RAIN

72 3 1
                                    

VALENTINE's POV

5:59 pm.

One minute before the clock hits six. Nawawalan na ako ng pag-asang dadating si Gio. At exactly 5pm ay nandito na ako sa cafe to make sure na magkikita kami. After that tiring trip sa Tagaytay yesterday ay masyado na akong excited sa araw na ito. Napatingin ako sa labas ng cafe. Napakalakas ng ulan. Bigla akong napangiti ng mapait. Sa tuwing umuulan ng ganitong kalakas ay naalala ko ang tagpong iyon. Ang isa sa mga pinakamapait na tagpo sa buhay ko.

~FLASHBACK~

Lakad takbo ang ginagawa ko. Bwisit na Gio yan. Kung makapagtanong ay daig pa si Boy Abunda na nakatapat sa mahiwagang salamin niya. Pero bago pa man ako nakalabas ng gate ay may pumigil na sa kanang braso ko kaya napahinto ako sa pagalalakad.

" We're do you think you're going Valentine Kashieca?" I was stunned by his cold tone. This is the first time that he used that tone to me.At first time niya akong tawagin sa buong pangalan ko. Nilingon ko siya. Hindi ko mabasa ang emosyon na nakikita ko sa mga mata niya.

"Away from you Gio Beltran!" Ipiniksi ko ang braso ko para makawala sa kanya. Mas binilisan ko pa ang lakad takbo ko para makalayo sa kanya. Nagkukukot talaga ang kalooban ko. Sobrang inis na inis ako sa kanya. Pilit niyang tinatanong sa akin kung manliligaw ko daw ba yung naghatid daw sa akin sa school kahapon. Kasabay ng mabilis na lakad ko ay ang biglang buhos ng ulan . Wala akong pakialam na patuloy na naglakad sa gitna ng ulan

" Tssss.... babe nman..." Narinig kong palatak ni Gio at naramdaman kong binilisan din niya ang mga lakad niya. Sinagasa rin niya ang malakas na ulan. Inabutan nya ako malapit sa karinderya ni Tita Maries at hinila ako sa pwesto naming magkakabarkada na malayo mula sa ibang kumakain dito.

"Ano? Ano ba Gio? Anong bang problema mo?" Inis na inis kong tanong sa kanya. Pigil na pigil ko ang pagsigaw dahil baka marinig kami ng ibang kumakain. Nakakahiya. Kahit nilalamig ako sa ulan ay mas nangingibabaw ang inis ko sa kanya

Tumingin lan si Gio sa akin na parang hindi malaman ang isasagot niya. Parang may gusto siyang sabihin na hindi niya maituloy tuloy kaya di siya mapakali. Para siyang basang sisiw na walang masusulingan.

"Ano? Hindi ka magsasalita? Nakakapikon na kasi. Nagtanong ka sinagot kita. Hindi ka nman pala maniniwala! At talagang hindi mo pa ko pinansin buong maghapon ha! Okey fine uulitin ko. Hindi ako hinatid ni Frank. Kasamahan ko siya sa trabaho na nagkataong nakita ko lang jan sa labas ng gate hinihintay ang kapatid niya. Sinamahan ko lang kumuha ng visitor's pass at itinuro yung room ng kapatid niya. Bakit ba pinagpipilitan mong nanliligaw sa akin yung tao? Saka bakit ka ba nagagalit? Eh ano nman ngayon kung manligaw sa akin yung tao? Wala nman akong boyfriend di ba? Di nman kita boyfriend kasi may girlfriend ka na si Charlotte so..."

"I'm jealous...."Nakapikit at pabulong na sabi ni Gio. I was dumbfounded. Natigilan ako! Shemay! Si Gio nagseselos? Is this for real?

" I'm jealous and i know I should not be..tama ka me girlfriend ako. And hindi mo ako boyfriend but babe..."
Pinutol niya ang mga sasabihin niya at ginagap ang dalawang kamay ko. Itinaas niya ang baba ko para matignan niya ako sa mga mata.

"I'm fucking jealous and I can't help it!"
pabulong niyang sinabi iyon at pagkatapos ay idinikit ang noo nya sa noo ko. Hindi ako nakapagsalita dahil damang dama ko ang mabilis na tibok ng puso ko. Inilayo ni Gio ang noo niya sa akin at matamang tinitigan ang aking mga mata pababa sa aking mga labi. Naramdaman ko na lan na magkalapat na ang mga labi namin. Sumisigaw ang utak ko na sinasabing mali ito! Hindi ito dapat nangyayari pero hindi ako makapagisip. Ang alam ko lang ay para akong inilulutang sa ere. Ang sarap pala maramdaman na may kapalit yung nararamdaman mo. Masarap palang....

"I'm sorry Valentine..I'm really sorry..." bigla lumayo sa akin si Gio at parang gulong gulo na tumingin sa akin. Guilt? Pagsisisi? Parang yan ang nakita ko sa mga mata biya pagkatapos niya akong halikan. Hindi ako umimik at tinignan lamang si Gio na sinagasa ang napakalakas na ulan ...

~END OF FLASHBACK~

Iyon ang huling araw na naging malapit sa akin si Gio. Iniwasan na niya ako after ng insidenteng iyon.Hindi na siya sumasabay sa akin sa pagkain. Hindi na rin niya ako sinusundo sa huling klase ko para sabay kaming umuwi. Hindi na siya nagtext at tumawag. A month after that ay nalaman kong nagbreak sila ni Charlotte. Binalot ng pag-asa ang puso ko na baka ako ang pinili nya. Na kaya lumayo siya ay nagisip muna siya. I've waited for another 2 months but to my surprise ay sila na pala ng kaklase kong si Carrie. My world tear apart that day. Ang sakit pala.. ang sakit pala umasa na ikaw yung pipiliin.. na ikaw yung gustong makasama...yun pala hindi naman. Akala mo yung pagmamahal mo masusuklian na. Hindi pala.. ikaw lang pala yung nagmamahal.. ikaw lang pala yung masasaktan. Hindi ko na na namalayan ang pagpatak ng mga luha sa mata ko. Laking gulat ko ng may mag-abot ng puting panyo sa akin. I was stunned. That scent..that soothing scent..that scent na ilang taon ko ding hinanap hanap...walang iba kung hindi siya... siya lang..

Si Gio.
He came. He came for me. And whisper that word I've been longing to hear from him..

" Babe..."

The Love of My Life (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon