Kasalukuyang nasa rooftop ako ngayon habang may hawak na binoculars. Hinahanap ko ang lalaking magiging kalaro ko ngayon sa buong taon, kung aabutin man.
"Lex, umalis na tayo dito! Baka mahuli tayo ng mga guard."
Tinignan ko si Chelsea ng masama. Naiirita na ako sa palagiang paglingon na ginagawa niya at maya't mayang pabalik-balik sa paglalakad. Sumasabay sa bawat pagpihit niya ang kulay tsokolate niyang buhok.
"My gods, Chels. Naaalibadbaran ako sa ginagawa mo. Edi sana hindi ka na lang sumama dito. I don't need cowards here. Get out of my sight!" I rolled my eyes at inilagay ang kamay sa bewang ko.
Hindi ako maka-focus sa ginagawa ko. Kaya ayokong isinasama ang alalay kong ito, madalas pa akong ipahamak dahil sa kabaitan niya.
Hinawakan niya ang kamay ko at pilit na hinihila. "Umalis na tayo! Ayokong mapatawag sa OSA. Ako na lang hahanap dyan sa taong hinahanap mo kahit pa libutin ko ang buong university. Tara na!" pagmamakaawa niya.
Napapayag niya ako dahil talagang namamawis na ng butil-butil ang noo niya. "Fine! Hold this na lang." sabi ko habang inaabot sa kanya ang binoculars na hawak ko. "Where's my bag?" taas kilay kong dugtong.
Maagap niya namang ibinagay sa akin ang signature bag ko. Umalis na kami sa rooftop. Naglalakad ako sa hallway na parang runway ang nilalakaran ko.
Pinagtitinginan ako ng mga co-students ko. Who wouldn't notice me? Perfect nose. Plump lips. Chinky eyes. Rosy cheeks. Perfect description of an evil Lexus Cue.
Narinig kong bumuntong hininga ang kasama kong naglalakad. "Can you stop that? Nakaka-bv ka, Chels."
Tinignan niya ako na parang nalulumo siya. "Iba kasi ang tingin sayo ngayon. Dati they see you as a bitchy one pero ngayon may halong awa at panunuya. May effect parin yung nangyari sayo last month."
Napahinto ako sa paglalakad. Ginawa kong slowmo para may drama. Hinarap ko si Chelsea na siyang napaatras naman.
"L-lex, I'm sorry. Wala naman akong ibig sabihin doon sa sinabi ko." nakita ko ang takot sa mata niya.
A smirk escape from my lips. Naroon parin naman pala ang bitchy effect ko. Alam kong madilim na ngayon ang mukha ko. Galit na galit talaga ako kapag naaalala ko ang nangyari sakin last month. I was really furious. I was humiliated. Sa harap pa ng halos kabuuan ng bilang ng mga nag-aaral dito. Sinong hindi magngingitngit sa galit?!
"Don't worry, Chels. Babalik ulit sa dati. Trust me." nginitian ko siya ng tipid.
Ipinagpatuloy na namin ang paglalakad, ignoring those stupid people staring. Magbabayad talaga ng malaki ang gumawa sakin nito. Hindi dapat kinaaawaan si Lexus Cue. Ako ang kumakawawa sa karamihan at isa itong malaking sampal para sakin. Nasanay akong ako ang namamahiya. Pero ako pa itong nabiktima at pinahiya. What the hell. It's embarrassing.
Nakakahiya sa mga bitches. Hindi ako ipinanganak na talunan. Gaganti ako by all means.
"This is one helluva exciting year, my dear ." Insert one helluva evil laugh.
"What is this all about, Lex?" bored na tanong ni Natalia.
Nasa apartment na kami ngayon. Nagpatawag ako ng meeting sa barkadahan. We're 9 all in all sa barkadahan. Lima kaming sama-sama sa apartment. May mga matino naman sa aming lima.
"Spill it." sabat naman ni Tori. Siya ang bad girl sa barkadahan, matinding prankster. You can see that in her piercing earings. Kung hindi lang bawal sa school malamang she have one in her nose na.
"I need some help, girls. Are you willing?" tanong ko. Inilibot ko ang paningin sa kanila. At sabay-sabay silang sumagot. "We're in!"
"Okay, girls! Let's start scheming." I smiled as the thought came to my mind.
Papahirapan kita. Let's see kung hanggang saan ka.
BINABASA MO ANG
Her Bitchy Ways
RomanceHatred does not cease by hatred, but only by love; this is the eternal rule. -Buddha