"What's so great about them at nagpapakabaliw ka diyan sa mga krung-krung na yan? Hindi mo nga maintindihan mga sinasabi nila! Mukha pa silang bakla! Halata naman na nagpa-plastic surgery yang mga 'yan eh!"
Napataas ng kilay ang babae na nasa harapan ko. Nagulat ako sa biglaan niyang pagtayo. Sinamaan niya ako ng tingin pero syempre hindi ako magpapatalo sa kaniya. Malaking kahihiyan para sa akin kung may magsasabi na si Jewel Anoos, rank 1 sa pagiging amazona at boyish sa school, natakot dahil lang sa isang babae na sobrang adik sa mga KPOP. WTF lang noh? Hindi ko hahayaan ang sarili ko na maapi at mapahiya sa mga tao!
"LOOK HERE JEWEL. Magpasalamat ka dahil pumayag ako na ma-interview mo para sa article na ang deadline mo ay bukas na. I know that you hate KPOP and I respect that. Pero sorry ka dahil yan ang topic para sa 15th edition ng school magazine natin. Pumayag ako dahil alam kong kailangan mo ako para magawa mo na ang article na kailangan mong i-submit. Kaya respetuhin mo rin ang mga bagay na gusto at ayaw ko, gaano mo man kaayaw ang mga bagay na iyon. Hindi mo na kailangang ipamukha sa akin na dakila kang hater ng KPOP. Nagmumukha ka lang tanga. So if you'll excuse me." Napanganga lang ako nang bigla siyang tumalikod matapos niyang sabihin iyon.
Kinuyom ko ang kamay ko. Sa tingin niya papayag ako ng ganon-ganon lang? Never!
"Jess," tawag ko sa kaniya."I'm sorry..." nakita kong tumigil siya kaya ngumisi ako.
"NOT." Mas lumawak ang ngiti ko nang nakita kong nanginginig siya sa galit.
"Sa tingin mo manghihinayang ako na hindi kita mai-interview? Marami pang ibang mga tanga diyan sa paligid ang pwede kong ma-interview para lang sa article na'to. You said that I need to respect what you like and don't like right? For your information, I am respecting that. Pero 'wag kang pikon dahil opinyon ko lang ang mga sinabi ko tungkol sa kanila. Don't expect na kapag kailangan kong gumawa ng article sa mga bagay na ayaw ko ay kailangan ko na silang gustuhin. No, I'm not that kind of person. I have my own principles and I'm sticking to it. After all, this is just a job that I need to do. Pwede akong makagawa ng article tungkol sa mga bakla na 'to kahit walang tulong na galing sa mga katulad mo. I'm the genius editor-in-chief of the Hi-News at hindi ako mapupunta sa posisyon na'to kung wala akong potensyal." Pang-iinis ko sa kaniya at kinuha ang notepad at ballpen ko na dapat ay gagamitin ko para sa interview na'to. It seems that I don't need it after all.
"Well then, goodbye. Stay foolish and crazy for those GAY-POP." sabi ko sa kaniya at naunang umalis bago pa siya makasagot. Hah! Ano siya ngayon?
Nga-nga!
BINABASA MO ANG
Lost in KPOP
HumorWhat if an anti-fan decided to be a KPOP star? Teka, teka. Mali ata yung nabasa niyo. Pakiulit nga? Isang ANTI? NG KPOP? Gustong maging KPOP Star? Seryoso ka?