SITP #3

12 0 0
                                    

Saff's POV
Hay sa wakas naisipan na din magpahinga ni Lolo. Grabe kahit ang tanda na daming kwento. Parang hindi galing sa byahe. Paakyat na sana ako ng bigla akong tawagin ni kuya.

"Sapphire" nilingon ko siya at nginitian.
"Yes kuya? *yawn* inaantok na ko eh"
"Magusap tayo"
"Kuya inaantok na ko."
"Baba ka dito o babawasan ko allowance mo?" Hay nako. Padabog akong bumaba at umupo sa sofa tsaka nag cross arms.

"Bakit ang bilis mo nakarating?"
"Malamang pinagmadali mo ko?" Akala mo naman magmamadali ako kung hindi niya ko pinagmadali di ba? Tsaka sino bang hindi matatakot sa Lolo ko? Ayoko kaya pumunta FRANCE. PURO MALALANDI DUN. Dba? "FRANCE". Natawa na lang ako sa naisip ko.
"Oh ano tinatawa-tawa mo diyan?" Sungit ng kuya ko.
"Wala. Bawal tumawa?"
"Ano? Bakit ang bilis mo nakarating?"
"Eh kase nga kuya nagmadali nga ko dba? Actually Kuya nag teleport ako" tsaka ako taas-baba ang kilay.
"Wag moko pinagloloko Sapphire!"
"Haist! Kuya malamang nagmadali akong magmaneho dba?! Common sense!"
"How many times do I have to tell you to stop driving fast? Pano kung maaksidente ka?"

"Sino ba nagsabing dalian ko?" Oh edi napaisip ka kuya? Sus. Minsan talaga tong kuya ko tatanga-tanga.
"Oo nga noh? Ah basta! Sa susunod wag mo na gagawin!" Tsaka siya umalis. Oh siya pa may ganang mag walk out?

"Oo nga pala Sapphire! Nakalimutan mong isara bintana ng kotse mo!!!" Sus maliit na bagay. Akala mo naman mawawala yun dito. Isinara ko na yung bintana ng kotse ko dahil baka mamaya eh hindi ako tantanan ni kuya.

Kinabukasan..
Same shit. Pumasok sa school at nagklase. Minsan talaga nakakasawa din magaral eh noh? Pero kailangan to. Pak! Para sa ekonomiya. Ganeeeern.

"Bessssssssssy!!!!!!!" Nilingon ko ang tumatawag sakin. Oh sino paba? Nako.
"Oh bakit Janna? Makatawag ka naman"
"Kase Bes may nakapost sa bulletin board. Tapos hinahanap ka"
"Ako hinahanap? Pano mo naman nasabi na ako ang hinaganap? Ano ba nakasulat? 'DIYOSA' ba ang nakasulat?" Sabi ko sabay flip ng hair.

"Grabe. Ganda mo eh noh? Haist. Anyway kase may papel nakapost dun hinahanap yung may-ari ng kotse na Lancer GTA daw tapos kulay matte black" sira ulo din tong kaibigan ko eh. Ako lang ba may kotseng ganun? Hay nako.

"Oh bakit? Ako lang pwedeng magkaroon ng kotseng ganon?" Aalis na sana ko at iiwan siya pero nagsalita ulit siya.

"Di nga lang ikaw pero ikaw lang ang may plate number na ganto" tsaka siya ipinakitang papel sakin.

ATTENTION!
Looking for the owner of the LANCER GTA CAR. MATTE BLACK. With a plate number of SAF-07. If you have any information please call 09376153961. With a 250,000php reward.

Oo nga noh? Akin nga to. Pero bakit naman ako hinahanap? Wala naman ako naviolate na rules. Wala naman akong sinira? Matagal na kong di nakikipagkarera. Wala naman akong inaway. Oo nakikipagkarera ako dati. Pero DATI yun. At halatang gustong-gusto akong mahanap. May reward pa. Tawagan ko kaya tsaka ko kunin ang pera? Sayang din.

"Bes? Bumalik ka ba sa pagkakarera?" Tinignan ko naman siya.

"Hindi!" Mabilis at mataas na boses kong sagot.

"Ok chill ok?"

"SAPPHIRE ANNE TORRES!!!!" Isa pa to. Isa pa tong OA makasigaw na to. Kalalaking tao eskandaloso! Dinaig pa ko.

"Kuya.."

"What's this? Ano to?"
"Translation lang kuya?"
"Hindi ako nagpapatawa. Ano to? Bakit ka hinahanap? At sino naghahanap sayo?" Kita mo. Ako nga nagtataka tatanungin pa ko? Hay nako noh.

"Aba malay ko. Si Janna lang nagpakita sakin neto."
"Did you.. Bumalik ka ba sa pagkakarera ha Sapphire?" Nakita ko si Franz sa di kalayuan at nakatingin samin. Nang mapatingin ako sa kanya ay napailing na lang siya tsaka umalis. Hay. Masama nanaman iisipin niya sakin panigurado.

Stuck in the PASTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon