Pagbungad ko palang sa pintuan ay napanganga na ang mga kasama ko sa apartment. I don't know if it's a compliment. Buti nga hindi pixie cut ang pinagawa ko sa buhok ko.
Nalaglag ang hawak na chips ni Chelsea habang nakanganga parin. Si Natalia naman ay hindi maalis ang gulat sa mga mata while looking at me intently na para bang I did something stupid. While Tori, as expected, not even a simple astonishment crossed her face.
"Lex, what have you done to your hair?" Chelsea said breathlessly.
"Iba ang aura natin ngayon, Lex! I can tell that someone awaken the demon inside you. You look bitchier." natatawang saad ni Natalia.
"Gusto ko lang ng new look. And naisip ko na dapat ginagasta ko rin ang pera ko para di lang nabubulok sa tabi." sagot ko.
"Edi sana nag-invest ka na lang para manganak 'yang pinagmamalaki mong pera." pabalang na sagot ni Tori. I just rolled my eyes at her.
Ang dating hanggang bewang na buhok pinagupitan ko na above my shoulders. My long black shiny hair is gone, naging blonde na ngayon ang buhok ko.
I don't know what came to me. Naisip ko na lang bigla gusto kong baguhin ang look ko dahil feeling ko nothing changed, walang changes sakin physically and mentally. I believe na you don't need to change yourself for someone's acceptance you just need to be yourself but this is me sometimes I want to change for the better. Or not. I just want them to see that I'm better..... that I'm at my best now. Gusto kong makita nila akong matapang pag nakaharap ko na sila because I'm Lexus Cue, being known as a bitch.
"Okay ka lang, Lex?" sincere na tanong ni Tori.
Tipid ko siyang nginitian bago sumagot. "I think I'm good. I just need time to rest, guys. Magpapahinga muna ako."
Bitbit ang mga pinamili ko pumunta na ako sa room ko. As soon as I closed the door nakaramdam ako ng pait at hindi maipaliwanag na kalungkutan. Kung saan ko lang hinagis ang bag ko pagkatapos ay binagsak ko na ang katawan ko sa kama.
Masyado akong naging pre-occupied this past few weeks. I forgot my agendas. Nakalimutan ko na ang mga evil plans ko kay Asher. Hindi na ako nakakatanggap ng balita sa mga kaganapan sa life niya.
For sure he's having a hard time looking for jobs. Naunahan ko siya. Hindi niya alam habang busy siya sa pag-aapply may bad records na kaagad siya.
I called my hired informant to ask about Asher's whereabouts. I decided to meet her in a coffee shop near the apartment.
I just brought my expensive purse with me. Nilakad ko lang ang coffee shop dahil malapit kang naman sa apartment namin. Mabuti na lang at konti lang ang tao ngayon pagpasok ko dumiretso ako sa counter to order for my frappe. Matapos kong maka-order naghanap nako ng mauupuan na.
"Sara, where the hell are you? 'Diba I told you last time ayoko ng pinaghihintay ako?" I said ng sagutin niya ang tawag ko.
'S-sorry po, Ms. Cue. Traffic po t-talaga nag-commute po ako kaya di ako kaagad nakasakay. Pasensya na po talaga kung male-late ako." nanginginig na sagot nito.
"Then, gumawa ka ng paraan! Para saan pa ang utak kung di gagamitin?!" iritang sagot ko. Pagkatapos ay binabaan ko na siya.
May naglagay ng frappe sa mesa ko. Agad na nakita ko ang pangalan kong nakasulat sa cup. Nagtaas ako ng kilay. I don't know na nagse-serve na pala sila dito. Sinundan ko ang kamay ng kung sino man na naglagay nito sa mesa ko.
My world stop when I saw his face. Seryosong nakatingin sakin. Biglang bumilis ang heartbeat ko. His dark orbs are blank. Fair skin and chinky eyes. Mas lalo siyang tumangkad and lumaki rin ang katawan niya.
"Kanina pa tinatawag ang pangalan mo pero mukhang pati pangalan mo nakalimutan mo na." paliwanag nito.
I can't even utter a single word kaya tinanguan ko na lang siya pero di ko talaga mapigilan ang matabil kong dila.
"You may go." I said blankly.
Nakatingin parin ako ng diretso sa mga mata niya. Nakabawi na ako sa pagkagulat ko. Lumabas ang biloy nito matapos ngumiti ng tipid.
"Where's your gratitude there, Miss?" he said.
Inirapan ko siya at ibinalik ang tingin ko sa phone ko. "I don't have time para makipagplastikan sayo, Oliver. Umalis ka na sa harapan ko."
Walanghiyang lalaki to! Ang kapal takaga ng mukha. Aba! Nang-iinis pa yata at umupo pa sa bakanteng upuan sa harap ko. Tinalasan ko ang tingin na ipinukol ko sa kanya.
"You can't sit there without asking my permission, dude. Reserved na yan." gigil na saad ko.
Nagkibit-balikat lang siya at pinagsalikop pa ang dalawang kamay at itinukod sa baba niya while looking at me seriously. Tinitigan ko rin siya pabalik.
"Why did you cut your hair, Lex?" seryosong tanong nito.
"Why do you care?" balik tanong ko.
"I don't care, actually. I just asked. Masama na palang magtanong ngayon." natatawang sagot nito.
Ngumiti lang siya dahilan para mawala ang mga mata niya at paglitaw ng biloy niya. Nanatili siyang nakatitig sakin di man siya nahiya sakin. Matagal siyang nakatitig sakin na para bang may hinahanap na mali sa mukha ko. Hindi ko n akayang salubungin ang mg atingin na sakin dahil may nakikita na akong kakaiba sa pagtingin na ibinibigay niya.
Tumikhim ako at nag-iwas ng tingin sa kanya.What the hell is he up to?! Is he trying to be civil? Ang kapal talaga ng mukha! Jerk! Punyeta, Oliver. Punyeta ka talaga. Napakawalanghiya mo! Distansiya pwede ba! Space!
"Kahit saang anggulo ko tignan iisang babae lang talaga ang nakikita ko. Nag-iba man ang itsura mo iisa lang ang nakikita ko. But I'm tired chasing you, Lex. Nakakagago rin ang paulit-ulit na parang asong asaong ulol na pagsunud-sunod. Mukha ka na ngang tanga nasasaktan ka pa." aniya.
After he said that he left me dumbfounded. Iniwan niya akong nakatanga na siyang pagdating naman ng informant ko.
"S-sorry po, Ms. Cue. Pinaghintay ko na naman po kayo. Pasensya na po talaga." hinihingal na paliwanag nito.
Hindi ko pinansin ang mga paliwanag niya dahil lumulutang pa ang isip ko.
Punyeta ka talaga Oliver Yap. Makakaisa rin ako sayo!
BINABASA MO ANG
Her Bitchy Ways
RomanceHatred does not cease by hatred, but only by love; this is the eternal rule. -Buddha