BFF 7

42 2 0
                                    


Chyle's POV

Here we are at the cafeteria of this university. As usual this is the place where people eat so it means that me and Lux are eating here.

If you're slow, edi turtle. Corny ba? Tawa ka nalang, bilangin mo pa kung gusto mo hehehehe.

Okay....ang weird lang nitong bestfriend ko. Kanina pa tahimik. Hindi tuloy ako sanay. Tsss.

"Kanina ka pa hindi umiimik dyan. Ano ba problema mo?" Hindi parin siya humaharap sakin.

"Uyyy. Ganyan na ba yung bestfriend para sayo?" Salamat. Humarap na siya.

"Hindi" matamlay at malungkot niyang sagot.

"Hindi pala e, ano na kasi yung problema mo?" Huminga siya ng malalim.

"E kasi napahiya ako e." Huh?!

"Huh?! Kaynino?! Saan?!" Sunod sunod kong tanong.

"E kasi nasa facebook na yung vi-......." hindi ko na naintindihan yun kasi yumuko siya at mahina na yung voice niya.

"Yung ano Lux?!"

"Yung video..." hindi ko siya maintindihan.

"Anong video?!"

"Yung nangyari kahapon"

"Huh?! Ano ba yang pinagsasasabi mo?! Linawin mo nga?!" Naiinis na ako ah.

"May nagvideo sakin kahapon at nasa video na yun yung nadapa ako. Syempre kilala mo naman yung mga students dito, instead na concerned, pagtatawanan ka pa nila" nag-iinit na ulo ko.

"Sino ang nagpost ng video?!"nagulat naman siya sa tinanong ko at nahalata niya na galit ako.

"Huwag ka na magalit. Matatapos din yung mga chismisan nila" nakayuko niyang sabi.

"Kilala mo ako Lux. Alam mo kapag pinag-uusapan ka o kapag may ginawa sila sayo, alam mo kung sino ako. KILALA MO AKO! SINO ANG GUMAWA NUN!" nasigawan ko na siya sa galit. Tsk! Baka umiyak ito.

Narinig ko naman yung mga bulungan dito sa cafeteria.

Ano na naman kaya nangyayari sa kanina friend?

Makinig ka nalang para malaman mo.

Huyy, nag aaway yung magbff. Hula ko doon yan tungkol sa video.

Baka nga. Pakinggan mo nalang.

Hala! Lagot!

Ang pogi parin ni Chyle kahit nagagalit siya!!

Ang hot niya magalit!!! Kyaah!!

Tsk! Nakuha pang magsalita ng ganun. Eto sa kanila...

"Kung magbubulungan kayo dapat yung hindi ko maririnig, girls. So sino ang NAKAKAALAM NG VIDEO?!" Halata namang nagulat sila.

"Chyle, hayaan mo na" -lux

OA na kung OA. Iba kasi ang attitude ng mga students dito kaya ako ganito.

Nilapitan ko yung dalawang girls na nagsabing pogi at hot ako. Namula naman sila tss.

"Hi girls! Alam nyo ba yung sa video?" Sweet na tanong ko.

"Uhhh y-yes Chyle" namumula pa itong isa. Tss.

"Dahil alam kong takot sa inyo ang mga STUDENTS dito, at alam ko namang SUSUNDIN niyo ako. Pwede nyo bang sabihin na huwag ng ipagkalat at huwag pagtawanan ang bestfriend ko at TIGILAN NILA SI LUX!" nagkatinginan naman itong dalawa. Oo, tama yung sinabi ko. Takot sa kanila ang mga STUDENTS dito sa university na ito. Dahil super brutal ata sila. Pero sakin sila susunod.

More Than Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon