제 5 장

24 1 0
                                    

     Nakakunot lang ang noo ko habang nakatingin sa kawalan at kumakain ng fries na binili para sa akin ni Jela. Libre niya kasi siya yung nagpumilit na samahan ko siya sa global audition ng TS Entertainment.

     Tangina this. Ano ba tong napasukan kong gulo? Sure na sure akong hindi ako papasa sa global audition na yun kahit na ginandahan ko ang pagpe-perform ko kanina. Kahit naman na ayaw ko ng GAY POP hindi naman kaila sa akin na magagaling silang mga singers at dancers. Kaya akala ko na di ako papasa kasi may mga matataas na standards ang mga koreano.

     "Oi ba't tulala ka diyan?" Tanong sa akin ni Jela. Bumusangot lang ako sa kaniya at nagpatuloy sa pagkain ng fries. Ano na kayang nangyari sa LBM na babaeng yun? Parang gusto ko tuloy siya ipahunting sa aso kong si Pulgoso. Makikita niya! Pag nagkita kami ulit na dalawa, bibigyan ko siya ng sandamakmak na Diatabs! Hindi ako nagbibiro!

     "HOY! BABAE!" napakirot naman ako sa kinauupuan ko dahil kay Jela na halatang pikon na pikon na rin sa akin. Tininingnan ko siya ng masama at kukuha na naman sana ako ng fries ng bigla niyang paluin ang kamay ko. "Problema mo?" tanong ko. Humalukipkip naman siya sa akin at tinaasan ako ng kilay. "Ikaw, anong problema mo? May tinatago ka ba sa akin? Ano bang nangyari sa loob ng audition room? Nasagot ba ng mga koreano yung mga tanong mo sa kanila sa interview?"

     Isa pang problema. Akala ni Jela ay pumasok ako sa audition room para mag-conduct ng interview sa mga Koreanong judge. Ang hindi niya alam pumasok ako doon para mag-audition sa harap ng mga ito. Akala niya hindi lang nakapunta yung #31895 which is partly true. My gahd anong gagawin ko?

     "Walang kuwenta." Depensa ko, "Sumasakit ang ulo ko sa kanila." sabi ko, which is partly true. Tinaasan lang ako ng kilay ni Jela. "Bite me." pang-uuyam niya sa akin. Inikot ko ang mata ko sa kaniya.

     "Gusto mo talagang malaman?" Challenge ko sa kaniya. Tumango-tango naman siya na parang tuta na excited pakainin ng kaniyang amo. Pfft.

     "I asked them if most of their artists were gays." pero joke lang yun. I wouldn't ask them that baka patayin nila ako ng wala sa oras. And as if namang tinanong ko talaga yun eh nashook nga ako dahil sa nangyari eh. Who wouldn't be shook kung isa kang dakilang hater ng kpop and turns out na magiging trainee ka for kpop? Gahd, feeling ko sasabog ang ulo ko sa sobrang gulo.

     Pinagmasdan ko ang reaksyon ni Jela na nakanganga sa akin ngayon.

     "WHAT THE F--"

     "No swearing for the whole week." ngisi ko sa kaniya. Binigyan niya naman ako ng pout. Mas lalong lumawak ang ngisi ko. Nagpapractice kasi si Jela na huwag mag-mura para if ever na matanggap siya as trainee, hindi na siya makakapag-mura. Well, I don't give a fucking shit. Bahala siya diyan makulong sa kpop fantasy na nasa utak niya. 

     "You're the most stupid person I have ever met, Jewel. Walang pakundangan yang pagiging straight forward mo." hindi ko pinansin ang pagtawag niya sa akin ng stupid. Everyone has their own stupidity. Mine just turned out to be far worser than the others.

     "This person you are calling stupid is more intelligent than you, Jela."  I told her at binelatan ko siya. Mas lalo siyang sumimangot dahil sa sinabi ko. Hah! She's guilty of her crime! Alam niyang wala siyang talo when it comes to my smart-ass brain. I won in this petty little game of ours!

Lost in KPOPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon