BFF 4

67 3 0
                                    


Lux's POV

Hhhmmnm, ang weird ng panaginip ko. Yung panaginip ko ay yung nangyari kanina. Ay wait, kanina nga ba? O kahapon? Ay imposible yun kasi may pasok na kung sasabihin kong kahapon.

Minulat ko na ang mata ko at nilibot ko yung tingin ko sa kwarto.

Pagtingin ko sa side ko........O_O

Nakalimutan ko palang nakatulog kami ni Chyle dito. Buti nalang hindi kami magkayakap. Pheww!!

Ay wait! Anung oras na pala. Tinignan ko yung wall clock at nakita kong 8:27 na ng GABI??!!!!

Si Chyle di pa nakakauwi, may pasok pa bukas. Kailangan na nyang magising para makauwi na siya. Magising na nga.

"Uy best F, gising na. Gabi na oh, may pasok pa bukas" mahinahon kong sabi. -_- wala paring reaksyon -_-

"Uy Chyle!! Gising na! Gabi na oh! May pasok pa bukas! " sinigaw ko na pero di naman malakas.

"Hhmmmm..." -Chyle

"Naku, ewan ko sayo!" Tatayo  na ako pero naramdaman kong hinawakan niya yung kamay ko.

"Chowry bes, antok pa ako e" nu ba naman to? Parang bakla XD

"Para kang bakla, gumaganyan ka pa" sabay tawa ko.

"Anong bakla?! Ikaw nga bakla diyan e" O diba, dahil sa sinabi ko gumising na siya hahahhaha XD

"Ako bakla?! NEVER!!!! Basta ikaw parin yung bakla bwahahahhaha XD"- me

Tumakbo na ako ng mabilis pagkatapos ko sabihin yun kasi hinabol niya ako hahahaha XD Para kaming bata neto XD ang bilis ko bumaba ng hagdan, muntik na nga akong matalisod e pero buti hindi hahahahha.

"OOPS!! O_____O " napalakas ko pa yung sabi niyan kasi nakita kong may bisita sa sala namin. Grabe nakakahiya! Nakatingin sila sakin, eto namang si Chyle tumatakbo parin. Muntik na nga akong bumagsak kasi natulak niya ako XD.

"Uy Chyle,  nakakahiya sa mga bisita" mahina kong sabi.

" ay sorry, kulit mo kasi e" -Chyle

"Uhhhmmm, we apologize for what we did, sorry for disturbing all of you. I'm very sorry" sinabi ko yan sa kanila kasi naguusap ata sila nina mom and dad tungkol sa business chu chu.

"Oh, that's okay ^_^ " sabi ng isa sa mga visitors.

Mabilis kaming umakyat sa taas at dumiretso sa kwarto ko.

" Uy, grabe nakakahiya yun! " -Chyle

"Ikaw kasi e, hinabol mo pa ako. Pasalamat ka malakas yung loob kong magsorry" -me

"Ay sorry naman, di naman kasi ako bakla e" - Chyle

"KIEDOT!!!" Sabay kuha ng cp ko at maglaro ng games dun. Kabored din kasi dito e.

"Uy uy, paano ko uuwi?" Tanong niya sakin.

"Laki mo na hindi mo pa alam umuwi sa inyo. Lumabas ka lang ng bahay namin at maglakad ka papunta sa kabilang kanto, diba dun bahay niyo? O as simple as tha-- ARAY!! " Mambatok ba naman.

"Ano ka ba? Mapang-inis ka na ha" sabay talikod niya at nagmukmok dun. Hahahahhaha di ako mauuto nito, style niya bulok XD

"Sorry na bes.....tara samahan kita umuwi sa inyo" sabay yakap sa likod niya kasi nakatalikod siya.

"Uuwi na ako, sabihin mo kila tita ha. Dun ako dadaan sa likod niyo"  sabay tayo niya pero pinigilan ko siya.

"WUSHU!!! Tampo tampo ka pa, kilala na kita no!!!" Natawa nalang ako sa pagpapout niya. Cute talaga neto.

"O tara na, hatid na kita....sa LABAS!  Syempre hindi totoo yung sinabi kong sasamahan kita sa inyo. Ano ako chix?? Paglaki chicken? No no no" sabay iling iling ko.

"Huyyy, alam ko naman na hindi mo ko hahatid no" nagroll nalang ako ng eyes ko.

"Wewz" pang pa nonsense yan ng sinasabi e hahahahha alam ko maiinis siya kapag sinabi ko yan hahahahh XD

Chyle: >:-|

Hahahahha nainis siya.

"Tara na labas na tayo" sabay hatak sa kanya palabas.

--

Nandito na kami sa labas ng bahay ko at pinapaalis ko na si Chyle hahahhaha kahit kailan ang sama ko talaga.

"O nandito na tayo, uuwi ka na ba?" -me

"Oo na, uuwi na po" sabay hug sakin.

O///O

"Love you bes, thanks for making me happy" may paganito ganito pa si bes pero sa totoo lang kinililig ako hahaha XD

"Naku! Sige na uwi na, shoo!" -me

"Ang cute mo kapag nagba-blush" naramdaman ko ngang ang init ng mukha ko.

"Dati pa ako cute so alis na" nagwave lang siya sakin and naglakad na paalis.

Sa kabilang kanto lang naman siya nakatira e. Subdivison namin to pero kasama yung mga magulang niya na nagmamay-ari neto. Basta mahabang usapan at sila mommy lang ang nakakaalam nun.

Pumasok na ako ng bahay at nadatnan ko sila mommy,daddy and Lexy na kumakain.

"Mom, bakit hindi niyo po ako pinatawag?" Tanong ko.

"Pinatawag ka namin kay manang pero nakita ka daw niya kausap mo si Chyle kaya pumasok na siya dito" paliwanag ni Mommy.

" ah sige po ^_^ " -me

"O tara na, kain ka dito anak ko ^_^ " aya sakin ni dad.

Kumain na kami at marami rami rin akong nakain ^_^

-------- end of Lux's POV-----

Chyle's POV

Nandito ako naglalakad pauwi. Niyakap ko si Lux kanina kasi nag-enjoy talaga ako. Bigla kong naalala yung nangyari kanina. Yung nagising akong kaharap ko siya ^_^

Ewan ko ba pero iba talaga kapag kasama ko siya. Every minute ata nag i-smile ako. Napapasaya niya ako palagi kaya special siya sakin e. Iba talaga yung feeling, baka dahil bestfriend ko siya......

......oo tama, dahil bestfriend ko siya ^_^

Dami ko kasing iniisip e.

-------end of Chyle' POV-----

--------------

HI GUYS!!! AUTHOR HERE!!! Hahahhaha feel na feel ko pagka author e hahahhaha joke!

Eto na po yung BFF 4!!! Plss read and vote guys!! Iaupdate ko rin po yung BFF 5 pero medyo matatagalan kasi po madami pong study. Need to study hard po e ^_^

Sorry kung may mga typos.

You can follow me on twitter:
@Jels_1D

TY!!!!

More Than Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon