BFF 18

62 0 2
                                    


Fast forwardddddddd!!!

Wala na kaming pasok yeyyy!! December na ehh. December 18 na po. Yeyyy malapit na christmas!!!

Any question between me ang chyle?

Ayon ayos naman. Medyo hindi na ako naiilang at ginagawa ko nalang lahat para syempre, makasama pa siya. This past few days, masaya kami lagi. Lagi kami gumagala. Nagpunta nga kaming Tagaytay eh. Hahahaha sobrang saya. Kami lang dalawa.

Kaso, err....may naalala ako dun. Gusto niyo ba malaman yon? Nakuu!! Wag na!

Hehehehe next time!!!!

Mag oovernight nga pala kami ngayon sa resort ng kaklase ko. Buong section ata eh. Pero baka hindi rin makumpleto kasi panigurado yung iba hindi pwede kasi nasa bakasyon sila sa ibang lugar pero syempre ako pwede. Nag aayos na nga akong gamit eh.

4:15 na nga tas 5:00 kami pinapapunta don. Susunduin daw ako ni chyle eh.

*bzzt* *bzzzt*

Oy speaking of.

From bes:
         4:30 na ako pupunta dyan ha. Hintayin mo lang ako.

Sabagay medyo malayo yon.

To bes:
         Sureness. Ingat.

*sent*

Nag ayos ayos na ako. Tapos bumaba narin ako para ready na kapag dumating siya.

Kinuha ko muna yung brownies sa kitchen tapos kinain ko😂 matakaw eh hahahahha

Maya maya narinig ko na yung busina ng kotse niya. Lumabas na ako tapos nakita ko siyang pababa ng kotse niya. Nilapitan niya agad ako para kuhanin yung bag ko. Medyo mabigat eh.

"Hi." Shemeyyyyyy! Ang wafuu ni besssss!!

Naka black shirt kasi tapos naka shades pa. Hindi siya naka pants. Syempre pupunta kami sa beach magpapantalon pa. Pero ang wafuu talaga!

Pansin ko lang. May hawak siyang kumot. Maginaw ba?

"Uy baka matunaw ako. Oh, magkumot ka." Sabay abot ng hawak niyang kumot.

"Aanhin ko to?" Tanong ko habang pinapalupot niya sakin yung kumot,

"Uyy mainit eh."

"Kalma lang. Masyado maigsi suot mo. Baka may umano pa sayo. Mapatay ko pa." Ayyyy grabe.

"Grabe ka naman. Tara na nga." Maglalakad na ako kaso di ko kaya maglakad. Ehh nakapalupot sakin tong kumot eh! Imagine nyo! Parang mummy pero basta mahirap maglakad.

"Huyyyyy! Dahan dahan lang! Ibaba mo ko!" Hay naku! Binuhat nya ako eh na parang bigas. Alam nyo yon! Pero hindi nya ako binitawan tapos pinasok ako sa kotse nya. Loko talaga eh!

"Dyan ka lang. Kumain ka dyan madaming pagkain dyan." Napangiti ako nung narinig ko yung salitang PAGKAIN hihihihi.

"Niceeee!!" Nag simula na akong maghalungkat dito. Tapos nakita ko yung pizza!! Mygaddd my favorite!!

Ilang minutes palang nakakatatlo na ako.

"Uy dahan dahan lang! Oh tubig" sabay abot ng tubig sakin. Heheheh sorna gutom eh. Kulang pa yung brownies kanina.

-----

"Tara na. Nandito na tayo." Ay nandito na pala. Tinanggal ko na yung kumot. Di naman kasi masagwa yung suot ko no!

Yung akma lang. Yung sakto lang. Sadyang may tama lang tong bestfriend ko. Hay naku. Bestfriend.

Nakita ko agad mga classmate namin pero hindi naman sila marami. Baka nahuli lang yung iba.

"Whitwhewwww!! Sexyyy!" Sigaw ni Jacob. Playboy sa room namin. Nabatukan tuloy ni Chyle.

"Mukha mo pre! Bestfriend ko yang inaano mo! Iba nalang!" Sabi ni chyle.

"Oo na! Binibiro lang eh hahahahha" tapos tawa ng tawa si Jacob.

"Tsk. Tara nga daw Lux." Sumunod naman ako kay Chyle habang may hawak na dalawang pizza.

"Hay naku. Di mo parin tinitigilan yang pizza ko? Mauubos mo na isang box ah." Sita niya sakin.

"Hehehe sorna. Uy bes. Malapit na mag sunset oh. Panoorin natin." Tapos umupo kami sa sand para mapanood yung sunset. Ang ganda kali ng kulay ng sky. May pagka orange na red ganun. Naubos ko na yung pizza.

Nakatitig lang kami sa araw habang lumulubog ng dahan dahan.

Napatingin ako kay chyle at ganun din naman siya. Nginitian ko siya at nginitian niya din ako. Sandali kaming nagkatitigan at nagulat ako ng unti unti niyang hinahawakan ang kamay ko kasabay ng paglubog ng araw.

"Sana wag mo na akong iwanan. I love you."

At dahan dahang nagkalapit ang aming mga mukha......

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 17, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

More Than Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon