Hindi ko pa rin lubos maisip ang dahilan kung bakit nandito ako ngayon, kasama ni Jela habang nakatayo at nakapila at nag-aabang na matawag ang number niya para sa audition ngayon sa TS Entertainment. This is the 3rd entertainment company na mag au-audition si Jela.
Hindi nga nagbibiro ang bruha. Talagang seryoso siya na makapasok sa KPOP industry na hindi ko talaga maisip kung bakit. Pinaka una niyang pinag audition-an ay Cube Entertainment. Tapos JYP. Tapos yung ngayon, TS.
Hindi lang naman sarili niya ang pinapahirapan niya, ako rin. Pero I have my own goal na kailangan kong magawa. This is for my future! At kung kailangan kong tulungan si Jela sa bagay na ayaw na ayaw ko para lang sa future na yun, then I will gladly do it!
Pero... Bakit kasi hindi na lang sila (yung mga nag au-audition sa mga KPOP entertainment companies) pumunta sa ABS-CBN o kaya naman GMA tapos sali na lang sila ng PBB o kaya naman Star Struck tapos gumawa sila ng grupo nila na hindi jeje katulad ng XLR8, Chicsers o Hasht5? Baka umasenso pa ang Pilipinas nang dahil sa kanila. Baka makilala din sila sa iba't-ibang mundo katulad ng mga KPOP idol na mga halatang plastic surgery lang.
Anyway, sa ngayon ay mayroon pang natitirang apat na company na pag au-audition-an pa ni Jela. Sabi niya kasi, kung mag au-audition siya sa isa lang na company, may possibility na hindi siya makuha kaya lulubus-lubusin niya na. Di bale daw na marami ang pagpipilian niya kung sakaling may tumanggap sa kaniya na mga tatlo o apat na company kesa naman daw sa wala.
Iniisip ko pa lang na bukas hanggang sa Sunday kailangan kong tumayo sa ganito kahabang pila para lang kay Jela... And well, para na rin siguro sa 15th edition magazine ng Hi-News, tinatamad na ako.
"#31894, please cone to the audition room, I repeat #31894, please come to the audition room." rinig ko sa speaker.
"OH MY GOSH! AKO NA JEWEL! AKO NA! KINAKABAHAN AKO!" napatingin ako sa number na nakakabit sa damit ni Jela at hindi nga siya nagbibiro, siya na ang next. Nginitian ko lang siya at tinapik sa balikat.
"Kaya mo yan Anne Jela Tuazon! Ikaw pa! Ikaw ata champion this year sa Solo singing contest sa school noh! Member ka pa ng glee club at favorite ka pa ng conductor natin! San ka pa?" pag e-encourage ko sa kaniya.
"Thanks Best! Libre kitang samgyeobsal later kapag tapos na ako! See 'ya!"
Tumango lang ako at pinagmasdan siyang pumunta sa audition room.
This is my cue.
Kinuha ko ang mini notepad ko at ballpen at pumunta ako sa isang babae mukhang stress na stress at ninenerbyos para sa audition na 'to.
"Hi Miss!"
Napatingin siya sa akin. Nginitian ko lang siya and I extended my hand to her para magmukha akong friendly (In fact, I am not friendly at all.) Buti na lang mukhang mabait si ate, she accepted my hand at nag shake-hands kami. Wow. And eew. Ang lamig na namamawis pa ang kamay ni ate, in fairness.
"I'm Jewel Anoos po pala, 15 years old and I'm here to support my bestfriend for the audition here in TS Entertainment and also, I came here to conduct an interview. I'm the editor-in-chief of the Hi-News Magazine from CUAcademy." pinakita ko sa kaniya ang I.D ko para ipakita na hindi ako nagsisinungaling. Tumango siya sa akin pero kinakabahan pa rin siya kaya hindi ko naiwasang mag komento.
"Pag inisip mo po ng inisip ang mga bagay na pwedeng mangyari pagkatapos ng audition na 'to, kakabahan ka talaga. At kapag kinabahan ka ng bongga-bongga sa audition niyo, may posibilidad na hindi ka talaga papasa. Kaya isipin mo na lang ang mga bagay na bumabagabag sa iyo katulad ng, 'makakapasa kaya ako?' o 'baka di ako matanggap!' o kaya naman 'baka magkamali ako!' pagkatapos mong mag audition at doon ka dapat kabahan kasi doon mo malalaman ang resulta, kung nakapasa ka ba o hindi. You should face this audition with more courage kasi the more you become nervous the more na pwedeng hindi ka tanggapin ng mga mag ju-judge kasi you tend to create many mistakes when you are nervous." nginitian ko ulit siya, pero sa totoo lang, naiirita ako dahil parang may low-esteem ata 'tong babae na 'to.
Anyway, ba't ba ako napunta tungkol sa kaba at nerbyos? Kailangan kong mag-interview!
"Uhmm..." Napatigil ako sa pag-iisip nang magsalita si ate.
"Ano po yun?"
"Hindi ka mag au-audition diba?"
Umiling ako sa kaniya. Nagtaka ako bigla. Bakit niya naman ako tatanungin? Teka, baka mag i-interview rin siya katulad ko? Takte naman! Nagkamali pa ako!
"Marunong ka bang kumanta at sumayaw?"
Mas lalo akong naging curious sa tanong niya. Why the hell is she asking me that?
Nagtataka pa rin pero tumango ako. Gulat kayo noh? I also sing. Mas magaling pa nga kay Jela eh! I even know how to do a voicing of a certain song kahit isang beses ko palang iyon maririnig. Galing ko noh? And yes marunong din akong sumayaw, in fact I'm a member of 3 clubs in our school: the glee club, the dance troupe and the Hi-News. Mas priority ko nga lang ang Hi-News. At iyon ang dahilan kung bakit mas favorite si Jela ng conductor namin sa glee club.
"Great! Actually miss Jewel, I want to thank you for your advice! It can help me pero not now. Can I ask a favor from you?"
Kung curious na curious ako kanina, ngayon, sobrang sobrang curious ko na.
At muntikan na akong mahimatay sa sinabi ni ate.
"I'm actually having an LBM right now and that's the reason why I'm so nervous and having cold sweat. Please tell the judges that I have an emergency and I'm choosing you as a substitute instead, okay? I really wanted to take part in this audition but I guess this is not yet my time. So please... Ikaw na muna okay? I'm actually the next after the person inside that audition room!"
Nanlaki ang mga mata ko. "P-pero... Di po ako marunong sa KPOP!" pagmamaktol ko. What the Fudge lang?! Anong alam ko dito? Ba't napunta ako sa sitwasyon na 'to?!
"That's fine! Anything is fine! You just only need to have a minus one of the song you want to sing and for the dancing too, okay? Here, you can get my pocket wifi lara madownload mo ang gusto mong song in your phone and my number tag! Please! Masakit na talaga tyan ko!" binigay niya sa akin ang sinabi niya tapos agad siyang tumakbo sa pinaka malapit na c.r. Napa face palm ako. DRATS! What the hell did I just get myself into?! Shit.
"#31895 please come the audition room. I repeat, #31895 please come to the audition room." Napanganga ako. Tapos na si Jela?!
Parang slow mo lang ang lahat. Nakita ko ang pagbukas at sarado ng pinto ng audition room at nakita kong lumabas si Jela.
WHAT IN THE WORLD SHOULD I DO?!
BINABASA MO ANG
Lost in KPOP
HumorWhat if an anti-fan decided to be a KPOP star? Teka, teka. Mali ata yung nabasa niyo. Pakiulit nga? Isang ANTI? NG KPOP? Gustong maging KPOP Star? Seryoso ka?