CHAPTER FOUR

3.9K 75 5
                                    


Pero alam niyang mahal ng binata ang image nito.

Hindi nito hahayaang masira lamang iyon dahil lamang sa isang paris nya.

Marahil ay gusto lamang talaga nitong magpahinga ng maayos.

At siguro rin ay talagang naaawa lamang ito sa kanya. Nag aalalang baka magkasakit siya.

Inalalayan siyang pumasok ng binata sa loob ng kwarto. Ngunit binawi niya ang kanyang siko.

Noong nasa labas sila ay okey lang iyon. Pero ngayong nasa loob na sila ng iisang silid ay dapat hindi sila magkaroon ng intimate bond  ng binata.

Maliit na salas ang bumungad sa kanya. May maliit na lamesa at dalawang single sofa na magkaharap.

Hinintay niya ang binata. Ito ang nagbukas ng silid.

Parang ninerbyos siya ng ang unang mahagip ng mata niya ay ang malaking kama sa gitna ng kwarto.

Naunang pumasok ang binata.

"Giginawin ka nyan  ng todo kapag hindi kapa pumasok." ani nito sa kanya.

Atubili ,Pumasok din siya. Naupo ang binata sa gilid ng kama. Dinampot ang telepono sa gilid ng mesa.

Binuksan nito ng isang kamay ang menu na nasa ibabaw din ng mesa , saglit iyong tiningnan at...

"Hello..."sabi nito sa telepono.

Nakita ni Nadine  na iniaabot sa kanya ni James  ang menu. Kinuha niya ito.

Binasa niya ang laman niyon.

"Gusto naming umorder ng pagkain." sabi ng binata.

Tinakpan nito saglit ang mouthpiece. "Anong gusto mo ?"baling nito sa kanya.

"Kahit ano. Bahala ka na."tugon niya.

Inalis ng binata ang pagkakatakip sa mouthpiece.

"Yun bang mushroom soup ay kasya sa dalawa?. Good . Isang order nga. Saka beefstake at flaming chicken.

Samahan mo na ng isang  pasta. Saka dalawang plain rice, No, isang beer at ladies drink lang. Meron ba kayo noon?"sabi nito sa kausap sa telepono.

Ano kaya iyon ? Siguro ay soft drinks lamang iyon. Nasa isip ng dalaga.

"Meron ?, okey , sige yun na. Paki bilisan lang."huling sabi nito bago binaba ang telepono.

Tumayo ito at sinuri ang paligid.
"hindi na pala natin kaylangan i on ang aircon. Ang ceiling fan na lang ang buksan natin." ani nito.

May pinindot ito sa ulunan ng kama at bumukas na ang ceiling fan.

"Huu!,"sabi ng binata ng noon lamang mapansing basa na ang suot na damit.

"May dala akong polo dito sa maleta. Maluwang iyon. Kung gusto mo ,isuot mo muna."pag aalok niya rito.

"Mahaba ba ?"tanong nito.

"Bakit ?"balik tanong niya.

May kislap ng panunudyong naglalaro sa isip ng binata.

"Para matakpan ang pang ibaba ko. Syempre maghuhubad din ako ng pantalon at iba pa."turo nito sa basang suot.

Tama nga ang binata tumutulo pa ang tubig sa pantalon nito.

"May dala rin akong pantalon na maluwang . Para namang pang unisex iyon. Baka nga lamang hindi magkasya iyon sa bewang."sabi niya.

"That's for sure."sabi nito na itinuro ang bewang.

Nakadama ng pagkaasiwa ang dalaga.

"tingin ko'y twenty six lamang ang sukat ng bewang mo."ani nito.

ONE NIGHT STAND WITH THE STAR !!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon