Chapter 6: Transferees

244 10 0
                                    

"There is no reality, only perception. Identify the filters through which you view the world"

*******

Turquoise PoV

Nakatayo lamang ako sa veranda habang tinititigan ang bukang liwayway.

It's been a day now since the party of Senator Andrade pero hindi mawala sa isipan ko si Odin... How his cold and dead eyes look at me as if he was trying to decipher a book, his touch still lingers through my body...

Shit Turquoise! Kung makapagisip ka para namang may kung ano kayong ginawa na dalawa e samantalang nagsayaw lang naman kayo!

Napabuntong hininga nanaman ako, it's no use thinking of him Turquoise, for sure ay nakalimutan ka na niya.

Napalingon ako ng maramdaman kong may tumapik sa balikat ko.

Napangiti ako at yumakap dito "Good morning MommyDaddy" bati ko at hinalikan naman niya ang noo ko.

"Ang lalim naman ata ng iniisip ng bunso ko" turan niya at umiling ako.

"Hindi naman po, maaga lang akong nagising" sagot ko, he smiled looking at the sun rising from the horizon.

"You remind me of your mom anak, ganito rin siya kaaga gumising" kwento niya at ngumiti ako ng malungkot.

"It's too bad we never met her" Bat pa lamang kami ay lagi na kaming kinukwentuhan ni Mommydaddy patungkol sa namayapa niyang asawa na si Lady Claudia. She died living him alone in this cruel world, kaya ng makita niya kaming anim ng gabing labindalawang taon na ang nakakaraan ay walang pagaalinlangang inampon kami ni Mommydaddy.

He gave us everything we have, a home, education, new life and a family...

He treated us as his own daughters kahit na hindi niya kami kadugo, siya ang naging ama naming anim at lagi niyang sinasabi sa amin na kami ang kanyang kayamanan.

Pinalibot niya ang isa niyang kamay at inakbayan ako "Yes, but for sure ay masaya siya dahil nagkaroon kami ng anim na magagandang anak" ani niya.

Tipid akong ngumit at inihilig ang ulo ko sa balikat niya. Isang bagay lamang ang hindi niya naibigay sa amin at iyon ay isang ina.

Bata palang kami ay pinaintindi na niya sa amin na namatay na ang aming 'ina' at hindi na namin siya makikilala but even if so, hindi namin pinilit si MommyDaddy na magasawa muli dahil nakita namin kung gaano niya kamahal si lady Claudia.

Itinuon niya sa aming magkakapatid ang oras at pagmamahal niya kaya't sapat na iyon. Hindi man namin nakilala si Lady Claudia ay siya parin ang kinikilala naming ina dahil siya ang nagiisang babaeng minahal at minamahal ng aming "ama"

"Ke aga aga at nagmomoment kayo diyan a!" sigaw ni Topaz na pababa ng hagdan kasama ni Opal.

"It's a miracle at maaga kang nagising ngayon Turquoise, hindi na namin kailangang buhusan ka ng malamig na tubig" humahagikgik na puna ni Emerald and I just rolled my eyes.

"Gusto niyo po ba ng coffee Appa?" tanong ni Alexandrite na pababa rin ng hagdan kasama ang humihikab pang si Diamond.

"Of course, tatangi pa ba ang matandang ito? Its so good to be pampered by these lovely ladies after all" Natatawang napailing nalang ang mga kapatid ko as they approach and kissed our father in the cheeks.

"Oh, gising na pala ang mga alaga ko, halina't kumain na kayo, baka mahuli pa kayo sa klase niyo" bilin niya. Ngumit kami at pumunta na sa dining area.

''''

"Emerald, laging makikinig sa math subjects mo ha? Nagrereklamo ang Prof mo na tinutulugan mo lang daw siya" bilin ni MommyDaddy.

Daughters of the GeneralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon