Chapter Fourteen

2.6K 67 4
                                    


Sabi ko naman sa inyo mag a update agad ako basta mag suggest kayo ng name. Hehe

Thankie Readers!

Thanks Mayumigail26 ;)
Eto na oh!

***

Bago simulan ang Shooting ng penikula, Nagdaos nga ng isang party na gaganapin sa bahay ni James sa Tandang Sora.

Ayaw sana niyang dumalo ngunit pinakapilit siya ng kaibigan.

"Magtataka na si James kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa humaharap sa kanya ang rekomendado ko,"sabi nito.

"Saka magkakaharap din naman kayo, You might as well do it now. Para malaman mo kung natatandaan ka pa niya O hindi."dugtong pa nito.

Sabagay, Naisip niya. Mabuti na rin makaharap niya ito para malaman niya ang magiging reaksyon ni James.

Kung parang tutol itong tanggapin siya kapag nakilala siya, hindi na lang siya magri-report sa firt shooting day.

Kung hindi naman siya makilala, mas mabuti. Basta desedido siyang iwasang magkasalubong ang landas nila.

Nag ayos siya ng Formal para maiba ang personality niya kasya noong una silang magkita.

Isang turtle neck black long gown ang suot na binigay sa kanyang ng kaibigan . At may hiwa ito hanggang hita.

Kitang kita ang hubog ng kanyang katawan. Dahil backless rin ang likod nito. At nagsuot sya ng ilang simpleng alahas.

Tinernuhan lamang niya ito ng stille toe .Ipinusod na lamang niya ang buhok at nagtira ng iilang hibla sa magkabila niyang tenga.

Muka na ba akong ibang tao? Tanong niya sa isip habang pinagmamasdan ang imahe sa salamin.

Nagkibit balikat siya ng marinig ang doorbell ng unit. Tinungo nya ang pinto at nakitang ang driver ng kaibigan ang narito.

"Ma'm hinihintay na po kayo ni Miss Eugene sa Kotse."sabi nito.

"Sige, susunod na ko."sabi nya.

Kinuha lamang niya ang purse na katerno din ng suot niya. Nang makababa siya nakita nyang nakatayo sa labas ng kotse ang kaibigan.

"Wow! Ang hot mo mars!"palatak nito.

"Same here mars! Ang hot mo din!"sabi ko. Nakasuot rin siya ng long gown na kulay pula. At ang eleganteng tingnan.

Marami silang nakitang kakilala na may kinalaman sa produksyon nang nasa party na sila.

Sa maluwag na bulwagan ng bahay ni James iyon ginanap. May mahabang mesa doon at puno ng ibat ibang klase ng pagkain.

O ang buffet table. Marami ring mga waiter na nagsisilbi sa paligid. Marami ang bumati sa kaibigan kaya hindi pa man sila nakakapili ng pwepwestuhan ay natigil sila sa gitna.

"Ako na lang maghahanap ng mesa natin."sabi ni Nadine na mailap ang mga matang at kumakabog ang dibdib dahil baka magkita sila ni James.

"Sige,"sabi nito na inalis ang tingin sa kausap na reporter. Bago siya tuluyang makalayo bumulong pa ito, "Relax."

"H-ha?"takang tanong niya.

"You're not aware of it but it shows. Kinakabahan ka at hindi makakatulong yon sa paghaharap nyo ni James . So , just Relax."

Alanganing tumango siya at lumayo na para humanap ng mesa. Pinili niya ang pang apatang mesa na malayo sa karamihan at hindi masyadong pansinin dahil na sa sulok.

Ilang saglit siyang nakaupo nang lapitan siya ng waiter at tanungin ng maiinom.

"Margarita,"sabi niya.

Tumalikod na ito. Iginala niya ng tingin sa nasa paligid. Nasaan na kaya ang James na iyon? Tanong ng isip niya.

Hindi niya maintindihan kung bakit kahit kinakabahan ay nasasabik din siyang makaharap na muli ng personal ito.

Natigilan siya ng makitang papalapit ang kaibigan kasama si Joseph?

Anung ginagawa nya dito? Napangiti siya ng makalapit ang mga ito.

"There you are,"sabi ni Eugene.

"Hi, Miss Beautiful ! "bati ni Joseph sa kanys sabay halik sa likod ng palad nya.

"H-hi!"nahihiyang bati nya.

"You're so Gorgeous Nadine! Hindi ka nakaka sawang tingnan."puri pa ng binata.

"thanks ! Ikaw rin , ang gwapo mo ngayon . Haha"sabi ko.

"Thanks, by the way, anung ginagawa mo dito ngayon?"tanong ni Joseph pero sinagot sya ni Eugene.

"Sya kasi yung nerekumenda kung make up artist kay James."nakakalokong sabi nito sa kanya nakatingin.

"Wow! Thats good! Ibig sabihin makakasama kita sa shooting ng penikula."sabi nito.

"H-ha?"takang tanong niya pero ang kaibigang si Eugene ang sumagot.

"I'm sorry Nadine, hindi ko pala na sabing Isa sa mga cast ng penikula si Joseph. Hehe "sabi nito.

"A, ganun ba. Congrats!"sabi niya kay joseph.

"Thanks, pano eh di sabay na tayo lagi nyan? Sakin kana sumabay pag may shoot ng penikula at pauwi. Iisa lang naman ang inuuwian nating lugar."sabi nito.

"E, hindi ba nakakahiya sayo yun? Baka maging abala lang ako."sabi niya.

"Ano ka ba, kahit kaylan hindi ka naging abala sakin! Alam mo namang malakas ka sakin."sabi nito.

Nagkatawanan silang tatlo.
Parang nanigas ang mga kalamnan niya nang matiyak kung sino ang nag salita.

Hindi pa niya nakikita pero ibinubulong na ng kanyang puso.

"Hello James,"bati ni Eugene.

"Hi Precy,"Gusto man niyang lingunin ito ay hindi nya magawa.

Parang gusto nga niya ngayon ay lumubog siya sa kinatatayuan para hindi sila magkita ni James.

"Hello Joseph,"bati nito sa katabi niya. Nakatalikod kasi siya sa mga ito kaya hindi pa siya nakikilala.

"Hi James,...Hello Precy."sabi nito sa dalawa. Iniyuko niya ang ulo na wari'y nasa iniinom ang atensyon niya.

"Hi Joseph,"bati ng babaeng kasama nito.

"And who's the beautiful lady besides you Eugene?"tanong ni James.

"Ang matagal mo nang hinahanap sa akin James, si Nadine ang magiging make up artist natin."nakakalokong ngiti ang ibinigay sa kanya ng kaibigan.

Napilitang siyang lumingon at tingnan ito. Kitang kita nya ang pagkabigla sa hitsura nito.

Nawala ang ngiti sa labi nito. Nakilala siya ni James kahit iniba nya ang ayos.

***

Sabi ko naman sa inyo mabait ako eh. Just vote, comment and be a fan.

Follow me also!

#momhieqoh08





ONE NIGHT STAND WITH THE STAR !!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon