I drove fast kaya nakarating ako sa apartment within less than five minutes. Bumaba ako ng sasakyan at malakas na ibinalibag ang pinto. I am beyond furious. Hindi ko na malaman kung galit ba ako o ano. Shit! What's happening to me?!
Padabog ko ding binuksan ang pintuan ng apartment kaya napatalon ang mga nasa living room.
"What the hell, Lexus!" gigil na sigaw ni Natalia. "May balak ka bang sirain ang pinto?!"
I ignored her at dumiretso ako ng room ko. My supposed to be very good day is ruined. Hinagis ko ang bitbit kong signature bag sa sahig sa sobrang inis ko.
Kinakatok ako nina Chelsea pero wala ako sa mood na harapin sila at baka pati sila ay mapagbuntungan ko pa sila ng galit ko.
Sinabunutan ko ang sarili ko sa sobrang frustration. Why am I acting like this?!
Inabala ko ang sarili ko this past few weeks into shopping. Mabuti na lang talaga at hindi pinaputol ni Daddy ang mga cards ko kahit na hindi ako umuuwi sa bahay. My mom is always calling me, naiirita na ako sa halos everyday attempt niya para pauwiin ako. I'm trying to be independent that's why I'm not going home.
I miss them naman. I miss having arguments with my sister. I'm always bitching out kaya madalas kaming mag-away. I miss my Mom too. Namimiss ko yung mga luto niya. But I need to be independent, I need to stand up with my own feet.
I was distracted with my own thoughts ng may maramdaman akong kung anong malamig sa damit ko, in my very expensive dress. Narinig ko ang pagsinghap ng mga tao sa paligid ko. Napapikit ako, trying to calm myself for a second but it didn't work.
May naramdaman akong kamay na pumupunas sa damit ko. "Sorry po mam. Sorry. Hindi ko po talaga sinasadya. Sorry po talaga."
Pagbukas ng mga mata ko. I snapped at the girl standing in front of me. "Don't touch me! Simpleng pagseserve lang ba hindi ka marunong?! Hindi ba itinuturo sa inyo dito sa mamahaling resto na 'to the Do's and Don'ts? My gods. You ruined my dress. Do you even have an idea how much it cost?! Well, it only cost five times of your salary!"
Umiiyak na ang waiter na nakadisgrasya ng expensive dress ko..... natapunan lang naman niya ng mango shake ang dress ko. Kumulo talaga ang dugo ko nanlalagkit na ako! I know I can buy a new dress in just a snap para makapagpalit ako instant pero the thing is sobrang BV ako ngayon kaya napagbuntungan ko siya. Besides, this is my favorite dress paano kung magmantsa ang natapon na shake. Hindi ko siya mapapatawad!
Nakakatawag na kami ng pansin. Pasulyap-sulyap lang naman sila they're not doing anything but stare at the girl crying beside me. She looks pitiful, hindi niya malaman kung anong gagawin niya. Yun lang naman ang palagi nilang ginagawa para makakuha ng sympathy sa mga taong nakakakita ng ganitong scenario. Ginagawa nila yun para mapagtakpan ang mga kamalian na nagawa nila instead na mapuna sila they are pitied at ang lalabas na masama ay ang taong pumuna sa mga kamalian nila. Yes. I know na napahiya ko siya. Do I need to say it's okay when it's not? Do I need to act kind and pretend that I don't care because I can buy para mapalitan angbdamit ko? No, of course not. I'm Lexus Cue and I am not born just to be plastic because this is how I express myself.
Lumapit na sa amin ang manager to ask what's happening. Lalo akong nanggigil. Pati na rin manager ay napag-initan ko.
"Paki-train ng mabuti ang mga waiter nyo dito!" sabi ko sabay irap. Nagha-hire sila ng mga uneducated waiters.
I gathered my things and left them. Bakit kahit saan ako magpunta ngayon ay puno ng bad vibes. Feeling ko magkakaroon ako wrinkles. Instead na mawala ang BV ko parang mas lalo pang nadagdagan. Ano pang sense ng pagpunta ko sa mall kung mag-iipon lang ako ng BV?! Mali yata na nagpunta ako ng mag-isa sa mall. Dapat sinama ko si Tori at Chelsea. I feel so lonely. This is the first time I felt this kind of loneliness.
Napatingin ako sa reflection ko sa salamin. I can't see any emotions in my eyes. Blanko. My entire face is blank. Hindi mo makikitaan ng kahit anong emosyon. Nada. Nakatitig parin ako sa reflection ko. Nakikita ko ang reflection ng mga taong dumadaan. Ibang iba ang mukha nila sa mukha ko. They look so happy while chatting. Wala naman silang bitbit na iba't-ibang bags di katulad ko na maraming bitbit galing sa iba't'ibang mamahaling boutiques pero nakukuha parin nilang maging masaya. How is that? I caught someone's reflection looking at me from afar. Mabilis na bumalik ako sa ulirat. Umalis kaagad ako sa kinatatayuan ko.
Anong ginagawa niya dito?! Bumabalik na naman ang BV ko. I don't wanna see him kahit na shadow lang niya nagngingitngit na ako sa galit what more kung siyang siya pa. My gods! He's irritating talaga.
May nadaanan akong salon. Noong una hindi ko pinansin pero an idea rush to my mind. Bumalik ako at mabilis na pumasok sa salon.
A gay approach me. Asking what can he do for me. I want change. Ayokong nakikita ang sarili ko na mukhang kaawa-awa. I don't want to be pitied. I stared in the mirror in front of me.
"I want you to cut my hair short...... and dye it." walang emosyong saad ko.
Nakita ko ang panghihinayang sa mukha ng gay na gagawa ng bagong look ko. My hair is long and shiny. Hindi rebonded pero bagsak talaga. I remembered someone admiring my long black shiny hair kaya I want it to be cut.
Hinawakan at sinuklay-suklay ng gay ang buhok ko na may panghihinayang. "Sayang naman po ang hair nyo, madam. Ano po ba ang gusto niyong hair color?"
"I wat it to be in ash blonde." sagot ko.
Pinagupitan ko ang hair ko hanggang balikat. I really like the outcome. No, I love it. Pina-curl ko na din ang hair ko. I'm sure magugulat si Chelsea kapag nakita niya ang bagong haircut ko. I looked bitchier.
BINABASA MO ANG
Her Bitchy Ways
RomanceHatred does not cease by hatred, but only by love; this is the eternal rule. -Buddha