Chapter 15: Diversion

27 1 0
                                    

"When one has a famishing thirst for happiness, one is apt to gulp down diversions wherever they are offered."

***

Turquoise PoV

"We need to get his attention diverted" Saad ni Diamond at ipinakita ang picture ng isang foreigner na nasa mid-forties.

Inilapag niya ang letrato kasama ang isang folder sa lamesang nasa gitna. Ang mahabang tuwid niyang buhok ay nakatali in a messy bun style habang suot suot ang eyeglasses niya, halatang pinagpuyatan niya ang pagiimbestiga sa lalaking ito.

Nagmemeeting kami sa secret Armory Room at pinaguusapan ang susunod na misyon namin.

"Siya na ito Dia?" I asked as I look at the picture.

"Yes. He's Miguel Cantera, a Spanish citizen based in this country for almost 15 years. Siya ang head ng isang Child Foundation but no information can escape from me" Sagot ni Diamond at inayos ang kanyang suot na salamin.

"Douiu imi desuka?" (What do you mean?) Pangaalien language ni Emerald habang nageesketch sa notepad niya.

"He's a child trafficker behind the shadow. My research says that he is connected to that organization. Siya ay katrabaho ni Genardo na dapat sana ay katatagpuin niya noong nakaraang buwan"

"Kaso nga lang, si kamatayan na ang nakatagpo niya" Comment ni Topaz at sumipol.

Isang buwan na ang nakakalipas ng sinugod namin ang hideout ni Genardo kung saan ay nagpakamatay ito na muntik pa kaming dinamay.

"So yan pala ang pinagpuyatan mo buong magdamag, inumin mo muna tong kape Diamond" bilin ng very caring Alexandrite at inilapag ang tinimplang kape sa lamesa.

"Hindi mo naman kailangang sarilihin ang ganitong trabaho Dia, we can always help you. Saka next week na ang SU Foundation Day kaya for sure pagod ka na"

"I know Opal, don't worry. I'm not over working myself" Nakangiting sagot ni Diamond.

"So as I was saying, we need to divert his attention para macorner natin siya bago pa siya lumuwas ng bansa"

"He's leaving?"

"Pagkatapos ng nangyari sa kanyang business partner ay mas naging alerto at maingat siya. For the past month ay inasikaso na niya ang mga ari-arian at papeles niya pabalik ng Spain. He believes na siya ang isusunod ng Black Reapers"

"Which is true"

"Yes, Drite. Kaya ang kalaban natin dito ay oras"

"So what kind of diversion ang kailangan natin?" Tanong ni Emerald at kinuha ang letrato ng target.

Emerald is not just a great cosplayer. She's always been the one who can do under covers like a professional. She can pretend to be an old woman, a model, a beggar and even a man if the situation needs it.

Siguro kasi sa dami ng ibat ibang characters na kinocosplay niya ay naging gamay na niya ang pagpapangap. She can wear hundreds of different masks whenever she wants.

Siya din ang madalas na inuutusan ni Dia na magsilbi bilang espiya kung kinakailangan.

"An innocent one"

Kunot noong napatingin kami sa kanya.

Innocent? Paano maagaw ang atensyon ng isang lalaki sa pagiging inosente?

Diamond smiled as if she was able to read the question inside our heads.

"He's a pedophile"

Napatigil kaming lahat at natahimik.

Daughters of the GeneralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon