제 2 장

51 1 0
                                    


"OMAYGAD... PAKSHEET! Jewel! Shet lang! May global audition ang TS Entertainment, SM, JYP, YG, Cube, Pledis tsaka Big Hit dito sa Pinas! Sunod-sunod sila! Gusto kong mag-audition! Gusto kong makita ang EXO, B.A.P, Big Bang, Day6, BTS, NU'EST, INFINITE SEVENTEEN tsaka marami pang iba! Ito na ba ang first step para maabot ko sila?"

Napaikot lang ako mg mata sa sinabi ni Jela. Baliw talaga. Di na talaga aasenso ang Pinas kung lahat ng mga kabataan dito gusto ng pumunta sa Korea dahil sa kabaliwan nila sa mga kengkoy na mga bakla. Tsk. Tsk.

Sinuot ko na lang ang headphone ko para di ko marinig yung bunganga niya at pinagpatuloy ko na lang ang pagsusulat ko sa wattpad ng story ko.

"Because they took our love and they filled it up,
Filled it up with novocaine and now I'm just NUMB~!
Now I'm just numb
And don't mind me, I'm just a son of a gun
So don't stop, don't stop 'till your heart goes NUMB~!
Now I'm just numb
I don't feel a thing for YOU~!"

Nag e-enjoy na ako sa pinapakinggan ko ngayon na kanta which is Novocaine by Fall Out Boy habang ninanamnam ko ang nakakalaglag obaryo at napakagandang boses ni Patrick Stump. Pa headbang-headbang pa ako habang kumakanta kasabay ng pagsusulat ko ng story. This is what you call REAL MUSIC! You can understand it and you can feel it! Hindi katulad ng mga KPOP na puro gaya lang sa mga American Pop songs! I learned that Koreans have this kind of obsession of anything related to America. Mga may colonial mentality katulad mga Pilipino. Tsk. Tsk.

Anyway, nasa kalagitnaan na ako ng pakikinig at pagsusulat nang may sumira neto.

"나 으르렁 으르렁 으르렁 대 나 으르렁 으르렁 으르렁 대 나 으르렁 으르렁 대 너 몰로서지 않으면 다쳐도 몰라~"

Napa face palm na lang ako ng wala sa oras. Jusko, sa araw-araw na naririnig ko ang kantang 'yan, imposible na hindi ko malaman ang title niyan! Miske lahat ng lyrics neto na memorize ko na hindi dahil sa gusto ko! Tiningnan ko ang phone ko at tinaasan ang volume ng headphone pero naka full volume na kaya inis kong sinarado ang laptop ko at tumingin ng masama kay Jela na enjoy na enjoy sa pagkakanta at pagsasayaw ng kantang yan.

Na cu-curious kayo kung anong kanta, sa mga di marunong makabasa ng hangeul na nasa taas? Eureureong or mas kilala bilang Growl by EXO lang naman ang song na yan. Nakakairita lang dahil araw-araw kong naririnig ang kantang yan kahit na ayaw ko dahil lang sa bestfriend ko na sobrang adik sa GAYPOP. Jusko, pati mga members ng group na yan kilalang-kilala ko dahil lang kay Jela. Pati ang tatlong hinayupak, ayon kay Jela, na umalis sa grupo na yun ay kilala ko.

Ang tanong, bakit ko sila kilala?

Ganto lang naman kasi yun. Sabihin natin na kung kayo, na may mga kaibigan na fan na fan ng KathNiel, JaDine o kaya naman, AlDub, tapos hindi kayo fan pero araw-araw yung mga bukambibig ng kaibigan mo ay yung mga 'yon, sa tingin niyo hindi kayo macu-curious at mag se-search ng tungkol sa kanila para di ka ma-lost sa kung ano mang ka alienan na sinasabi ng mga kaibigan mo?

That's the case for me. I ended up searching for them para naman maintindihan ko ang mga gusto at hindi gusto ni Jela na bestfriend ko. At ganon din naman ang ginawa niya para sa akin. Nag search siya ng FOB, MCR, P!ATD, Green Day, Plain White Ts', Boys Like Girls, Mayday Parade at All Time Low para lang sa akin. That's why we're the coolest and the awesomest bestfriend in the whole world! Eventhough I hate KPOP and she hates Rock, ginagawa namin ang lahat para lang maging kumportable kami sa isa't-isa.

Kaya kilala ko kung sino si Suho, Chanyeol, Baekhyun, D.O, Kai, Sehun, Kris, Luhan, Xiumin, Tao, Lay, Chen, Rap Monster, Yongguk, Youngjae, Daehyun, Hinchan, Jongup, Zelo, JHOPE, Jin, Suga, V, Jimin, Jungkook, Baekho, Ren, Minhyun, JR, Aron at marami pang iba na hindi ko na idadagdag pa dahil hindi matatapos ang chapter na 'to kung iisa-isahin ko pa sila because I'm telling you, marami sila. And they are not worth mentioning.

"Ano ba?!" sigaw ko kay Jela. Napatigil naman siya sa pagsayaw niya. Tinaasan niya lang ako ng kilay at nag crossed arm. Aba't--- siya pa talaga ang may ganang magtaas ng kilay sa akin ha?

"Hindi ka naman kasi nakikinig sa akin! Akala ko seryoso kang nakikinig sa akin kasi ang tahimik mo tapos naka headphone ka lang pala! I was telling you to help me in the upcoming global auditions ng iba't-ibang entertainment companies from Korea! Eto na yung dream ko Jewel oh! Maabot ko na! All I need is the support coming from you! Samahan mo lang ako, sigurado akong mapapasa ko ang auditions!"

Nag crossed arm din ako tsaka tinaasan ko lang rin siya ng kilay, "Wala. Akong. Pakialam. You could do it Anne Jela Tuazon even without my help! Ikaw pa! Ang lakas-lakas nga ng loob mo mag audition sa school glee club tapos dyan lang natatakot ka? Bahala ka mag audition diyan sa letters A-Z Entertainment na mga yan! Basta ang sa akin lang, ayoko!"

"Think about it! You could make the release of the 15th edition of the Hi-News magazine fast if you come with me! Maraming mga fans dito sa Pinas ang mag au-audition dahil marami ang mga KPOP fans dito. You could do an interview with them regarding on why they love the KPOP stuff. Malay mo may mahanap ka na fan na makapagbibigay ng sagot na hinahanap-hanap ni Sir Jeff-panot para hindi boring ang 15th edition magazine! Kaya pag-isipan mong mabuti!"

Napatigil ako sa sinabi niya. She's right about that. Pero sadyang mataas ang pride ko. Ayokong magpatalo. Pero gusto kong marelease ng maaga ang magazine for a particular reason.

Kaya naman ang naging sagot ko kay Jela ay, "Pag-iisipan ko."

Lost in KPOPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon