Potek.
Yan lang ang pwede kong masabi sa ngayon.
"Napaaway ka pa kahapon tapos maho-hold lang for 7 months ang release ng 15th edition ng School Magazine ng Hi-News? Ano daw ang rason?"
"Masyado daw boring sabi ni Sir Jeff. Kailangan daw namin makuha ang mga atensyon ng mga readers. Nasigawan pa kami. Nakaka-sheeeeeet na malupet lang. Pinaghirapan ko yung 10-page article na yun kahit nakakasukang topic tungkol sa mga GAYPOP ang ginagawan ko ng article, kasi alam kong ngayon yung deadline kahit sunod-sunod na ang mga assignments at projects na binibigay ng mga teachers sa school tapos iho-hold lang ni Jeff-panot ang release ng 15th edition? Bu--sh-t lang." Sabi ko kay Jela na bestfriend ko.
"Ehem. May KPOP fan ata dito." Sabi niya sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin."Ba't gustong-gusto mo ang KPOP? May napulot ka na bang magandang aral diyan? Naiintindihan mo ba yung sinasabi nila? Kilala ka ba nila para pagkaadikan mo sila?"
Nagpout lang siya sa akin, inirapan ko naman siya.
"Bakit ikaw? Fan na fan ka ng Fall Out Boy, My Chemical Romance, Panic! At The Disco, Mayday Parade tsaka ng All Time Low? May napupulot ka ba na aral sa kanila? Kilala ka ba nila para pagkaguluhan mo sila ng sobra-sobra? Parehas lang tayo na fan pero iba nga lang ang taste nating dalawa. Gusto ko ang KPOP. Period. Kahit anong page-explain ang gagawin ko para lang mapatunayan ko kung bakit ko sila nagustuhan, hindi mo maiintindihan kasi ayaw mo sila." Sabi niya sa akin.
Napatigil ako sa sinabi niya. TSS! Eh di siya na ang panalo!
BINABASA MO ANG
Lost in KPOP
HumorWhat if an anti-fan decided to be a KPOP star? Teka, teka. Mali ata yung nabasa niyo. Pakiulit nga? Isang ANTI? NG KPOP? Gustong maging KPOP Star? Seryoso ka?