BFF 1

239 8 0
                                    


Lux's POV

"Hhooyy!! Akin na yang phone ko!!" Sigaw ko kay Chyle habang hinahabol siya. Kasi naman kinuha yung phone ko. May nakita daw siyang message na kakaiba. May ganun pa siyang nalalaman, nakakainis lang. Akala mo naman kami e bestfriend ko lang naman sya. Pinagpalit ko na daw sya e kanina niya pa pinipilit yun sakin.

"Ayoko nga!! Ikaw ha, pinagpapalit mo na ako" pilit niya pa sakin habang tumatakbo. Kainis lang e.

"Hindi nga!! Ikaw lang naman yung bestfriend ko e!" Ayan yung sinabi ko para huminto na siya. Ako pa tatakbuhan niya kapag nagseselos ehh kilalang kilala ko na siya e. O diba, huminto nga siya sa sinabi ko.
Syempre huminto narin ako. Grabe lang nakakapagod tumakbo. Nakailang ikot din kami sa quadrangle ng school namin.

"Hindi mo ba talaga ako pinagpalit?" Tanong niya sakin. Eto talagang bestfriend ko, napakaseloso

"Hindi nga, ang kulit mo naman." Sabi ko sa kanya habang kumukuha ng mineral water sa bag ko.

"Ok, naniniwala na ako. Tara na nga, punta tayong canteen nagugutom na ako e." Sabi niya sakin sabay bigay ng phone ko at sabay hila sakin. Palagi namang ganyan yan e, mapanghila masyado XD . Binitawan na niya ako nung malapit na kami sa canteen.

"Ano bang gusto mo?" Tanong niya sakin pagpasok namin ng canteen.

"Sagot mo ba??" Tanong ko sakanya para makapanigurado, baka kasi gawin na naman niya yung ginawa niya sakin kahapon . Para masaya ipaflashback ko na.

*FLASHBACK*

"Ano bang gusto mo?" Tanong niya sakin.

"Gusto ko ng carbonara at C2." Sagot ko sa kanya tapos umorder na siya. Tapos kumain na kami. Pwede namang kumain ng hindi muna nagbabayad e. Natapos na rin kaming kumain.

"Oh, tapos na tayong kumain. Bayaran mo na?" Sabi ko sa kanya.

"Anong bayaran ko? Ikaw kaya magbabayad niyan. Tignan mo nga wala akong ka pera pera" sabay hugot ng bulsa at pakita sakin ng wallet niyang walang laman.

"Pasalamat ka may pera pa ako." Sabi ko nalang kasi wala na akong choice.

*END OF FLASHBACK*

"Oo na, ako na magbabayad. Kawawa ka kasi kahapon e hahahahaha." Aba, nakuha niya pang tumawa.

"Buti naman, i-order mo ako ng spaghetti at coke." Tapos umalis na siya para umorder ako naman umupo na dun sa bakanteng upuan.

Kumain lang kami hanggang sa matapos na kami. Medyo matagal kami ay este siya kumain kasi ang dami niyang inorder, isang spaghetti, icedtea, doughnut at french fries. Umuwi narin ako kasi dumating na ang aking chauffeur na may dalang limousine pero syempre joke lang yun. Car lang naman nila mom and dad yung dala ng driver ko.

Nakauwi na ako at dumiretso na agad ako sa room kong punong puno ng One Direction posters at marami pang 1D things. Super fan ako nun since 10 years old ako. Dahil swerte nga ako sa buhay kong ito, ilang beses ko na silang nakikita at I can't believe it na kilala na nila ako. Nakuha ko narin ang number nila. Nakakailang punta na kasi ako sa UK kaya pati accent nila natutunan ko na. Umiyak nga ako nung umalis si Zayn Malik pero pinaka gusto ko dun ay si Harry Styles. Ok, i-stop ko na ang pagkukwento sa kanila.

Nagbihis na ako at lumabas ng kwarto. Pagkalabas ko bumungad agad sa harap ko ang isang maid sa bahay namin.

"Ma'am Lux, ano po ang gusto niyong meryenda?" Tanong niya sakin.

"Anong ma'am? How many times do I have to say na Lux nalang. Ayoko ng ma'am Lux hindi siya bagay. Nga pala, gusto ko ng Niall ay este pizza at coke." Sabi ko nalang.

"Okay po ma-- ay okay po Lux."

"Remove the word "po"." Sabi ko.
Tumango nalang siya at umalis na sa harap ko. Ako naman pumunta nalang sa living room namin para manood ng television. Pagkabukas ko tinignan ko agad yung mga palabas. Sakto yung palabas sa HBO, One Direction: This Is Us. Sakto dumating na yung food ko. Nanood lang ako hanggang matapos.

Nga pala, ako si Louraine Lux Sanchez, 15 years old at 4th year highschool. Ang mga parents ko ay nag-aari ng isang company. Si Chyle ang pinaka bestfriend ko since birth......chos! Since grade 2 ako. Close na close kasi ang mga parents namin sa isa't isa.

Nanood lang ako ng movies at pagdating ng 8:00 o'clock pumasok na ako ng room ko. Nag internet nalang ako kasi ang boring talaga dito sa bahay. Pwede namang magpuyat kasi Friday naman pero nakatulog agad ako at nanaginip.

*in my dream*

Chyle: Lux, hindi ko na kayang itago ito. Mahal na kita Lux, ngayon ko lang ito nasabi kasi ngayon lang ako nagkalakas ng loob.

Me: O////O nagjojoke ka ba Chyle?

Chyle: seryoso ako Lux.

Me: ok.......

*end of my short dream*

Nagising ako kasi parang may kumakalabit sa paa ko. Minulat ko agad yung dalawa kong mata. Tapos nakita ko si Lexy nasa paanan ko. Ay, si Lexy Lye Sanchez ang aking pinakacute na bunsong kapatid. Hindi ko alam kila mom and dad kung bakit nag-anak pa sila ng isa. 6 years old palang siya kaya makulit pa hahahhaha.

"Ate Lux, laro po tayo" aya niya sakin. Ang cute talaga ng boses niya.<3

"Baby, gabi na o, tulog na tayo. Bawal sayo mapuyat e." Sabi ko sa kanya pero nagpout siya. Ang cute talaga. Ay wait, kung nandiyan na siya nandiyan na rin sila mom and dad. Dinadala kasi nila ito sa trabaho pero may babysitter naman siya at may sarili siyang room dun. Tinignan ko yung oras, 10:03 palang pala. Pinagbigyan ko na si baby Lexy na maglaro pero sandali lang kasi inantok na siya agad. Magkatabi kaming matulog, pinaalam ko naman kila mom and dad e. Naalala ko tuloy yung panaginip ko.

---------

Hi guys! Please read and vote! Lalagyan ko ng thrill para astig. XOXO♥

More Than Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon