VALENTINE KASHIECA MILAN

398 7 6
                                    

"Milan.. natutulog ka na naman sa klase ko.." pabulong pero keri na para madinig ko na sabi ni Gerry sa akin. Si Gerry or Sir Gerry Ocsoro ang pinakamagaling na accounting teacher dito sa BC or Bamboo College. Siya ang isa sa mga accounting prof ko sa mga major accounting subjects since 1st year hanggang ngayong graduating na ako.

Gerry ang tawag ko sa kanya dahil sa labas ng school itinuturing ko siyang dabarkads pero syempre Sir pa rin ang tawag ko sa kanya sa loob ng school. Naging close kami ng isama ako ng mga kaibigan kong sila Badjao, Bimbo, Sandy at Benedict sa Biak na Bato adventure nilang magkakabarkada. Yes korek! Puro sila boys dahil one of the boys ako.Mas enjoy akong kasama ang mga lalake kasi wala silang arte sa katawan. Totoo sila. They speak what's on their mind kahit masaktan ka, hindi nila ugali isugar coat ang mga bagay na makakasakit sayo lalo na kung totoo nman. Ika nga face reality. Saka mabilis silang magcr, wala kasing anik anik na kailangan ilagay sa mukha. Ako din kasi yung tipo ng babaeng hindi mahilig magtambay sa cr. Pupunta lan talga ako dun kung naiihi na ko o "magcoconcert" alam nyo na ang ibig kong sabihin. Mabilis din silang kumain , multi tasking na nagkukwentuhan at nagaasaran habang kumakain. Basta mabilis sila sa lahat ng bagay. At higit sa lahat libre at special ka lagi kasi ikaw lang ang babae. Hehehe! No offense sa mga girls! Aldub you all pero kaya one of the boys ako kasi hindi talaga ako yung mahinhin at girly type di gaya ng pinsan kong si Misyel. Mga graduates na silang apat at mga working dude na din. Akalain mo na sa kabila ng mga kalokohan at kakulitan ay nakagraduate din sila. Masipag naman din kasi sila magaral. Aral kung aral. Harot kung harot! Kaya jive na jive kaming lahat! Nakakamiss na nga sila..Sa ngayon kasi ay si Badjao na lang ang may constant communication ako dahil kay Gerry sya nagtatrabaho. May accounting firm kasi si Gerry.

Dahan dahan akong lumingon at ngumiti kay Gerry. Nakita kong nakangisi na nman siya gaya ng dati. Mapangasar at ngiting aso..

"Wala ka na namang tulog noh!" Nakita ko ang concern sa mga mata nya.

"Pasensya na kayo Sir. Closing kasi ako kagabi.." Nahihiya kong sagot sa kanya habang dahan dahang lumingon sa mga kaklase ko. Buti na lang at busy silang lahat sa pagsagot sa seatwork na binigay ni Gerry.

"Naintindihan ko nman pero wag mong pabayaan ang health mo saka baka maapektuhan na ang pagaaral mo sa sobrang pagod! " Nakangiti niyang pangaral sa akin.

"Thanks Gerry! " pabulong ko sabi para di marinig ng ibang estudyante.

Naalala ko yung unang beses niya akong napansin. Nagbibigay siya ng grades nmin for the first grading. Excited ang lahat. Bibigyan namin sya ng 1/4 sheet of paper at sa harap nmin ay isa isa niyang isusulat ang grades nmin. It's my turn na. Tinawag nya na ang surname ko.

"MILAN! "

Lumapit ako at nahihiyang inabot sa kanya ang papel ko. Nakita ko ang pagkagulat sa mga mata nya. Parang duda sya na ako to.

"What's your first name again? Kunot noo niyang tanong sa akin

"Valentine Sir! " Hintakot kong sagot.

"Okey, Valentine.. " Nakangiti niyang inabot ang grades sa akin.

1.25 WOW! yun ang grades na nagpakilala sa akin kay Gerry. That was 3 years ago and I'm proud to say na namaintain ko namang matataas ang grades ko sa kabila ng pagtatrabaho ko.

Nitong sem na ito madalas akong maidlip sa klase ni Gerry. Kaya sa harapan ako madalas umupo para hindi ako antukin. Pero kahit anung kurot ang gawin ko sa sarili ko ay madalas na chicken head pa din ako! Parang manok na tutuka tuka hindi sa gutom kungdi sa antok.Nakakahiya..

4th year accounting student ako at working student din at the same time. Kailangan kong suportahan ang pagaaral ko hindi dahil hirap na hirap kami sa buhay kung hindi dahil gusto kong mapatunayan ang sarili ko na kaya kong mabuhay magisa ng hindi humihingi ng tulong pinansyal ke Dad. May isyu kasi kaming dalawa dahil nalaman ko na...whatever!basta hindi ko pinagsisihan na ginawa ko ito.

The Love of My Life (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon