Way #4

22 0 0
                                    

Papasok na sana kami ng makasalubong namin ang mga estudyanteng nagkakagulo. Tumatakbo silang lahat sa direksyon ng gym.

Hinarang ni Tori ang isa sa mga nakakasalubong namin. "What's happening?"

Nagulat naman ang hinarang namin ng makita kung sino ang humarang sa kanya. "A-ah, may kaguluhan daw sa gym. Nanuntok daw si Asher." Tumango lang si Tori at nagmamadali na itong umalis.

Tinignan naman ako ni Chelsea ng makahulugan. "What?" tanong ko.

Napailing na lang si Tori. "Kakaiba ka Lex. Hands down."

I know right.

"Oh my gosh!" tili ni Chelsea.

Naabutan namin ang isa sa mga utusan ko na nakahandusay sa sahig ng gym habang pinapaulanan ng suntok ni Asher. Hinanap naman ng mata ko ang isa. We heard a whistle na nagmula pala sa guard kasama ang isa sa utusan ko. Great! Bravo! Napangiti ako, an evil one of course. Kahit pala hindi sila bigyan ng detalyadong instructions they can make their own evil plan. Hindi ako nagkamali sa pagkuha sa kanila.

"Saan mo naman napulot ang mga yan?" tanong ni Tori.

"Diyan lang sa tabi-tabi." sagot ko.

Ayaw paring magpaawat ni Asher sa mga guards at patuloy sa pagsuntok sa kawawa kong utusan. Hindi ko inaasahan na magpapabugbog siya ng ganyan ang utusan ko, ipapagamot ko na lang siguro siya after this.

Walang kamalay-malay si Asher na nilulubog na niya ang sarili niya. Hindi niya ba naisip na goodbye scholarship na siya kapag na-involve siya sa kahit anong gulo lalo na kapag nasa loob siya ng university.

Tinanong ko ang taong malapit sa akin. "What happen here?"

Nagkibit-balikat naman ang pinagtanungan ko. "Nakita ko lang ng biglang suntukin siya ni Ocampo at walang laban na pinagsusuntok niya yung tao."

Tumango-tango ako bago sumagot. "Yan mismo ang gusto kong marinig kapag nagpatawag sila ng witness. Walang labis, walang kulang. Kilala naman siyang mainitin ang ulo kaya siguradong maniniwala silang napag-initan lang 'yan."

"Areglado." sagot nito.

"Ganun lang 'yun, Lex? Nakakuha ka na kaagad ng kakasabwatin mo?" gulat na tanong ni Chelsea.

"Everything is planned. Kasama siya sa mga kinausap ko. Malaki ang galit niya kay Asher kaya madali ko siyang napapayag dito." paliwanag ko.

"Umalis na tayo. May klase pa tayo."

Pagkatapos ng klase namin ay nagyaya akong dumaan sa gym.

"Ano naman ang gagawin natin sa gym?" Tori asked.

"I want to see the outcome."

"Anong outcome?" takang tanong ni Chelsea. Pasimple naman siyang siniko ni Tori. "Oh! Oo nga pala. Ano pang hinihintay natin? Let's go!"

Napailing na lang ako. Paano ko ba naging alalay 'to?

Halos wala ng tao sa gym ng dumating kami. "Lex, ang creepy naman. Magtatagal ba tayo dito?"

"Tigilan mo ko, Chelsea. Kahit kailan talaga." Ang duwag talaga wala pa naman akong nabalitaan nagmulto dito.

Nagulat kami ng may marinig kaming malakas na tunog. Sisigaw na sana si Chelsea kung hindi lang natakpan ni Tori ang bibig niya. Naulit pa ito ng sunod-sunod. Sinundan namin kung saan nanggagaling ang tunog.

Napunta kami sa locker room at nakita namin si Asher, nakayuko at nasa locker pa ang kamao. Siya pala yung naririnig namin. Sinabunutan niya ang sarili at muling sinipa ang locker.

"Let's celebrate?"

"Paano ka nakakasiguro na tagumpay yung plano mo?"

"Tori, nakita mo ba yung reaksyon niya? That only means na he messed up... big-time."

"Malalaman natin yan kung kasama pa siya sa practice bukas." sabat ni Chelsea.

Sigurado akong bukas wala ng Asher Ocampo na maglalaro. Mababawasan na ng titilian ang mga fan girls nila. Sayang nga lang, sharp shooter pa naman siya. Mababawasan ng mayabang na player ang basketball team.

Binangga niya ako kaya nangyari sa kanya to. I will make sure na mawawala ang scholarship niya. Sorry na lang siya!

Her Bitchy WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon