IV. Mysterious
Charm's Pov
I'm here at the SC's (student council) office, kailangan ko na kasing tapusin ang mga kakailanganin bukas para sa party. Yup, ako ang nag-oorganize ng AP because I'm the president of SC.
Actually, I like doing stuffs like this, gusto ko yung nacha-challenge ako.
Let me tell you one thing about myself, kilala nila ako bilang maarte, at malditang babae but all of that was not true. I'm only pretending and to tell you the truth, it's hard because I'm not used to it.
Ayoko kasing may nangingielam sakin, mas gusto kong mag-isa ako kaya nagpapanggap akong maldita sa kanila para magalit sila sakin, para hindi nila ako lapitan.
Well except kay Avegiel, sobrang kulit niya kasi. I used to call her bee, dahil kahit anong pagtaboy ang gawin ko sa kanya, mas lalo siyang lumalapit sakin. Nasanay narin naman ako sa presence niya.
"Cha!" napatingin naman ako sa tumawag sakin, it's Mond- ang vice president ng section namin, at ng SC.
"What?" I said.
"Nothing, gusto lang kita sanang ayain mag lunch?" sabi niya, argh! why he's so cute that I can't even resist him?!
"Okay, your treat." sabi ko. Tumayo na ako at kinuha ang shoulder bag ko at lumabas ng office habang nakangiti. Mond Sanchez, bakit pag kaharap kita hindi ako makapag-panggap?! maybe he's my crush? yeah, crus- wait, what?! crush?! oh no!
Sofia's Pov
Sino kaya 'yung tinutukoy ni kuya Vin sa panaginip ko? Hindi kaya si Cedric 'yun? Nasa akin na ang ebidensiya, itong panyo niya na nakita ko sa ilalim ng upuan ni kuya sa library, pero hindi pa ito sapat, kailangan ko pang mangalap ng sapat na ebidensiya.
"Huy! tulala ka diyan," sabi ni Krizzia sabay upo sa tabi ko, dismissal time na nga pala namin at nandito ako sa park, nakaupo ako sa bench, nag-iisip isip.
"Ba't nandito ka? hindi mo man lang ako inaya, psh." pagtatan-trums niya. Hinarap ko siya.
"Sorry na kriz, lagi ka naman kasing busy eh." pagdadahilan ko nalang, ayoko pa kasing sabihin sa kanya ang mga nalalaman ko, pati ang ebidensiyang hawak ko, gusto ko muna kasing makasigurado.
"Psh, okay na nga. Basta ha, sa susunod aayain moko." sabi naman niya. I nodded.
"By the way, may dress ka na ba para bukas?" oh! I forgot about that, wala pa pala akong dress.
"Wala pa eh," plain na sabi ko. Sa totoo lang hindi ako mahilig sa mga party, lagi lang ako nahihila ni Krizzia sa mga ganyan.
Biglang may tumawag sa phone niya, nag-excuse siya sakin at umalis.
Tumingin na lang ako sa mga dumaraan dito sa park, napalingon ako sa isang pamilyar na pigura, nakangisi siya sa akin. Hindi ko makita ang mukha niya dahil naka-jacket siyang itim na may hood, natatakpan ang mukha niya, tanging ilong at labi lamang niya ang nakikita ko. Tumayo ako para puntahan siya.
"Sofia, tara na uwi na tayo?" pigil sakin ni Krizzia, paglingon ko sa kinaroroonan nung misteryosong ngumisi sa akin, wala na siya dun.
Namalik-mata lang ba ako?
"Ah, okay tara." sabi ko nalang at sinuot ang backpack ko.
--
Nandito na ako sa kwarto ko, bakit ba hindi ako mapakali? bakit gusto kong alamin kung sino ang gumawa nun kay kuya Vin?
Nagpapagod lang ako, siguro dapat ko nang itigil ang paghahanap ko ng ebidensiya laban kay Cedric, siguro naman naiwanan lang niya to doon nung nagpunta siya sa library diba?
![](https://img.wattpad.com/cover/39752148-288-k951553.jpg)
BINABASA MO ANG
Black Section [ON HIATUS]
Misteri / ThrillerNasa Black Section ka ba? Dahil kung oo, humanda ka ng mamatay sinasabi ko sayo. Highest rank reached #92 in Mystery/Thriller | 01/30/17 All Rights Reserved © callmimeh 2017