Saff's POV
"It's a brandnew day!!! Goodmorning world!" Malakas na sigaw ko pagkagising ko. Ewan ko. Goodvibes lang ako today.Kinuha ko cellphone ko at nagonline. Binuksan ko notifications ko at tinignan yung mga importanteng notifs.
Puro announcements lang ng upcoming events sa school. Tumayo na ko para mag prepare para pumasok.
"GOODMORNING KUYA!!!!" Malakas na sigaw ko pagbaba ko ng kwarto.
"Ganda ata ng gising ng kapatid ko ah. Anong meron? Inlove ba?" Masayang ngiti ni kuya sakin at taas baba ang kilay.
"Inlove agad? Di ba pwedeng inlove noon, nasaktan noon, umasa noon, naghabol noon. At kaya maganda ang gising ko, dahil nauntog ngayon" sagot ko kay kuya tsaka siya iniwan.
"Una na ko kuya ah? Bye!"
Mabilis akong nakarating sa school. At nakita kong inaabangan na ko ni Janna.
"Bes!" Sigaw niya sabay lapit sakin.
"Bes sabi ng kuya mo naglayas ka daw? Buti umuwi ka pa?" Tinignan ko lang ng masama si Janna at tinawanan lang ako.
"Alam mo nung una galit kuya mo kasi bakit ka daw umaalis basta-basta. Sabi ko na lang, kailangan mo yun. Para you know"
"Thankyou bes" sabi ko sabay yakap sa kanya.
"Sus. Wala yun noh. Maliit na bagay"
Days passed and hindi na nagpaparamdam si Franz. Ako din hindi na. Sabi ko nga kasi sa sarili ko ayoko na. Nakakapagod kasi hindi ba? Kaya ayoko na.
But one day, nasa cafeteria kami, doing my assignment when I received a text message.
"Bes sino yan?" Tanong ko kay Janna. Hawak kasi niya phone ko.
"Ziarah Mae bes."
"Open mo nga" sabi ko. May ginagawa kasi ako.
"Oh ano sabi?" Hindi ako sinasagot ni Janna. Kaya hinila ko yung phone ko sa kanya at binasa ang sinabi ni Ziarah.
From Ziarah Mae
Bebe nakita ko si franz manunuod ata ng sine may kasamang girl cba
I felt my heart and world stopped. Thinking.. Hindi ba dapat wala na kong pakealam? Ok lang yan. Pero NO! Niloloko ko ang sarili ko! Alam ko sa sarili ko na hindi pa ko ok.
Tinignan ko si Janna at nakita ko siyang nakatingin sakin na may lungkot sa mga mata.
"Bes tara shot?" Pagaaya ko sa kanya. Tinext namin yung ibang barkada namin para makasama. Nagtataka man kung bakit kami nag-aya pero hindi na lang sila nagtanong dahil alam na nilang may problema.
Nagpunta kami sa inuman na chill lang. Walang ingay. Tahimik lang umiinom ang mga tao. Hindi ko na sila tinanong at bumili na ko ng isang litro ng emperador at chaser tapos ay tumagay.
Walang nagsasalita sa kanila. Hanggang sa nakalahati na namin yung iniinom namin. Apat lang kaming umiinom pero nakalahati na namin.
"Be. Ang sakit pala noh? Kahit anong sabi ko na kaya ko na. Hindi ko na siya mahal. Mag momove on na ko. Kapag pala sinampal ka ng realidad na may bago na siya masakit pa rin pala. Akala ko ok na eh. Akala ko lang pala" pagsisimula ko. Sabay inom ng alak sa baso ko. Hindi ko na maramdaman yung tapang ng alak kahit walang chaser dahil sa sakit na nararamdaman ko.
"Be, nagkulang ba ko? Hindi naman dba? Ginawa ko naman lahat di ba? Bakit siya ok na? Bakit ako hindi pa? It's been 10 months. 10 fucking months since we broke up. Pero heto pa din ako. Tangina! Umaasa!"
BINABASA MO ANG
Stuck in the PAST
Teen FictionThis is a story about a girl who gave everything she have, sacrificed her own happiness, and did everything she can for a boy who dumped her. Will she be able to move on? Or will she be stuck in the past?