Hindi ko alam ano ba dapat kong gawin ngayon nasa harapan ko siya. Si MARK Aminado naman kasi ako na gwapo siya mas gwapo pa kay rafael pero iba eh may nararamdaman na ako kay rafael pero sa kanya hindi ko alam iba eh parang uneasy ako palagi pag andyan siya, pinagpapawisan at parang palaging double meaning lahat ng sasabihin niya.
" Princess? Ayos ka lang ? " Nagtatakang tanong ni Mark
Niyakap ko siya "Namiss kita. sobra" Wika ko
"namiss din kita. Princess"
Masama na ba akong babae ? Oo. Sobra pero hindi ko maintindihan ang sarili ko, alam ko ang tama at mali at alam kong mali na itong ginagawa ko pagpapanggap at higit sa lahat ang magmahal ng dalawang lalaki o mali lang ako ? Mahal ko ba talaga sila pareho o may nakakalamang, Ngunit kahit ata masagot ko ang mga tanong di ko kaya, di ko kayang mawala ang isa sakanila. Pareho nila akong napapasaya at Okay na lang ata saaking maging masama, basta masaya ako.
"Princess, Mahal na mahal kita alam kong masyadong mabilis lahat pero pangako papasayahin kita"
"Mark, masaya ako at salamat sa pagmamahal mo sana patuloy mo parin akong mahalin " pag nalaman mo lahat ng nagawa ko.
"Of course, i will not stop loving you"
Patawad. Kung kaya ko lang mark maging perpektong babae para sayo, Gagawin ko ngunit hindi ito ako. Ito ang prinsesa mo at kung maari lang baguhin ko ang sarili siguro hanggang "Kung maari lang " iyon.
Kinabukasan nandito ako ngayon sa starbucks sa isang mall. Wala naman akong inorder nakaupo lang nagmumuni muni, tinitingnan ko ang mga tao sa paligid ko sa kabilang table lang may nakita akong isang babae nakasout ng simpleng dress na mas lalong nagpalitaw ng mapuputi niyang balat dahil sa asul na kulay nito, mukhang may hinihintay siya malamang boyfriend niya sa ayos ba naman niyang yan tiningnan ko ang sout ko at tiningnan muli siya bakas ang kalungkutan sa mukha niya baka naman pareho lang kaming nagpapanggap na may hinihintay pero ang totoo magisa lang kami, pero Mali ako dahil maya maya lang pumasok ang isang matangkad na babae na mukhang sobrang nag aalala ng makita niya ang babaeng baka asul lumapit siya agad dito mukhang magkaibigan sila, matalik na kaibigan dahil ng maupo ito nagsimulang umiyak ang babaeng baka asul habang yakap siya ng babaeng kadarating lang binubulong ang mga katagang " Ayos lang yan, andito lang ako kahit anong mangyari, tanggap kita".
KAIBIGAN. Sana meron ako nun at baka sakali, baka sakaling Hindi ko na kailangang magpanggap at manakit makaramdam lang ng pagmamahal.