa akin at nag two thumbs up. Alam kong pinapalakas niya ang loob ko.
" Guys ready na tayo ha." Si Dina. Matapos nun ay isinama nya kame kung saan kame naghihintay pag tinawag na kame ni Kuya Boy.
Habang nakatayo kame sa likod ng makeshift na pader na gawa sa plywood ramdam ko na nangangatog ang tuhod ko kaya hinawakan ko sa kamay si Andie.
Binigyan ng signal si Kuya Boy na nagsimula.
"Welcome back mga kaibigan. Today we will witness a different kind of Love. Kung nung nakaraang Linggo naging bahagi tayo sa pag-iibigan ng dalawang babae, tonight join me as we celebrate love between 2 men. Aaminin ko na excited ako becuase the topic is somewhat very relatable to me... Close to home ika nga... Please welcome our guests Andrew Macalma and Randy Benz.."
Pagkatapos nun ay tumugtog na ang kantang "Same Love" na syang hudyat ng aming pagpasok. Bumukas ang sliding door kaya pumasok na kame sa set. Sinalubong kame ni Kuya Boy at kinamayan, " Welcome to the show".
"Salamat po Kuya Boy" magkasabay naming tugon ni Andie.
Nang paupo na kame magsalita ulit si Kuya Boy. "Now what's interesting about this couple is pareho Andy ang nickname nila. One is spelled A N D Y and then other one is spelled A N D I E. Interesting ano po. We will get to know them more sa pagbabalik namin. So stay tuned".
Hindi ako makahinga ng maayos dahil sa kaba pero kailangan kong pangatawanan lalo't nakita kong kampante naman si Andie. During the gap ay binigyan ulit kame ng instructions at sinabihan kame na although may set of questions na ibinigay sa amin, Kuya Boy will ask them at random para daw mas natural ang flow ng conversation. Tumango lang kame ni Andie bilang pagsangayon.
" Oh take na ulit tayo in one minute..." Sigaw ng floor director.
BINABASA MO ANG
Stay with Me
RomanceSi Andrew at si Randy... #andie&andy para sa mga kaibigan nila. Para sa mga nakakakilala sa kanila they are perfect for each other. Sila rin ang pamantayan sa long lasting relationship ng mga friends nila mapa heterosexual man or same-sex. They h...