Way #10

7 0 0
                                    

I was blankly staring at the sidewalk. Watching the pouring rain. Napatingin ako sa isang patak na dumapo sa kamay ko. I thought it was some raindrop but I realize na nakasilong pala ako. I didn't notice I was already crying. Fudge! He's not even worth my tears!

All along I thought he feels the same way. Hindi ko na pinigilan pa ang pagpatak ng mga luha ko. Hinayaan ko ang sarili kong maging tanga kahit ngayon lang. Ito ang huling beses na hahayaan kong maging mahina ako. I hate being weak! I really hate him! How dare he do that to me?

"Ms. Lexus, nandito po si Sir Oliver hinihintay kayo sa garden." bungad sa akin ng maid pagkababa ko ng sasakyan.

Hindi na ako nagdalawang isip at tinungo kung saan siya naroon. Halos isang linggo ko siyang hindi nahiya. I hate to admit but it made me feel giddy. Oliver is a family friend. He's chinese that's explains it. His family is really close to our family our fathers are close friends in college. Halos magkasing-edad silang dalawa ni Porsche. Ang kapatid nyang babae ang kasing edad ko hindi kami masyadong close noon dahil mukhang lampa.

Hinawakan ko ng mahigpit ang dala kong Givenchy bag habang papalapit ako. My heart starts to beat fast by the fact na makikita ko siya.

Nawala ang ngisi sa mga labi ko ng makita ko ang kaganapan sa garden. Ilang beses pa akong nagpakurap para lang makumpirma kung tama ba ang nakikita ko.

Right in front of me, I watched Porsche taking away everything from me.

Kinuyom ko ang mga kamao ko. I want to attack them! I never thought watching a kissing scene would hurt me a lot. It should feel romantic, right? Dapat kiligin ako. Pakiramdam ko guguho ang mundo ko. Bago pa nila makita ang kabiguan ko ay umalis na ako. I don't want to ruin their precious moment!

"Jusko!" dinig kong sigaw ng katulong. Nahuli siguro niya ang mga manok na nagtutukaan sa garden.

Hah! Masyado ng nagmamaganda yang si Porsche. Sumosobra na siya!

Nagulat ang mga nadatnan kong guards. "Open the gate!" bulyaw ko. Agad nila iyong binuksan sa takot. They should dahil hindi ko mapipigilang ibunton sa kanila ang poot ko.

I didn't bring our car. Mas makakapag-isip ako kung maglalakad ako. Napakatanga ko!

Naaalala ko ang lahat ng kabullshitan na pinagsasabi niya sa akin. Ako namang tanga naniwala! Siguro inutusan siya ni Porsche. I bet tuwang-tuwa siya na nahulog ako sa patibong niya. Gustong-gusto niya talaga kapag kanya ang lahat at walang natitira sa akin.

She wants me gone. I can't believe how evil she was. People always thinks she's saint but it's the other way around. She's a two-faced bitch.

Napatigil ako sa paglalakad ng bumuhos ang malakas na ulan. Nanakbo ako sa malapit na masisilungan. I didn't notice na nakalayo na pala ako. Tinignan ko ang sariki ko. Mukha akong basang sisiw kaua tuluyan na akong naiyak. Mukha akong kawawa.

Napatigil ako sa pag-iyak ng makita ang mukha ng lalaking kinamumuhian ko.

"Lex!" tawag niya at sinugod ang malakas na ulan.

Mabilis naman akong tumayo at pinunasan ang mga luha ko.

"Don't you go near me, jerk!" inis na hiyaw ko at galit na dinuro siya, "Ang kapal ng mukha mo!"

Sinubukan niyang umabante pero itinaas ko ang kamay ko upang patigilin siya.

"Hear me out, please." he said almost pleading.

Natawa ako at hindi makapaniwalang tinignan siya.

"I don't freakin' listen to anyone. Hindi ako marunong makinig. So fuckin' save your saliva!"

"It's not what you think!" frustrated na sagot niya.

"I believe na sapat na ang nakita ng dalawang mata ko. Hindi ako tanga! Sana ay sinabi mo na lang ng diretso, Oli! How could you. How-"

"Hindi ganoon-"

"Wala akong pakialam!" sigaw ko. Natigilan siya at mukhang hindi makapaniwala. Alam niyang walang kung ano ang makakapagpakalma sa akin. Not even him. I'm so mad.

"I don't want to see you ever. Don't ever show your face to me. Please." halos ibulong ko na lang ang mga salitang lumalabas sa bibig ko.

Pagod na ako. Sagad na sagad na rin ako.

Nakita ko siya napayuko. How I hate fake people!

Nilagpasan ko siya at hinayaan mababad siya sa ulan. Mabilis akong nakasakay sa van namin na dala niya. Nakita ko pang nag-iwas ng tingin ang driver pagpasok ko.

"Let's go, Manong." I said coldly.

"S-si Sir po, Mam?" aniya habang tinitignan si Oliver na hanggang nakayuko parin. Papasa na siya sa paggawa ng music video.

"Kaya na niya ang sarili niya. I said let's go, manong." malamig na sagot ko.

The last thing I see is his back.

Her Bitchy WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon