CHAPTER SEVEN.

2.9K 58 1
                                    

---


Lumipas ang isang buwan napansin ni Nadine na medyo tumataba siya.

Naisip niya nalakas siyang kumaen nitong nakaraang linggo.

Pero noong nagluluto si Nanay Pasing nang paborito niyang Siarsyadong  tilapia ay napatakbo siya sa banyo dahil naamoy niya ang bawang na ginigisa nito.

Para bang bumaliktad ang sikmura nya sa naamoy.

Samantalang dati ay iyon ang gustong gusto niya. Ang maraming bawang.

"N-nadine ? Ayos ka lang ba hija ?.." nag aalalang tanong ng ginang.

"O-opo Nay Pasing! Sumama lang yung pakiramdam ko.." matamlay nyang tugon.

"S-sigurado ka ba ? Para kasing matamlay ka hija nitong nakaraang linggo at namumutla ka. Mag pa check up ka kaya,.."sabi pa nito.

"S-sige po Nay Pasing,.. Mamaya po'y dadaan ako sa ospital para mag pa check up."sagot niya.

"Gusto mo bang samahan
kita hija ?"tanong nito.

"Hindi na po Nay Pasing , kaya ko na naman po mag isa at baka mabala ko pa po kayo."sagot ng dalaga.

"O , sya sige. Basta wag kang magpapabaya sa katawan mo. Hayan tuloy at nagkakasakit ka na."wika nito.

Para na nyang pangalawang ina si Nanay Pasing . Bukod sa nagkasundo sila ay napaka bait din nito.

Dalawa lamang ang anak nito at parehong nasa ibang bansa at may kanya kanyang pamilya na.

Kaya ganoon na lamang ang malasakit nito sa kanya dahil para na daw sya nitong anak.

Pagkatapos kumain at nakapagpahinga ng konti ay nagbihis na sya para mag pa check up sa doctor at deretso ng pasok sa trabaho.

Siguro dahil nitong mga nakaraang linggo ay lagi silang puyat sa pag shooshoot ng programa ,

Kaya siguro siya sumama ang pakiramdam.

Tinawagan na niya ang kaibigan para sabihing baka ma late siya dahil pupunta siya ng ospital.

Napatawa pa nga siya sa reaksyon ng kaibigan.

"Hello ,Nadine napatawag ka ?"
Tanong nito.

"Eugene pasensya na sa abala , pero ma lelate ako mamaya. Pupunta akong Ospital."

"H-ha!...Bakit?!...Anong nangyari ?!.." sunod sunod nitong tanong matapos marinig ang Ospital.

"Ano ka ba , magpapa check up lang ako dahil medyo masama ang pakiramdam ko."natatawa niyang pahayag dito.

"Ahh.., akala ko naman kung napano kana. Okay lang. Sige mag iingat ka."Nag aalala nitong sabi.

"Salamat Eugene ! Salamat at nagkaroon ako ng kaibigang tulad mo."sabi nya.

"Ano ka ba ! Wala yun. Ako nga dapat magpasalamat at araw araw mo kong pinapaganda.! Paano na ko pag nawala ka? Eh di papangit na ko nyan?"pagtatampong sabi nito.

"hahaha! Ang drama naman. Lam mo naman ayoko ng ganyan di ba? Oh sya bye na at baka lalo akong ma late nya!"

Matapos nga ang pag uusap nila ay nagtungo na siyang ospital. Tinawag na siya ng nurse at pinapasok sa loob.

"Good morning Ms. Lustre ! Have a sit"bati ng doctora sa kanya matapos syang paupuin.

"Good morning po dok ! Kamusta po yung resulta ng mga test ?  Ano pong sakit ko ?"kinakabahan niyang tanong.

"hahaha ! Ms. Lustre , Natural lang ang mga nararamdaman mo. And Congratulation !"sabi nito.

"Hala dok ! Bakit po kayo natawa at binati nyo pa ko eh may sakit na nga po ako?!"takang tanong nya.

"Im sorry for laughing Ms. Lustre , wala kang sakit ! Its natural to you to feel that morning sickness because your pregnant ! "pagpaumanhing sabi nito sa pag tawa.

Hindi na siya nagulat ng malamang buntis siya. Dahil inaasahan na niya ito matapos  ang nangyari sa kanila ng binata isang buwan na ang nakaraan.

Dahil puro sa sinapupunan niya ito ipinutok ng binata. Kaya di na sya nag taka.

Masaya sya sa balitang iyon pero hindi niya alam kung paano sasabihin sa ina na buntis siya.

Paano kung tanungin nito kung sinong ama ?

Anong isasagot niya rito ?

Hindi naman niya pwedeng sabihing Si James Reid ang ama dahil malaking iskandalo iyon pagnalaman ng press.

Nag isip siya. Tinext niya si Eugene para sabihing hindi na sya makakapasok dahil may aasikasuhin sya sa kanila at kaylangang umuwi.

Pumayag naman ang kaibigan at natuloy na nga sya pag uwi.





#momhieQoh08








ONE NIGHT STAND WITH THE STAR !!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon