(AN: Hey guys! Baka nalilito na 'yung mga nagbabasa nitong story ko dahil paiba-iba ako ng POV, so I decided na kada chapter, isang character o dalawa lang ang may POV soooo, enjoy reading! Halabyu!)
XI. Black Island
-SOFIA-"Nandito na tayo guys! Gising na!" napabalikwas ako ng makarinig ako ng sumigaw, ang sakit sa tainga ng manipis niyang boses.
I opened my eyes at nakita kong ako nalang pala ang narito sa bus, mukhang excited ang silang lahat kaya iniwan nila ako dito sa bus. Napailing nalang ako, isinukbit ko sa aking likuran ang aking backpack at isang hand carry bag.
Bumaba ako ng bus at nakita kong naroon sila-- Sue, Uly, Kath, Cedric, at Krizzia na hawak ang hawakan ng kani-kanilang mga malalaking maleta. Kinuha ko narin ang malaking maleta ko na nasa tabi ni Krizzia.
"Akala mo iniwan ka na namin 'no? Bilisan mo na! Excited na'ko!" nae-engganyong sambit ni Krizzia.
"Guys, kahit na anong mangyari, wag ninyong kakalimutan ang plano natin. Hindi natin alam kung nagpapahinga lang ba siya at dito niya balak ituloy ang nais niya. Maging alerto kayo palagi." paalala ni Cedric na sinang-ayunan ng lahat. Marinig ko palang ang ganitong usapan, kumakabog na agad ang dibdib ko pero hangga't maaari pinipigilan ko ang takot ko dahil sa pagkakataong ito, hindi dapat takot ang pairalin ko kundi ang pagiging matapang.
"Woah," namangha kaming lahat ng makapasok kami sa lobby, pagdating namin sa napakalaking isla na'to, mayroong napakalaking building.
"Good evening, students! Welcome to Black Island!" masiglang bati sa amin ng mga staff dito sa building, nakangiti silang lahat sa amin.
Black Island? Bakit sa lahat ng pwedeng ipangalan sa islang 'to, black island pa ang ipinangalan nila? Naging masama ang kutob ko, kagaya ng pangalan nito ang section namin which is black, hindi kaya..
"Okay, we'll tour all of you guys tomorrow. Sa ngayon, kailangan niyo munang magpahinga sa mga kwarto ninyo. Who's your adviser?" tanong ng lalaking malaki ang pangangatawan, tisoy at singkit ang kanyang mga mata.
"I'm their adviser." sabi ni Ms. Mateo.
"Okay ma'am, here are the keys for every room. Nakadikit sa bawat susi ang numero ng bawat silid. We have a total of 30 rooms but hindi available ang 15 rooms dahil under renovation pa and we have 2 classrooms. So, maiwan ko na po kayo. Magandang gabi ulit." mahabang paliwanag ni kuyang tisoy at iniabot kay miss Mateo ang keys.
"Thank you." wika ni miss Mateo.
***
"Kyaaaah! Nakahiga din!" sabi ni Krizzia habang pagulong-gulong sa malambot na kama. Dalawa kaming narito sa iisang kwarto dahil hindi available yung iba, bale dalawang tao sa isang kwarto.
"Kung ako sayo, aayusin ko muna ang mga gamit ko para mamaya wala na akong gagawin kundi damhin ang lambot ng kama." natatawang sabi ko, nag unpack na ako ng mga gamit ko at inilagay ito sa designated area nila. Pumasok ako sa cr para ilagay ang toothbrush, toothpaste, shampoo at conditioner ko. Malawak ang cr, mayroong shower at inidoro, kahit sabay kaming maligo ni Krizzia magkakasya kami sa laki.
Pagkalabas ko sa cr nadatnan kong naghihilik si Krizzia, napailing nalang ako. Mukhang pagod na pagod 'tong babaeng 'to sa byahe.
In-unpack ko narin ang mga gamit ni Krizzia at inilagay sa mga dapat paglagyan, nang matapos ako, humiga narin ako sa tabi niya at inilabas ang cellphone ko. Mag nagtext pala.
From: 09099xxxxxx
Espi.
Nagitla ako sa nabasa ko. Si Kier lang ang tumatawag sakin ng espi, si Kier lang.
![](https://img.wattpad.com/cover/39752148-288-k951553.jpg)
BINABASA MO ANG
Black Section [ON HIATUS]
Misteri / ThrillerNasa Black Section ka ba? Dahil kung oo, humanda ka ng mamatay sinasabi ko sayo. Highest rank reached #92 in Mystery/Thriller | 01/30/17 All Rights Reserved © callmimeh 2017