*cring* *cring*
°Anu ba yun? Takte tong orasan na toh! Bakit naka set sa 5am?! *kamot sa ulo*° Sabay binato sa pinto yung lintek na orasan. Sakit sa ulo kapag ganun. Gigisingin ka pa naman ng 5?! Nakatulog na lang ulit ako.
*yawn*
Bumangon nako. Pababa na sana ako ng biglang.
°Waaaaayaa....° Kala nyo may kalaban ako? Hindi hindi nadulas lang naman sa lintek! na orasan.
°Tae ang sak....° Tingnan ko yung orasan.°Tae! Tae! Tae! 11:20 na!° Tumakbo nako pababa. Naligo nako. Umakyat ulit ako sa taas paramagbihis. Bumaba ulit ako *hinihingal*.
°Ohh! Eric bat ka nagmamadali. Halika. Kumain ka na dito°
Patay nakita paako ni mams. Hindi ako papaalisin nyan pag hindi paako nakain. At yung tumalikod si mams. Sabay dahan dahan ako papalakad ng pinto.
°Eric!.... Nakalimutan mo ko° Nakakagulat naman toh si paps. Haha nakalimutan ko pa pala lagi pala kaming natakas ni paps kay mams kapag nahuhuli kami. Biglang nakita kami ni mams na natakas. Tae paps sumigaw ka pa kasi.
°Bilis paps nanjan na si mams!° Lumabas na kami ng bahay. Nang natakbo. Haha late na rin kasi paps sa work nya. Tumigil na kami sa pagtakbo papalayo kay mams. Kasi minsan hinahabol kami. Kapag hindi kami kumain.
*hinihingal*
°An...g...bilis..nyo..tumak..bo paps!° Hinhingal kong sinabi kay paps.
°Syem..pre mabils ata tong p...° May pumingot ng malakas kay paps. Nakunaman nakalimutan ko pa kung sinong masmabilis pa samin.
°Anu yun DADDY!!° Nagagalit na sinabi ni mams. Syempre si mams ang mabilis.
°Anak takbo! Habang hinahawakan ko mommy mo...... Bilis!° Sinabi sakin ni paps ng hinawakan nya si mams.
°Sige po paps! Hindi ko kayo makakalimutan! ° Hahah the best talaga paps ko.
At pagkatapos nun. Nakarating nako ng school na late na late. Eh 11:40 na! Nakakahiya pala kung ikaw nalang ang naglalakad sa hallway. At biglang sumagi sa isip ko yung sabrina hindi paako nakakapag sorry nang maayos. At parang pamilyar sakin yung name nya. Hmmm.... Hayaan mo na nga sasakit lang ulo paginisi... ** Hiki ** huh? Anu yun? Hiki? Pang japanese ba yun? *sigh* Kung anu anu nalang naiisip ko .... Bahala na. Ayaw ko nang isipin. Sakit sa ulo.
Pagkatapos nun nakapasok nako ng 12:00 na buti kakatapos palang ng 1st period yun. Makalipas ang mga nakakaantok na lecture. Sa wakas! Break time na. Yung papalabas nako.
°Psssst! Huuuyy!° Hindi ko nalang pinansin kasi alam kong madadamay nanaman ako sa mga kagaguhan nila.
°Eric!! Huuuy!° Sabay hinila nako. Wala na. Patay nanaman ako.
°Anu nanaman ang gagawin natin kababalaghan?! ° Sabi ko sa kanila. Aba! Himala wala dito si pat. At sumama na si office boy
°Pssst! Wag kang maingay eric! ...Susundan natin ngayon si patrick kasi manliligaw daw sya kay sabrina° Sinabi sakin ni chris. Si pat manliligaw?! Kaya pala wala sya kasi sya yung mission namin ngayun. Ayaw ko sanang sumama. Pero parang gusto kung alamin kung anung mangyayari.
°Ayun sila! Sa baba° Nakita ni jerome si pat. Pero bakit nakaupo lang sya dun?
°Tara puntahan natin parang hindi ata maganda ang resulta ng ligaw nya° Sabi ni chris. Oo nga mukhang hindi maganda yung nangyari kay pat. Bumaba na kami at pinuntahan namin si pat.
°Patrick?..... Okay ka lang?° Sinabi ni chris kay pat. Waaah! Ngayon ko lang nakita si chris na nagaalala!
°Tumigil ka nga jan sa ang pangit nang mukha!!!° Binatukan nya si pat habang sinabi nya yan.
°Tara na dun tayo sa canteen. Maguusap usap tayo dun. Kung anu yung nangyari° Sabi naman jerome.
Pagkatapos namin kumain. At nagusap. Biglang na suspend yung klase. Eh wala namang bagyo....Wala kaming magagawa sinuspend na e. Nagsiuwian nalang kami. Anu kaya yun bat kaya sinuspend?
Hayaan muna uuwi nalang ako.
Nakauwi narin sa wakas makakatulog narin.
Direderetso nalang ako sa kawarto ko. At humiga sa heaven na kama..... anu kaya yung naisip ko kanina. Hiki? Parang name ng isang tao.
*yawn*
BINABASA MO ANG
My Memorie's Of Her
RomanceAng The One Darating Rin Yan ^^ Paano Kung Ang The One Mo Ay Out Of Your League? Susuko Ka Ba? O Malalaman Mo Nalang She's Yours Already? Lets Find Out Their Story.