CHAPTER EIGHT.

2.9K 60 0
                                    


--------

Nagpaalam rin siya kay Nanay Pasing nauuwi mu na sa kanila.

"Mag iingat ka hija! At maselan pa naman yang kalagayan mo." bilin nito sa kanya.

"Opo Nay! Kayo din po. Sige na po at aalis na po ako. Mga dalawang araw lang naman po ako samin." sagot niya sa nag aalalang ginang.

Hindi siya nito pinilit sabihin kung sino ang ama ng ipinagbubuntis niya.

Kahit na alam niyang gusto itong malaman ng ginang. Ay hindi niya sinabi.

Baka anu lamang ang isipin nito kapag sinabi nyang isang sikat na actor ang ama ng ipinagbubuntis niya.

Alas tres na ng hapon ng makauwi siya sa kanila sa probinsya.

Nagulat pa nga ang kanyang ina ng mabungaran siya sa pintuan matapos niyang kumatok.

"M-mano po inay '.."magalang niyang sabi.

"O, anak napasyal ka? Hindi ka man lang nag text o tumawag na uuwi ka dito , sana'y napasundo kita sa kapatid mo."pahayag ng kanyang ina.

"Wala po iyon ina'y, kaya ko na naman pong mag tricycle pagkababa ng bus."sagot niya sa ina.

"Ah , O , kumain ka na bang bata
ka ?"tanong nito.

"Hindi pa nga po eh , namimiss ko na nga po yung luto nyo."paglalambing na dalaga sa ina.

"O sya't sige at ipagluluto kita ng paborito mo.

Tatawagin ko lang yung kapatid mo at baka nag lalaro na naman sa labasan iyon." sabi ng ina nya at lumabas na.

Kinakabahan siyang aminin sa ina ang kalagayan.

Bukas na lamang niya sasabihin dito na nadisgrasya siya sa maynila ng isang lalaki.

Mabait naman ang kanyang ina kaya maiintindihan naman siya nito.

Dumating na ang kanyang ina kasama ang nakababatang kapatid.

"Ate Nadine !"salubong nito sa kanya at niyakap naman ito ng dalaga.

"Kamusta kana ate ? Maganda ba roon sa maynila ?

Pag nakatapos ako ate pupunta rin ako doon.."sabi ni Dino ang nakababata niyang kapatid.

"Oo, maganda roon.. Madami kang makikitang ibat ibang uri ng building at tao."sagot niya rito.

"Talaga po ?!"kita ang excitement sa muka nito.

"Oo, pero bago yun mag aral ka mu nang mabuti.. Grade four ka pa lang kaya."sabi niya sa naglalambing na kapatid.

"Yaan mo ate pag nakatapos ako ay doon ako hahanap ng trabaho para maibigay kay nanay ang magandang buhay."sagot nito.

"O sya bago yan , eto oh saiyo,"abot niya sa laruang robot na pasalubong sa kapatid.

"Oh ,  Nasaan si Danica ? Yung ate Danica mo Dindo asan ?"tanong niya sa kapatid.

"Baka nadoon lang po iyon sa kapit bahay ate."sagot ng bunso nila.

"Oh , ibibigay ko sana ito sa ate Danica mo , ikaw ng mag abot Dindo ha."sabi niya sa kapatid matapos iabot ang isang bistida na siguradong kasyang kasya sa kapatid na Dalaginding.

Inilagay na niya ang mga gamit sa dating kwarto na pagmamay ari na ngayon ng sumunod na si Danica.

"Nadine , bumaba kana dyan at nakahanda na ang hapunan!"sigaw ng kanyang ina .

Hindi niya namalayang nakatulog pala siya sa kwarto pagkatapos mag ayos ng mga gamit.

Nagising siya sa tawag ng ina. Ipinuyod lang niya ang gulo gulong buhok at bumaba na para kumain.

Nakita nyang naroon narin ang sumunod sa kanyang si Danica.

Tuwang tuwa itong yumakap sa kanya ng makalapit siya sa hapag.

"Salamat po sa damit ate !" tuwang sabi nito.

"Wala yon ', syempre kapatid ko kayo eh! Tara at kumain na tayo." sabi niya.

Tiningnan nya ang nakahanda sa lamesa . Pritong manok at Siarsyadong tilapia.

Napalunok siya. Maya may pay dalian siyang tumakbo palabas dahil sa bumaliktad na naman ang sikmura nya.

"A-anak ? Ayos ka lang ba ?"pag aalalang tanong ng ina.

"Opo ina'y , medyo sumama lang po ang tyan ko.."sagot niya sa ina.

"Anak sigurado ka bang ayos ka lang? Namumutla ka kasi." paulit nitong tanong at tiningnan ang dalaga.

"O-opo Nay'.."kinakabahang sagot niya.

Hindi nakaligtas kay Nadine na sinusuri siya ng ina.

Matapos niyang sumuka ay uminom lang siyang tubig at umakyat na. Maya maya'y pumasok ang kanyang ina.

"Anak , may gusto ka bang sabihin sakin ? O ipagtatapat ?"
paniguradong sabi nito.

"P-patawarin nyo po ako ina'y !"
tumulo na ang kanyang mga luha pag kasabi noon.

"B-bakit ? B--buntis ka ba Anak ?!
"tanong nito.

Hindi siya naka sagot bagkos tumango na lamang siya sa ina at patuloy na umagos ang luha.

"P--patawad po ina'y.. Hindi ko po sinasadya... Nadisgrasya po ako ng lalaki sa maynila." hinging paumanhin niya sa ina.

"G-ganun ba Nadine ? .. Hayaan mo't kaya naman nating palakihin ang anak mo kahit walang ama."haplos nito sa likod ng dalaga habang sinsabi iyon.

"S-salamat po inay!"huling sabi niya at nakatulog na.

Kinabukasan nga ay nagsimba lamang sila at namasyal.

Kinahapunan ay nagpaalam na rin siya sa mga kapatid at ina na babalik ng maynila.

Nakabalik na siya kinabukasan sa maynila at pumasok. Ipinagtapat na din niya sa mga kasamahang buntis siya.

Nagulat pa nga ang mga ito ng malamang buntis siya , samantalang wala naman silang kilalang nobyo nito.

Lumipas pa ang mga araw at buwan hanggang maipanganak niya ang sanggol sa sinapupunan.

Isang babae ang naging bunga ng pag niniig nila ng binatang kaytagal niyang minahal.

Pinangalanan niya itong....








Hi readers ! Sugesst kayo ng name ng baby ng Jadine... Hehe pinakamaraming sugesst at pinaka maganda dun ko isusunod yung name.

Ano ? Game ! Comment nyo lang yung suggestion nyo. And voted also. Hehe thankie !!!


#momhieQoh08






ONE NIGHT STAND WITH THE STAR !!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon