Chapter nineteen

2.7K 61 0
                                    

Enjoy reading..

***
"Si J-james ba ang ama ni Alexis?." sabi nito.

Nagulat siya sa tanong nito. Paano nya nalaman na si James ang ama ng anak niya?

Ganoon naba talaga kamuka ng anak niya ang ama nito. Kaya pag nakita ito ng kakilala ay alam agad kung sino?

"Ha?.. Ah, e J-joseph.. Paanong--" hindi na niya naituloy ang sasabihin ng tawagin sila ni Janine.

"Nadine! Lets go." sabi nito. Save by the bell. Magpapasalamat talaga ako kay Janine. Grabe ang kaba ko sa tanong sakin ni Joseph.

"S-sige Joseph.. Sunod ka na lang sa bahay ha?" sabi niya at naglakad na papunta sa kotse ni janine.

"S-sige.. Bye Nads!" alanganing sabi nito.

Nang makasakay siya ng sasakyan ni Janine at nasa byahe sila ay nagsalita ito.

"He likes you." sabi nito.

"Ha?" takang tanong niya.

"Joseph Marco. He likes you Nadine. I see it. The way he look at you." sabi nito.

Hindi naman siya nagulat sa sinabi nito. Ramdam niyang gusto siya ni Joseph. Pero hindi lamang niya ito mapagtuunan ng pansin dahil sa kaibigan lang talaga ang tingin niya rito.

"Alam ko.. Ayoko lang magtake advantage sa ginagawa nya. I like him.." sabi ko.

Totoo ang sinabi nya gusto nya ito. Pero hindi sa paraang inaasahan nito.

" You like him, just a friend right?" sabi nito.

"Yes..just a good friend." sabi nya.

Nang makarating sila sa unit ay kasunod na din nila si Joseph. Pagbukas nila ng pinto ay nagtatakbo na si Alex sa kanya

"Mommy!.. " sigaw nito. At humalik sa kanya. Pagkatapos ay bumaling kay Joseph.

"T-tito Marco !!" takbo nito at kumalong pa sa binata at hinalikan ito sa pisngi.

Tiningnan niya ang reaksyon ni Janine. Sa una'y nagulat ito. Pero maya maya'y nakangiti itong tumingin sa kanya. She just smiled back.

"Hi, princess! Na miss mo ba si tito?" tanong nito sa anak niya habang kalong parin ito.

"Yes tito M-marco! I miss you! But.  Where's my chocolates tito Marco?" makulit nitong sabi kay Joseph.

Lumapit siya sa mga ito at iniabot sa anak niya yung chocolates na binili ni joseph.

"Here's sweetie. Tito Marco bought this to you." sabi niya sa anak. " Say thank you to tito Marco, sweetie."

"Thankie tito M-marco." nakangiti nitong sabi at ginawaran ng halik si Joseph sa pisngi.

Napakalapit na ni Alexis kay Joseph. Napansin nyang medyo spoiled ito rito. Nahihiya na nga siya kay Joseph minsan. Naputol ang pag iisip niya ng mag salita ang kanyang anak.

"Mommy, sino po sya?. Friend nyo po sya?" tanong ng anak niya. Na nakaturo kay janine.

Nahiya tuloy siya kay Janine. Nalimutan na nya ito.

"Sweetie.. Thats tita Janine.. New friend ni mommy. Say hi to tita Alexis." sabi niya sa anak.

"Hi po tita Janine!" masiglang bati nito na hindi umaalis sa pagkakakalong ni Joseph.

"Hi!..Alexis? Its that your name right?" baling nito sa anak niya. Tumango lang ang anak niya at inaabot nito ang chocolate kay Joseph. Tingin niya ay pinabubuksan ito.

ONE NIGHT STAND WITH THE STAR !!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon