Chapter 13: Her Accompanist

128 1 0
                                    

"Music expresses that which cannot be said and on which it is impossible to be silent"

- Victor Hugo

***

"Tst! Nakakainis na talaga ang mga lalaking ito!"

"Oh, ang aga aga bad trip ka na agad Opal" komento ni Juliet na kasabay kong naglalakad, magkaklase kasi kaming dalawa sa isa naming subject.

"Paano ba naman kasi Juliet, message ng message sa akin sa FB, kung makapagcomment parang close kami, tapos yung iba nangungulit na lumabas daw kami e ni hindi ko nga sila kilala!"

"Hay, ano bang bago? Sa inyong lahat na magkakapatid ay ikaw ang pinakahabulin eh"

Nangigigil na binoblock ko ang lahat ng mga lalaking chat ng chat sa akin more than 50 boys a day ang nagchachat sa akin kaya pag inoopen ko ang account ko ay sunod sunod ang mga messages na nagpopop out.

"Wala ba silang magawa sa buhay nila? Why can't they just leave me alone!"

Natatawang hinawakan ni Juliet ang balikat ko "Madami ang gustong mapunta sa pwesto mo Opal! Saka you can't blame those men ok? Sinong hindi magkakagusto sayo? You're the prettiest among the Valereo sisters, top one student in your department like your other sisters, a talented musician, great dancer and singer. There are so many things to like about you, well, maliban nalng siguro sa pagiging mainisin at hard headed mo"

"I don't need anyone's adoration, love and attention. I hate it whenever other people talks behind my back; may it be a good one or a bad one"

"Amen" comment na lamang niya na nginisihan ako.

Pagpasok namin sa loob ng club room ay nadatnan namin ang tatlo pang members na nagkwekwentuhan.

"Hi" bati ni Juliet sa mga iyon at ngumiti sila.

"Hi Club President! You have to hear the new piece of Ysabelle! Ang galing galing niya!" aya ni Ara, isa sa mga kaibigan ni Ysabelle.

"Talaga? That's great, yan ba ng iprepresent mo sa Musical Concours for the School Fest Ysabelle?" tanong ni Juliet, nagtungo na lamang ako sa may favorite piano ko at pinunasan iyon. Wala akong interes makinig sa usapan ng mga taong nagyayabangan lamang sa musika.

"Well, it depends Juliet. Titingnan ko pa kung kaya akong sabayan ng accompanist ko. Baka masyado akong magaling at maitsyapwera lamang siya" mahanging sagot ni Ysabelle at pasimpleng bumaling sa akin.

"Ikaw Opal, anong piece mo? I hope it's not something beyond your capabilities"

Imbes na sagutin siya ay binuksan ko lamang ang musical sheet ko at inaral ito.

Kahit hindi ko siya tingnan ay alam kong naiinis siya sa pagdedma ko sa kanya.

Ysabelle is a fellow club member, she came from a family of musicians and takes pride for it. Magaling naman siya but I guess hindi lang niya matangap na she's just second to me.

"A-Ahm, iparinig mo kaya kay Juliet ang piece mo Ms Ysabelle?"

Umaliwalas ang mukha ni Ysabelle at mabilis na umupo sa katabi kong piano at naghandang tumugtog.

She was playing Beethoven's Für Elise and was confidently playing with her fingers with a haughty smile.

Sa umpisa ay maayos naman ang pagtugtug niya until dumating na sa middle part kung saan pumanting ang tenga ko dahil naging magulo na ang mga nota, nahuli din ng tatlong segundo ang pagtipa niya sa C#major sixth. Pagkatapos niya ay nagsipalakpakan sina Luisa at Ara, I guess hindi nila napansin ang maliit na pagkakamali ni Ysabelle.

Daughters of the GeneralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon