Chapter Five

39.7K 512 25
                                    

Chapter 5

One year later...

Napangiti na lang si Lira saktong tumama sa kanyang balat ang init ng araw. Nalalanghap na rin niya ang hangin na pamilyar na sa kanyang pang-amoy. Hindi na talaga nagbago ang hangin ng pilipinas. Naiiling na sinuot niya ang kanyang shades upang hindi masyadong masilaw sa sikat ng araw pagkuway tinawagan niya ang kanyang ama na nauna nang umuwi sa kanya para sabihin na nandito na siya sa NAIA. Ilang sandali pa siyang nanghintay at maya-maya lang ay dumating na ang sundo niya.

"Hija!" Tawag ng kanyang ama nang makalapit ito sa kanya. "Ayos ka lang ba? Bakit parang naninibago ka?"

"Medyo naninibago nga ako, 'Pa. Nasanay kasi ako sa America na malamig ang hangin. Dito napapaso ang balat ko."

Napatango naman ang kanyang ama pagkuway naglakad na sila papunta sa nag-aabang na kotse sa parking lot ng NAIA.

"Ano na pala ang balak mo ngayong nandito ka na?" Tanong ng kanyang ama nang nasa biyahe na sila.

"Babalikan ko si Vladimir at ipapamukha ko sa kanya na hindi na ako ang dating Lira na boring kasama." Mabilis niyang sagot sa ama.

"Sigurado ka ba talaga d'yan sa plano mo?"

"Of course!"

Lihim na napangiti si Lira. Yes! Seryoso siyang balikan si Vladimir. Hindi para mahalin ito kung hindi dahil gusto niyang ipakita sa binata na ito na siya ngayon. Isang sopistikada, maganda, sexy at siya na ang babaeng nais na maangkin ng isang lalaki. Hinding-hindi makakalimutan ni Lira ang sinabi ni Vladimir sa kanya.

I can't imagine my sex life with her. Yeah, it just that... Yes, medyo boring siya kasama.

Nakuyom niya ang kamao. Hanggang ngayon ay masakit pa rin talaga na ganoon pala ang tingin sa kanya ng binata noon. Pero iba na ngayon, iba na siya. Kaya nga noong mismong araw na iyon ay nag-resign siya sa trabaho sa Goddess Publishing at mabilis na kinontak ang kanyang ama upang huwag ng umuwi ng pilipinas dahil siya na ang pupunta sa kinaroroonan nito.
Doon ay ikinuwento niya sa kanyang ama ang nangyari, kung bakit siya umalis sa pilipinas. Inamin din niya ang pagpapanggap na ginawa nila ni Vladimir dahil sa maling akala ng ama ng binata tungkol sa kanila. At syempre, sinabi din niya na noon pa niya mahal si Vladimir.

"Masyado ka ng nabubulag sa galit mo kay Vladimir. Baka naman sa pagganti na gagawin mo ay ikaw ang masaktan sa huli?" Sabi ng kanyang ama.

"Papa?"

"Kaya ka nakakaramdam ng galit ngayon kay Vladimir ay dahil mahal mo pa talaga siya. Nasaktan ka lang sa sinabi niya noon sa iyo dahil hindi mo matanggap na ang taong minahal mo pa ang magsasabi niyon. Tama ako, hindi ba?" Nakangiting sabi ng kanyang ama nang tingnan siya nito mula sa review mirror.

"Alam mo, Papa, kung hindi ko lang alam na anak mo ako, iisipin ko na kinakampihan mo si Vladimir."

"I am just stating a fact, Lira. You'll see, magiging tama ang hinala ko."

Hindi na lang sumagot si Lira at isinandal na lang ang likod sa upuan saka siya tumingin sa labas ng bintana. Tama nga kaya ang kanyang ama? Pero bakit ganoon? Nagtatalo ang isip at puso niya.

"Kumusta nga pala si Roswell?" Tanong ng kanyang ama.

Ang tinutukoy nito ay ang kaibigan, business partner ang mga ito at ipinakilala sa kanya ang lalaki noong nasa America siya. Gwapo si Roswell, may lahi kasi ang lalaki. Half filipino and mexican kaya maganda ang features. Kung tutuusin ay mas masasabi niyang gwapo si Roswell kaysa kay Vladimir. Anyway, sinubukan siya nitong ligawan. Pumayag siya dahil iniisip niya noon na baka makalimutan niya si Vladimir. Naging sila din ng binata at sa totoo lang ay masayang kasama si Roswell. Gentleman ito at mabait pa. May pagkagalante din ang lalaki at natutuwa siya doon pero isang buwan lang ang tinagal ng relasyon nila.

Vladimir's Sweet SeductressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon