Chapter Eleven

31.3K 384 4
                                    

Chapter 11

"Vladimir..."

Mabilis na napalingon ang binata nang marinig niya ang boses na iyon pagkuway tumayo at nakipagkamay sa bagong dating.

"Tito Arnaldo!" Nakangiti niyang sabi pagkuway inaya ng umupo ang lalaki. Nandito sila ngayon sa isang coffee shop na malapit sa bahay nito. Sinadya niyang dito na tumuloy dahil may hinala siyang sa bahay ng ama tutuloy si Lira. Kanina ay tinawagan niya ang ama ng dalaga upang sabihin na dito ang mga naganap sa kanila ng anak nito.

"So, bakit mo ako kailangan na kausapin, hijo?"

Napatitig ang binata sa lalaki. Damn! Bakit ba bigla siyang nahiya?

"Tungkol ba ito kay Lira?"

"Yes, Tito. Actually, galing siya sa townhouse ko. We slept together and I... I mean, we..."

"You made made love with her?" Prangkang tanong nito.
Napatanga na lang bigla si Vladimir.

"You love her?"

Napayuko ang binata. Ano ba ang tamang sagot na sasabihin niya kung kahit siya mismo ay hindi rin alam ang nararamdaman para kay Lira?

"Alam mo ba kung bakit siya umalis noon? Dahil nasaktan siya noong narinig niya na sinabi mong boring siya na kasama. Mahal ka ng anak ko, inamin niya sa akin kaya masakit para sa kanya na ganoon pala ang tingin mo sa kanya. Umalis siya at sumunod sa akin sa America. Binago niya ang kanyang sarili at ito na nga, bumalik siya para daw gantihan ka pero sa tingin ko ay hindi iyon ang nangyayari." Natatawang sabi nito. "Alam kong kahit na sinabi niya na gagantihan ka, still, mahal ka pa rin niya at ang gusto lang niya ay ang mapansin mo siya. And it works, napapansin mo na siya at ngayon nga ay naguguluhan ka kung mahal mo ba talaga ang anak ko o baka pagnanasa lang 'yang nararamdaman mo ngayon."

"Tito---"

"Isipin mo muna ng maigi kung ano talaga ang nararamdaman mo. Bilang ama ay gusto ko na mapabuti ang anak ko. Don't get me wrong, hijo, gusto kita para kay Lira kaya nga noon na nalaman namin na may relasyon kayo ay tuwang-tuwa kami ng Papa mo pero nagkamali pala kami. Anyway, pag-isipan mo ang damdamin mo para kay Lira at kapag alam mo na ang totoong nararamdaman mo ay bukas ang pinto ng bahay ko. Ligawan mo siya ng maayos, kung mapasagot mo siya, congratulations." Iyon lang at umalis na ang ama ni Lira.

Habang si Vladimir ay naiwan naman na malalim ang iniisip. Paano naman niya masisiguro ang nararamdaman? Ang hirap naman lalo na kapag puso na ang pinag-uusapan. Hindi ka basta-basta puwedeng magdesisyon. Hindi puwedeng sabihin na lang na mahal niya si Lira. Dapat ay may malaking pundasyon para maging masaya sila habang buhay.

Kaya naman matapos ang usapan nila ng ama ni Lira ay dumeretso siya sa isang bar. Sa bar kung saan niya nakita si Lira. Gusto niyang subukan ang sarili. Doon ay naghintay siya hanggang sa may lumapit na sa kanya na babae. Sinimulan na siya nitong akitin at siya naman ay nagpaubaya. Inaya niya ito doon sa kakaunti lang ang tao at sinimulan na nga niya itong halikan.

Magaling ang babae, wala siyang masasabi doon pero iba pa rin talaga si Lira. Bigla siyang napabuntong hininga pagkaalala sa dalaga pagkuway tinulak na niya ang babae palayo sa kanya.

"Teka, bakit mo naman ako tinutulak? C'mon, let's make love, okay?"

"I'm sorry, Miss meron na kasi akong---"

"Nakakadiri ka talaga."

Biglang napalingon si Vladmir dahil sa boses na iyon at laking gulat niya dahil si Lira pala ang nandoon. Mabilis na iniwan na niya ang babae at sumunod kay Lira na ngayon ay palabas na ng bar na iyon. Hinabol niya ito agad at mabilis na hinila ang braso nito pero sampal lang ang inabot niya.

Vladimir's Sweet SeductressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon