Chapter Three

45.9K 542 5
                                    

Chapter 3

Nagising si Vladimir na masakit ang ulo. Pinilit niyang imulat ang mga mata pero masakit din iyon dahil tumatama ang sikat ng araw sa kanyang mukha. Ilang sandali siyang pumikit at nang kaya na niya ay bumangon na siya.

Inilibot niya ang paningin sa paligid ng kuwarto. Nagtataka siya kung bakit ibang-iba ang lugar na ito. Ang huli niyang natatandaan ay nasa bar siya dahil--- urgh! Naalala na naman niya ang walang hiyang babae na iyon. Naiiling na muli na lang niyang inisip ang nangyari kagabi. Pumasok siya sa kanyang kotse at nagpasyang doon na lang muna magpahinga pero bakit nasa isang kuwarto siya na ang interior design ay pambabae?

Baka naman may inuwi akong babae? Kinuwesyon niya tuloy ang sariling memorya. Wala siyang matandaan na ganoong eksena.

"Hmm..." Narinig niya ang ungol ng isang babae.
Mabilis na napabaling ang tingin ni Vladimir sa katabi. May bulto pala ng katawan sa ilalim ng kumot na iyon.
Oh! Damn! May kung anong pumasok sa kanyang utak. Baka nga tama ang hinala niyang nag-take out siya ng babae sa bar at ito nga at dinala pa siya sa lugar nito. Mariin siyang napapikit. Hindi pa nga tapos ang issue niya kay Patricia ay ito at naghahanap na naman siya ng sakit ng ulo. Damn!

Baka kung ano namang kabaliwan ang nasa isip nito. Sa naisip ay dali-dali niyang hinawi ang kumot na nakatalukbong sa babae. Parang batang namamaluktot sa lamig ang babae. Sabog ang buhok na halos ay sakupin na ang buong mukha. Nagtataka siya. Totoo kayang may nangyari sa kanila ng babaeng ito? Bakit hindi niya maramdaman ang urge na angkinin ito ngayon? Saka nakasuot pa din ito ng pajama at siya man ay hindi nakahubad. Ano ang nangyari kagabi?

Napailing na lang siya. Ano bang klaseng tanong iyon? Minasdan niya ang babaeng katabi. Na-curious siya sa kung ano ang hitsura nito. Bukod sa magandang korte ng katawan, maputi at makinis rin ito. Hinawi niya ang buhok sa mukha nito pero ganoon na lang ang gulat niya nang makilala kung sino ang katabi niya sa kama.

"Lira!" Pasigaw na tawag niya sa dalaga.

Naalimpungatan naman si Lira. Bumangon ito at bahagyang kinusot ang mga mata.

"Ang ingay-ingay mo naman..." Inaantok na sabi ng dalaga pagkuway napahikab. "Kanina ka pa ba gising, ha?" Baling nito sa kanya.

"Anong ginagawa ko dito sa kwarto mo? Bakit ako nandito? Saka may nangyari ba---"

"W-wala!" Mabilis na sagot sa kanya ni Lira pagkuway napatayo agad sa kama.

"Walang nangyari sa 'tin?" Naninigurong tanong niya. "Sigurado ka ba talaga? Pero bakit nandito ako? Bakit katabi kita?"

Napabuntong hininga naman ang dalaga pagkuway muling tumabi sa kanya at kinukwento ang nangyari kagabi.

"Pupunta sana ako sa bar kagabi dahil nag-aya si Lea pero noong nandoon na ako ay bigla ka na lang lumapit sa 'kin tapos nahimatay ka. Lasing na lasing ka kaya inuwi na lang kita dito sa apartment ko since malapit lang naman ang bar mula dito sa akin."

"I see..." Napatango-tango naman si Vladimir. Mabuti na lang at walang nangyari sa kanila ng dalaga. Muli ay tinitigan niya si Lira. Mukhang nagsasabi naman ng totoo ito. 'Buti na lang...

Talagang nakahinga siya ng maluwag dahil sa nalaman. Of course, hindi pa siya handa sa mga commitment. Kung sakaling may nangyari talaga sa kanila nito ay mayayari siya sa kanyang Papa.

Tumayo na siya at lumapit kay Lira. "By the way---" natigilan siya sa ibang sasabihin dahil biglang tumili si Lira pagkuway nagtakip ng mga mata. Nang ibaba niya ang tingin ay nakita niya na nakalabas pala ang kanyang kaangkinan. Mabilis na inayos niya ang sarili. "I'm sorry..."

"O-okay lang..." Nakita ni Vladimir ang pamumula ng pisngi na nito, halatang nagulat din dahil bakit naman kasi nakalabas ang kaangkinan niya?

Bakit nga kaya? Hindi tuloy maiwasan ni Vladimir ang magtaka. "Anyway, aalis na ako, ha? Pasensya ka na talaga sa... sa ginawa ko."

Vladimir's Sweet SeductressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon