Chapter 10: Bad Blood

135 5 0
                                    

"For me there is never bad blood- unless you do something to me"

- Lennox Lewis

******

Turquoise PoV

"Nakakaloka ang mga lalaking yun!" bulalas ni Alexandrite at natatawang hinawakan naman ni Topaz ang balikat nito.

"So right! Lalo na yung Glenford na yun! Ang yabang yabang eh hindi man lang nga makagawa ng simpleng side kick"

"Yung isang saru (ungoy) naman tinawag akong weird! Magpipinsan nga ang mga ungas! Kakapal ng mukha!" comment ni Emerald.

Kasalukuyan kaming nasaloob ng kotse namin at nagbyabyahe pauwi.

Natatawang pinapanuod ko na lang sila sa salamin habang nagdridrive, katabi ko sa harap si Opal.

Maiinit talaga ang mga dugo nila sa mga Arquero. Ilang araw palang na lumipat ang anim na magpipinsan na iyon dito sa SU pero daig pa nila ang nasa World War III.

"Hindi naman lahat" salungat ni Diamond.

Nagtinginan ang tatlong bruha at sabay inatake ang kawawang Diamond.

"Anong hindi naman lahat? Palibhasa kasi type mo ang isa sa mga Arquero!" bunyag ni Emerald at sinimulang kilitiin si Dia.

"Stop!" mangiyak ngiyak na inda ni Dia habang kinikilit ng tatlo.

"Tama! Ano na nga bang pangalan ng nerdy boy na yon?" tanong ni Topaz habang tumutulong sa pagkikiliti.

"Zion ata" sagot ko. Nakwento na kasi sa akin ni Odin ang mga pinsan niya pati yung kapatid niyang si Bryle.

"Oo Zion! Yung bagong kasama sa Student Council kanina!" segunda ni Emerald.

"Don't tell me na siya ang papalit kay Zach?" Di makapaniwalang tanong ko. Kaninang umaga lang namin nalamang nagdrop out yung assistant ni Dia tapos nakahanap agad siya ng kapalit?

"Tsk! Hindi mapagkakatiwalaan ang mga lalaki neng! Panigurado may gusto lang sayo yung Arquerong iyon. Baka bantay salakay pa nga ang isang iyon" saad ni Drite, napakaman hater din ng isang ito tulad ni Opal.

Halos maiyak iyak naman si Diamond habang nagmamakaawang tantanan siya.

"Tantanan niyo nga si Dia, saka labas na tayo kung may gusto man ang Zion na iyon kay Diamond. I mean she's single right?" pagpapaalala ni Opal at siya naman ang sinunod na inatake ng mga kapatid ko.

"Duh! Baka nakakalimutan mo Opal. Single po tayong lahat. At dahil iyon ay Erpats!"

"But I have to admit it. Gwapo nga silang lahat" I stated at napatingin naman sila sa akin.

"Ewww! So major major ewww ka Turquoise!" nandidiring sigaw ni Topaz at natawa na lamang ako.

"Paganyan ganyan pa kayo. If I know naguwagwapuhan din lang naman kayo sa mga umaaligid sa inyo!"

And damn! I nailed it!

Nagsitinginan sila sa ibat ibang direksyon ang mga bruha! Maski si Opal na nasa tabi ko ay napatingin nalang sa labas ng bintana.

Napahagalpak nalamang ako sa tawa! "Oh my gosh!" sigaw ko enjoying the moment.

"That's not the point here ok? Yes, maybe they're indeed handsome, but duh? They're so arrogant" Emerald said and rolling her eyes.

"Egoistical!" _Alexandrite

"Chauvinist!" _Topaz

"Annoying!" _Opal

Daughters of the GeneralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon