BFF 16

21 2 0
                                    



Lux's POV

Umalis na ako sa pagkakahiga sa kama dahil umaga na. Actually, madaling araw palang. Okay naman na ako. Magaling na ako. Thanks to.. Errr... Bes. Hayst. Naalala ko na naman yung nangyari! Gusto niyo malaman? Oo? Ayoko nga. Baka kiligin lang kayo katulad ko eh. Harr, harr. Sa susunod ko nalang ikekwento.

Kinuha ko yung bracelet sa table sa tabi ng kama ko. Ang ganda neto. SUPER! Nakaukit ang pangalan naming dalawa ni Chyle. Bday gift niya kaya sakin ito. Hindi ko naikwento sa inyo yun noh? Sige, gagawa nalang ako ng malaking flashback.

*FLASHBACK*

"Now, open your eyes" utos ni dad kaya mabilis kong minulat ang mata ko. Napanganga nalang ako eh tapos teary-eyed.

"Thank you so much, mom and dad" masaya kong sabi saka sila yinakap. Kasi naman, kung fan ka talaga ng 1D, eh matutuwa ka kung ganun ang ayos ng party mo. Mga cakes, may banners at may nga lobo at marami pang iba. Basta 1D siya. Naging isang masayang party yon kahit naiilang ako sa aking best friend. Kasi nga, alam niyo na. Alam ko na ang lahat pero siya di niya alam na alam ko. Pagkatapos ng maraming messages na sinabi sakin ng mga tao sa event na yon, kumain na kami at pagkatapos kong kumain, nagtungo ako dun sa mga gifts. Sana lang at puro One Direction ito pero meron doon na isang box na nakakuha ng atensyon ko. Kinuha ko yon at unti unting binuksan. Napa- wooww nalang ako eh. Ang ganda kasi talaga ng bracelet!!! At nung nabasa ko ung letters dun, alam ko na kung kanino galing. Kanino pa ba?

"Nagustuhan mo ba?"

"Ay anak ng!! Ay ikaw pala. Oo naman! Parang eto ata yung dabes na gift!" Sinubukan kong mag act ng parang hindi naiilang.

"Thanks. Pero mas mahal naman yung regalo sayo ng dad mo. Pwede ka ng tumira mag-isa." Nagtaka pa ako at nagisip isip. Omg! May sarili na akong condo!?!?

Hindi nga ako nagkamali. Sobrang saya ko nung gabing yun. 16 years old palang ako pero parang ang bongga na nitong birthday ko, paano pa kaya sa debut ko?

Natapos nga ang gabing iyon ng hindi ako nagpapakita ng kahit anong pagkailang sa best friend ko.

Pero sa totoo lang, hindi ko maiwasang hindi umiwas.

*END OF FLASHBACK*

Siguro okay na yan. Tinatamad na akong magkwento eh.

-after 1 hour and 30 minutes-

Kumakain na akong breakfast at konting ayos nalang bago pumasok. Pinagdala narin ako ng gamot baka daw kasi ano mangyari sakin mamaya.

Nakarinig na ako ng busina kaya syempre nandiyan na si Chyle. Parang ayokong sumabay sa kanya eh. Nakakailang parin.

Lumabas na ako at pumasok naman sa kotse niya. Ngumiti lang siya sakin kaya ngumiti din ako, pero pilit.

Sa buong byahe, hindi ako nagsasalita. Puro tangi at iling lang.

"Tara na. Nandito na tayo." Tumango lang ulit ako.

Lumabas na kami ng kotse at sakto! Nandun sila Marie! Sila kasi yung iba kong friends.

"Oyy girll!!!! Sabay ka na samin!!" Yess!! Thanks talaga at hindi na awkward!!

"Ahh s-sige. Maiwan na k-kita ha. Kita nalang mamaya."  Buti nalang tumango siya kaya mabilis akong pumunta kila bessie. Nakipagbesuhan at kwentuhan lang habang papasok.

Chyle's POV

Nakatingin lang ako sa kanya habang papalayo siya. Bakit parang ang bigat sa pakiramdam? Yung feeling ko, ayaw ko siyang malayo sakin.

Naalala ko yung ginawa ko kahapon. Sakanila na ako natulog dahil inapoy na naman siya ng lagnat. Ako lang ang nagalaga sa kanya buong araw. At nung gabi hindi ko talaga mapigilan na hindi siya halikan sa noo. Ewan ko. Hindi ko na napigilan sarili ko.

At nung okay na siya, umuwi na ako nung gabi na kasi nga may pasok pa kinabukasan. Siya naman, tumayo pa siya at hinatid pa ako sa gate. Sabi niya okay lang naman daw sa kanya eh. Wala na naman daw siyang sakit. At tinanong niya ako kung ano daw ba yung pwedeng kapalit. Kung pwede ko lang sanang sabihin na wag ka ng umalis sa tabi ko ay sasabihin ko pero hindi eh, hindi pwede yun kaya yinakap ko nalang siya ng mahigpit. At sinabing wag na wag niya ako kalimutan at ingatan ang sarili niya. Tumulo yung luha ko kaya pinunasan ko yun ng patago. Pero napansin niya yon. At tinanong niya kung umiiyak ba ako, gusto kong sabihing oo pero syempre hindi pwede. Sabi ko napuwing lang ako. Nagulat ako ng bigla niya akong yinakap. Kaya yinakap ko nalang siya pabalik at umalis narin ng matapos yon.

Hayst. Sa tingin ko, mahal ko na talaga siya. Hindi pala sa tingin lang. Totoong totoo na.

"Uy pree!!! Kumusta panliligaw?" Si Gian. Isa sa katropa kong lalaki.

"Lol pre! Kwento ko nalang kapag napasagot ko siya!" Natatawa kong sabi.

"Sige pre! Siguraduhin mo ahh. Tara sabay ka na samin. Kanina ka pa nakatulala diyan eh."

Ngayon ko lang naisip yon. Kasi nga siya lang lagi ang nasa isip ko. Sa di kalayuan, nakita ko na naman siya kaso.....kasama niya yung karibal ko.

Humanda ka tlaga sakin.

More Than Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon