Saph's POV
Nagdridrive na ko pauwi pero para pa din akong lutang. Nagiisip ako kung ano. Bakit? Bakit ngayon pa siya lalapit kung kailan handa na kong kalimutan siya at tanggap ko ng may bago siya? Bakit kailangan ngayon pa? Para ba malaman kung tanga pa din ako? Hay nako FRANZ!!!!!
Sa sobrang pagkalutang ko, hindi ko namalayan na nasa bahay na pala ko. Bumaba ako ng kotse at naabutan si kuya na naghihintay sakin.
"SAPPHIRE ANNE TORRES?! SAAN KA NANGGALING?!" Pasigaw at galit na sabi ni kuya pero tinignan ko lang siya ng blanko.
"Wala ako sa mood kuya. Wag mo ko kausapin" tsaka ako pumasok sa loob at hindi na siya pinansin. Narinig ko pa siyang nagsasabi-sabi sa labas
"Sino bang panganay? Ako o siya? Pansin ko lang? Parang ako under ah?" Dinig ko lng sabi ni kuya.
"KUYA!!! ITULOG MO NA LANG YAN!!!! BUKAS NA TAYO MAGUSAP!!!"
"OPO ATE!!!" Napailing na lang ako sa sagot niya. Kahit papano nakalimutan ko problema ko. Kuya talaga.
Pagkapasok ko sa kwarto, balik moment nanaman ako. Hay buhay!!! Hindi ko na alam gagawin ko. Bakit kase?!
*bzzzzzzzt
1 message receivedFrom: Franz
Ano? Ayaw mo na talaga makipagkaibigan? Nagooffer na nga ko ng friendship ayaw mo pa?Tangina. San banda sa ayoko ang hindi niya maintindihan?!
To Franz
Talaga bang hindi ka marunong makaintindi?! I can never be friends with you!!! Mahal pa nga kita tapos makikipagkaibigan ako sayo?! Naiintindihan mo ba yun ha?! Ayoko ng masaktan!!! Ayoko ng umasa!! Please lang!!From Franz
Hindi ka naman masasaktan. Hindi naman kita pinapaasa. Nakikipagkaibigan lang ako.To Franz
Siguro nga di mo ko pinapaasa o sinasaktan. Pero unintentionally umaasa at nasasaktan ako!!! Di ba ito naman ang gusto mo? Ang lumayo ako? Ilang beses mo ba kong pinagtabuyan ha?From Franz
Sa ginagawa mo, sino ngayon ang nagtataboy?Gggggrrrrrr!!!! Ano ba franz!!! Nahihirapan na ko sayo. Bakit ba kase? Bakit ba? Sa sobrang inis ko hindi ko na namalayan na tumutulo na pala ang luha ko. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Hanggang sa nakatulog na ko.
Kinabukasan...
1 message received
From Franz
Let's have dinner. As friends lang.Hindi ko alam kung papayag ako. Pero, siguro nga kailangan. Ayoko na din ng ganto. Nahihirapan na ko. Ayoko ng masaktan.
To Franz
OkDahil walang pasok ngayon, ginawa ko lang ang routine ko sa bahay. Hanggang sa mag oras na at nagkita kami ni Franz. Nagpunta kami sa isang restaurant sa malapit lang. Nagorder siya ng kanya at sakin din.
"Everyday I love you" napatingin ako sa kanya at kimislap ang mga mata ko.
"Panonoorin natin?!" Masaya kong sabi. Pero napawi din ang saya ko agad.
"Napanood ko na"
"Sino kasama mo? Babae mo?"
"Hindi. Bakit bawal ba manood magisa?"
"Pwede ba Franz? Wag mo kong pinagloloko dahil wala kang naloloko. Ikaw manonood nun? Wag mo din masabi-sabi na kasama mo tropa mo dahil hindi niyo trip ang ganyan unless may kasama kayong mga babae" galit kong sabi. Naiinis lang kasi ako.

BINABASA MO ANG
Stuck in the PAST
Dla nastolatkówThis is a story about a girl who gave everything she have, sacrificed her own happiness, and did everything she can for a boy who dumped her. Will she be able to move on? Or will she be stuck in the past?