Chapter Four

45.2K 569 12
                                    

Chapter 4

"Lira, pinapatawag ka ni Mr. President sa office." Sabi ng secretary ng ama ni Vladimir.

Nagkatinginan naman sina Lira at Lea. Paano kasi ang alam nila ay nasa ibang bansa ito at inaasikaso ang isa pang business ng pamilya nito.

"Bakit ka kaya pinapatawag?" Takang tanong ni Lea.
Nagkibit balikat naman si Lira. "Ewan ko. Nabigla din ako, e. Hindi ko nga alam na nandito na pala si Tito." Sabi niya. "O sige, pupunta muna ako sa office." Paalam niya dito at nagtuloy-tuloy na nga siya papunta sa opisina ng presidente.

Nang makarating ay kumatok muna siya at nang marinig niya ang hudyat ay pumasok na siya sa loob. Nandoon nga ang ama ni Vladimir at... at pati ang binata? Nagtatanong ang mga matang binalingan niya ito na nakayukong nakaupo sa sofa. Anyong problemado ito na ewan ba niya kung bakit.

"Have a seat, Lira." Aya ng Tito Angelo niya, tumabi siya kay Vladimir at bahagyang sinilip ito. Tumingin naman sa kanya ang binata at pilyong kinindatan siya. Napakurap siya. Para saan naman iyon?

"I heard the news..." pukaw ng ama ni Vladimir. Napatingin naman si Lira dito.

"News? Bakit po Tito? Ano po bang nalaman niyo?" Takang tanong ni Lira dito.

Napangiti naman si Mr. Calliente. "Nalaman ko na nagsasama na kayo sa iisang bubong ng anak ko." Sabi nito na ikinalaki naman ng mata ni Lira. "Bakit hindi niyo man lang sinasabi sa 'kin na may relasyon na kayong dalawa?"

Biglang napanganga si Lira sa narinig. Ano daw? Nagsasama? At kailan naman nangyari iyon? Natawa na lang si Lira.

"Teka lang, Tito. Baka po nag---"

"Lira, sabihin na natin kay Papa ang totoo para hindi na rin tayo nagtatago ng ganito." Putol ng binata sa iba pa niyang sasabihin pagkuway hinawakan pa ang kamay niya at pinisil iyon. "See, tanggap ni Papa ang relasyon natin. Pabor pa nga ito sa kanilang dalawa ng Papa mo dahil alam ko na gugustuhin din nilang magkatuluyan ang mga anak nila kaya naman ito tayo. Fulfilling their dreams."

"What?!" Halos ay magbuhol-buhol ang kilay niya dahil wala talaga siyang naiintindihan sa nangyayari ngayon. Nagsasama? Live in? What the hell?

"Hija, tama si Vladimir. Sa totoo lang ay pangarap namin ng Papa mo na sana ay magkatuluyan kayong dalawa pero hindi nga lang namin ipinapaalam ang pangarap namin na iyon dahil ayaw naming pangunahan kayong dalawa. Ayaw namin na pakialaman kayo pero hindi na pala namin kayo kailangan na pilitin dahil totoong may relasyon na kayong dalawa. Goodness! Hindi niyo lang alam kung gaano niyo kami pinasaya."

"Tito---" aapila pa sana si Lira pero mabilis na pinisil ni Vladimir ang kamay niya. Tumingin naman siya sa binata at doon nakita niya ang mga mata nito na nagsasabi upang tumahimik na lang siya. "P-pero kasi---"

"Ipinaalam ko na rin ito sa Papa mo, hija." Baling ni Mr. Calliente sa kanya. "At tuwang-tuwa ang Papa mo. And we are actually expecting a baby."

"B-baby?!" Hindi na talaga maiwasan ni Lira ang mag-react ng todo. God! Ano ba talaga ang nangyayari? Ginu-good time ba siya ng mag-ama? Baka naman may camera dito at balak na gawing katatawanan ang priceless niyang mukha? Baka may taping ang Wow Mali at siya ang napiling biktimahin?

"Yes. A baby. We are really expecting a baby dahil nagli-live in na kayo. At siguro naman ay hindi kayo nagtititigan sa loob ng iisang bubong, 'di ba? Bakit ba parang gulat na gulat ka Lira?" Nakakunot noong tanong ni Mr. Caliiente sa kanya.

Napalunok naman si Lira. Ano ba ang dapat niyang sabihin? "E, kasi po..."

"Dahil overwhelmed po siya sa nangyayari ngayon 'Pa. Actually ay hindi namin ini-expect na malalaman niyo agad itong relasyon namin saka hindi din namin talaga inaasahan na magugustuhan niyo ito." Sabi ni Vladimir. Nanlalaki ang mga matang napatitig na lang si Lira dito. "Ang ini-expect naman po talaga namin ni Lira ay gusto niyo na maging magkapatid kami kahit na walang blood relationship. So, ayon. Just like her, ako din ay overwhelmed. Wow!" Kay lawak ng ngiti na sabi ni Vladimir habang si Lira naman ay priceless ang mukha.
Anyare? Parang gustong sabihin ni Lira pero nananatiling tikom ang bibig niya.

Vladimir's Sweet SeductressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon