THE RACE

3 0 0
                                    

Third Person's POV

Sumakay na sa kanya-kanyang sasakyan ang dalawang dalagang maglalaban. Hanggang ngayon bakas pa din sa mukha ng mga Proxy Crew na ang dati nilang Queen at isa sa pinakamagaling na racer ay nasa mortal na nilang kalaban. Iniisip nila kung paano iyon nangyare.

Sa kabilang banda, makikita mo ang excitement sa mukha nila. Lalo na kay Sapphire. Sa isip-isip niya, humanda kayo. It's payback time baby!

"Mag-iingat ka. Iba ang mga yan. Traydor at madaya maglaro ang grupong yan" tinaasan lang ng kilay ni Sapphire si Travis. Dahil alam niya ang paraan ng paglalaro ng Proxy Crew.

"Jen, galingan mo. Si Sapphire yan. Iba yan." Paala ni Bryan.

"You don't have to remind me. And who is that bitch ba? Why are you biglang natakot?"

"Don't call her bitch. You don't know her" biglang sabi ni Franz.

"Why so serious Babe. Don't worry. Tatalunin natin yan" tsaka siya sumakay sa kotse nya.

Pumwesto na ang dalawang dalaga sa starting line. Rinig mo ang makina ng sasakyan nila. Hinarap niya si Jen at binigyan ng isang ngiting mapanloko.

"Ready to lose bitch?" Dinig niyang sabi ni Jen.

"Hahahahaha. You don't what you're saying. Giraffe. You don't even know me bitch"

"What did you just call me?!"

"What?" Mapanlokong tanong ni Saph kay Jen.

"READY GIRLS?!" Napaharap sila sa lalaking nasa harap nila. Sabay naman nilang inapakan ang gas nila para magbigay ng signal na handa na sila.

Nang narinig ang putok ng baril, mabilis nilang inapak pareho ang gas nila..

*Broooooooooooooooom!!!!!!!

Nangunguna si Jen sa karera nila. Si Saph naman ay pasimple-simple lang.

"Sige lang bitch. Mauna ka. Magugulat ka mamaya nasa harap mo na ko" sabi ni Saph sa sarili niya.

"Masyadong mayabang. Mabagal naman pala" sabi naman ni Jen.

Nang magkatapat sila, tinignan ni Saph si Jen tsaka binigyan ng F.U sign tsaka mabilis na nagpaandar.

"Pinagbigyan lang kita bitch!!!" Malakas na sigaw ni Saph.

Nagulat naman si Jen sa bilis ni Saph dahil hindi niya inexpect na ganun siya kabilis. Mabilis naman niyang hinabol pero sa tuwing malalagpasan na niya si Saph ay hinaharang siya nito.

Binangga niya ang likod ng sasakyan ni Saph at ng mapahinto siya ay bigla niyang siningitan.

"Tangina ng babaeng yun ah?!" Galit na giit ni Saph. Mabilis din niyang hinabol si Jen ngunit gaya ng ginawa nyang pagharang ganun din ang ginawa ni Jen. Kaya ang ginawa nya ay bigla siyang pumreno at nagdrift paikot. Kaya ngayon ay nakatalikod na sya. Nagtaka naman si Jen kaya napalingon siya. Ng mapansin ni Saph na wala na sa focus si Jen ay nagdrive sa patalikod tsaka nilagpasan si Jen. Ng makalagpas na siya tsaka sya nagdrift at humarap na ulit sa daan.


Sa kabilang banda naman, ang mga manonood ay tila nabibilib sa nangyayaring paglalaban. Lalo na si Travis na hindi makapaniwala na ganito pala talaga kagaling si Saph. wel,, magaling din naman si Jen yun nga lang mas boto sila kay Saph.


"Grabe, wala pa rin kupas si Saph. kailan ba siya huling naglaro ng ganyan? mag iisang taon na dba?" sabi naman ni Bryan. Samantalang si Franz ay nag-iisip pa din kung paanong nagkakilala si Travis at Saph at napunta pa siya sa kanila. Oo nakalaban na nila ang mga ito dati ngunit hindi naman nila nakikita ang isa't-isa. ngayon lang.


Stuck in the PASTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon