BFF 5

63 4 0
                                    


Chyle's POV

(NP: LIFE OF THE PARTY BY SHAWN MENDES)

I love it when you just don't care
I love it when you dance like there's nobody ther
So when it gets hard don't be afraid
We don't care what them people say

Nandito ako ngayon, nagbibihis para makapasok na ng maaga. Hobby ko na ang magpatugtog kapag naghahanda papasok ng school. Kailangan ko nga palang magmadali kasi susunduin ko pa si Lux.

I love it when you don't take no
I love it when you do what you want cause you just said so
Let them all go home, we out late
We don't care what them people say

Bababa na ako para kumain ng breakfast pero hindi ko parin ini-stop yung song kasi favorite song ko yun e.

Me: "We don't have to be ordinary,make your best mistakes. 'Cause we don't have the time to be sorry. So baby be the life of the party"

Napakanta tuloy ako habang bumababa ng hagdan. Inistop ko na yung kanta kasi nakita ko na sila mommy na nasa dining room, kumakain.

"Goodmorning baby! Halika na dito para makakain ka na ^_^ " err.. si mommy talaga ginagawa pa akong baby.

"Mommy, hindi na po ako baby. Ayan po si Carl o diba siya yung baby?" Sabay turo kay Carl.

"O sige na nga anak. O kumain ka na para masundo mo na si Lux na future girlfriend mo" whaatt??!!! Ano sabi ni mom!

"Mom naman! " ano na naman kaya nakain ng mom ko.

"Eto naman, hindi mabiro" napakamot nalang ako ng ulo sabay umupo na at kumain. Si Carl Cole Hernandez ang aking bunsong kapatid. Kasing edad din ng kapatid ni Lux at katulad namin, mag bestfriend din sila ^_^

Natapos na akong kumain at nagtoothbrush na. Nagpaalam na rin ako kay mommy at kay little brother Carl. Si daddy nga pala may business trip sila ni tito Matthew yung daddy ni Lux.

"Manong, pahatid muna po sa bahay nila Lux. Susunduin ko po siya." Sabi ko kay manong pagkasakay ng kotse.

"O sige hijo" sagot naman sakin ni manong.

Dahil sa kabilang kanto lang naman ang bahay nila Lux. Mabilis lang kaming nakarating.

Bumaba na ako ng kotse at nagdoorbell. Agad namang binuksan ng isang maid nila ang pinto.

"Uhhmm ate nandiyan pa po ba si Lux?" Tanong ko sa kanya.

"Opo sir, nandun po siya sa dining room, kumakain po." Sagot sakin nung isang katulong.

"Chyle nalang po, sige po pupuntahan ko po siya" tumango nalang yung maid at umalis na.

Pagkapunta ko sa dining room nakita ko agad si Lux, kumakain. Malamang dining room ito e. Gugulatin ko nga hahahha >:-)

"UY LUX! BILISAN MO DIYAN!" bwahahahha ganta ng reaksyon niya.

"Ay anak ng pating! Nanggulat ka pa." Magugulatin talaga ito kahit kailan pero nagtataka ako kung bakit siya nagulat e malakas pakiramdam nito.

"Bilisan mo diyan, sabay na tayo pumasok. Naghihintay si Manong sa labas" tumango nalang siya at dumiretso sa lababo at nagtoothbrush.

Nagpaalam na kami sa mommy niya at lumabas narin kami.

Nandito kami sa kotse, ang awkward nga e kasi ang tahimik. Nandito nga pala si Lux sa tabi ko naglalagay ng powder sa mukha niya.

Bumaba na kami ng kotse kasi nandito na kami sa harap ng gate ng school namin. Pumasok na kami sa loob at pinagtitinginan kami. Lagi namang ganito e.

More Than Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon