Chapter Twenty two

2.6K 54 0
                                    


Haha! Nakakatawa hindi man lang ako naka quota sa ticket namin! :'(

Ang hirap mag benta e! Huhu..

Sige eto na nga !

Enjoy Reading !

***
"Okey ka lang Nads?" nag aalalang tanong ni Joseph.

"Ah, O-Oo!" sabi niya. Alanganing ngumiti siya rito.

"Alam mo bang ngayon i shu-shoot yung Eksena ni James at Precy?" nag aalalang tanong nito.

"Oo." sagot niya. Alam niyang eksena nung dalawa ang kukunan. Pero hindi nya alam kung anong eksena un.

"Gusto mo bang wag na lang tayo manuod ng ishu-shoot?.. Kain na lang tayo sa labas?" sabi nito.

"H-ha? Baka kaylangan tayo sa set e. Hindi kaya pagalitan tayo?" takang tanong niya.

"Hindi yan. Akong bahala sayo!" tuwang sabi nito. Pero nag aalala syang baka magalit na naman si James sa kanya.

"S-sige na nga!" sabi ko. Pero ang totoo'y ayaw nya lang mapanood ang ka sweetan ni James at Precy. Nakakaselos kasi. Sabi nya sa sarili.

Lumabas nga sila ni joseph. Nag ikot ikot sila. Marami syang nakitang magagandang tanawin. Nakakita rin siya ng maipapasalubong sa anak.

"Ate, magkano po dito?" tanong niya at tinuro ang kulay purple na teddy bear na may heart sa gitna at my nakasulat na I Love You.

"250 lang dyan miss." sabi nito pero kay Joseph nakatingin.

"Here." abot ni Joseph ng bayad.

"J-joseph! Nakakahiya naman! Ako ng magbabayad!" sabi niya at kumuha ng pera.

"Nads, ano kaba? Para naman kay Alex yan e. At ako ang nag aya di ba? So its my treat." sabi nito.

"Ang sweet naman po ng Boyfriend nyo! Bagay na bagay kayo! Di ba artista po sya?" kinikilig na sabi ng Tindera.

"Naku ate! Hindi ko po sya Boyfriend!hehe!" natatawang sabi niya. Siya at Joseph? Napagkamalang mag On? Grabe si ate ha!

"Pasensya na po ha, kala ko po kasi boyfriend nyo po sya. Sayang bagay pa naman kayo mam!" parang nanghihinayang na sabi ni ate.

"Naku ate! Kaibigan ko lang po talaga yan! S-sige po!" sabi nya at inakay na si Joseph palayo.

Nakita kung ang daming nakatingin samin. Dahil sa kanya. Bakit ba ang gwapo ng lalaking to? Kahit san kami pumunta pinagtitinginan.

Siguro dahil marami ng nakakakilala sa kanya.dahil artista sya. At maka ngiti sya ha?

"Grabe ang pogi ni kuya!" rinig kung sabi nung isang babae.

"Oo nga sis! D-diba artista yan?! Yieee!! Ang Yummmy nya!" sabi nung isa. Hala? Pagnasaan ba daw itong lalaking kasama ko?!

"Oo sis ang Hot nya pa! Yieee!" nagtitiling sigaw pa nung isa. Oo na! Alam kung gwapo to!

Paano kaya kung si James pa ang kasama ko? Naku baka maglupasay pa sila. Ka pogi din nung lalaking yun e, hes so hot !

Ay! Bakit ko ba naiisip yung lalaking yun?! Patay! Baka galit na naman samin yun! Tsk! Halos 3 oras na kami namasyal ni joseph. Nag ikot , namili at kumain lang kami.

"Joseph?." tawag ko sa kanya.

"Bakit Nads?" nakangiting sagot nito.

"B-balik na tayo sa bahay. B-baka mapagalitan tayo!" nag aalalang sabi ko.

ONE NIGHT STAND WITH THE STAR !!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon