Chapter 9: The Search for Next Assistant

221 12 6
                                    

"When you go in search of honey, you must expect to be stung by bees"

****

Diamond's POV

"Ano?! Sigurado ka ba diyang Jack? Bakit?" Sunod sunod na tanong ko sa kabilang linya. Papasok na kaming lahat na magkakapatid at nakasakay na sa van sasakyan. Lahat sila ay napatingin sa akin maski si Turquoise na nagdridrive.

"I see... Sige, thanks for informing me" saad ko at pinatay na ang phone ko.

"Doushite Dia-chan?" tanong ni Emerald who was busy eating pepero with Alexandrite.

Napabuntong hininga nalang ako "Zach dropped out from the school today"

"Oh? Bago yan ah, eh samantalang patay na patay sayo yun at di kakayaning mahiwalay sayo" walang prenong ani ni Topaz.

"Oo nga, kulang nalang magpalagay yun ng collar para maging aso sa kakabuntot sayo e" segunda ni Turquoise.

"Alah! Ang sasama niyo. Zach is just a friend" paglilinaw ko.

"Kaya nga eh, di sapat ang pagiging friendzone kaya pati alalay zone eh kinareer narin nun"

"Hay, ewan ko sa inyo! Ito na nga at namomoblema na ako dahil wala na akong assistant e"

"Oh, ayan si Turquoise kunin mo, para di laging nangungulit sa Music Club" offer ni Opal na katabi ni Turquoise.

"Oo nga, walang ginawa yan kundi makitambay sa mga clubs natin" sabat ni Alexandrite.

"O kaya magcutting classes"

"O kaya magupdate ng blog niya"

"Baka pwede namang ibackstab niyo nalang ako para kahit papaano ay hindi ko marinig ang mga iyan?" tanong ni Turquoise habang nakatingin sa amin sa rearview mirror.

"Ay sorry neng! Nasasaktan ka ba?" tanong ni Topaz.

"Ay hindi hinde!"

Natawa nalang ako, kahit papaaano ay napagaan naman nila ang pakiramdam ko.

Nakakapanghinayang lang talaga dahil malaki ang naitutulong sa akin ni Zach sa Student Council Committee at panigurado ay hindi na ako makakahanap ng kasing efficient niya.

I know very well that Zach is in love with me but I already made myself clear that I don't have any leisure for those kinds of things.

Pagdating namin sa SU ay dumeretso na ako sa Student Council Room kung saan ay hinihintay na ako ng Student Council Vice President at Secretary.

"Good morning Miss Diamond" bati nilang dalawa.

I smiled and sat on my chair "Well, it's a bad morning for me"

Lumapit si Jack at inabot s akin ang papers "ito yung mga files na kailangang ipacheck for the upcoming Foundation Day Miss Diamond. Wala na si Zach kaya hindi pa yan narereview"

"Hay, I guess hangat hindi pa ako nakakahanap ng kapalit niya ay mas madadagdagan ang trabaho ko"

"Don't worry Dia, madami naman ang gustong magapply for his position." Pagpapalubag loob ni Wilbur Mauricio, ang Vice President at tinuro ang nakatumpok na papels sa katabing upuan.

"Forms ng mga gustong magapply in hope of becoming the servant of Miss Diamond Valereo"

Napakunot noo ako "bat ang dami naman agad?" sa tansya ko ay more than 100 papers ang mga iyon.

"Siyempre, kalat na sa buong SU kaninang ala sais ng umaga na wala na si Zach kaya dumagsa ang mga studyante dito, buti nalang at wala ka pa kaya napigilan ng iba pang SCC members ang riot kanina. Kaso nga lang nasa infirmary na sila" explain ni Wilbur.

Daughters of the GeneralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon