Chapter 8
Napapangiti na lang si Lira habang sakay siya ng kanyang kotse. Paano ay hindi niya nakalimutan ang ginawa niya kay Vladimir. Goodness! Kitang-kita niya ang pagkabitin ng binata. Siguradong nananakit ang puson nito dahil sa nangyari. Kaya nga ngayon ay ini-imagine niya ito habang nilalaro ang sarili. Of course, sigurado siyang ito ang gagawin ng binata.
E, paano kung magpunta ito sa mga bar at doon maghanap ng babae para mapaglabasan ng init?
Biglang napasimangot si Lira sa naisip. Kung sabagay, hindi naman imposibleng gawin iyon ng binata. Babaero nga ito, hindi ba?Napabuntong hininga na lang siya. Bakit ba niya iniisip iyon? Wala na siyang dapat pakialam kung ano man ang gustong gawin nito. Kung humanap man ito ng babae ay bahala na ito.
"Hmp! Sana magkaroon siya ng AIDS!" Nakasimangot niyang sabi. Oh well, medyo masama yata na hilingin niya iyon. "Ah, basta! Sana makarma siya kung gawin man niya iyon." Nasabi na lang niya pagkuway napadiin ang tapak sa silinyador ng kotse para mas bumilis ang takbo ng kanyang sasakyan. Gusto na niyang makarating agad sa bar...
_____Dalawang oras na rin ang nakakalipas mula ng iwan siya ni Lira na... Ano ba ang tamang salita? Iniwan siya ng dalaga na nakakaramdam ng sakit sa kanyang puson dahil sa pagkabitin ng dapat ay magaganap sa kanila. Damn! Sobra talaga ang babaeng iyon. Ginawa na naman nito ang nangyari restaurant noong nakaraang linggo! Iniwan na naman siya nito na bitin na bitin! Kahit na dalawang oras na ang nakakalipas ay buhay na buhay pa rin ang dugo niya. Hindi sapat na laruin lang niya ang sarili. Alam niya na kulang pa.
"My God, Vladimir, wala ka pa din pinagbago. Ang gusto mo talaga ay ang babaeng game na game, 'yong tipong hindi boring."
"Sorry talaga, ha? Nakalimutan ko kasi ang standard mo para mapabilang sa sex escapade mo."
Naalala niya na sabi ni Lira. Alam niyang may ibig sabihin iyon. Hindi naman basta-basta magsasalita ng ganoon ang dalaga kung wala. Hindi niya maiwasan ang mapailing. Mula ng umalis ito at bumalik dito ay nagbago na talaga ito. Sobrang laki.
And the way she responded to his kisses. Damn! Alam niyang first time iyon ng dalaga, ramdam na ramdam niya na pinilit lang nito na makipagsabayan sa halik niya pero kahit na ganoon ay nagustuhan niya iyon. Gusto pa nga niyang maulit iyon. Pero kailan?
Napabuntong hininga na lang siya pagkuway napasandal sa upuan ng kanyang kotse. Hanggang ngayon kasi ay nasa parking lot pa rin siya. Hinihintay niya kasi na bumalik si Lira pero sa malas ay wala pa rin ito. At talagang nakakaramdam na siya ng pakainip. Maya-maya lang ay naisipan niyang tawagan na lang si Lea. Nagbabakasakali siyang alam nito kung nasaan ang kaibigan.
"Yes, Sir?" Pasigaw na sagot ng nasa kabilang linya.
Biglang kinutuban si Vladimir pagkarinig ng maingay na background mula sa kinaroroonan ni Lea."Kasama mo ba si Lira?" Agad niyang tanong pero hindi na niya hinintay na sumagot ito dahil mula din doon ay narinig niya ang boses ng dalaga. Nag-aaya ito upang magsayaw.
"Sir---"
Pinatayan na niya agad ng phone si Lea. Bakit ba niya hindi naisip kung saan maaaring pumunta si Lira sa ganitong oras ng gabi? At ang suot nito... Nakuyom na lang ni Vladmir ang kamao pagkuway mabilis na pinaandar na ang kanyang sasakyan. Alam na niya kung nasaan ito ngayon...
_____Nasa bungad pa lang si Vladimir ay rinig na niya ang maingay na tugtugin at hiyawan ng mga tao sa loob. Naniningkit ang mga mata niya habang nakatitig sa saradong pinto.
Kanina pa hindi maganda ang pumapasok na mga eksena sa kanyang utak. Syempre, alam niya ang karaniwang eksena sa loob--- lalo na sa mga madidilim na sulok.
![](https://img.wattpad.com/cover/52975139-288-k978174.jpg)
BINABASA MO ANG
Vladimir's Sweet Seductress
General Fiction"Siguruduhin mo na mananalo ka sa bawat rounds dahil sinisiguro ko sa iyo na kapag ako ang nanalo ay buong alab kitang hahalikan hanggang sa malunod ka na lang dahil sa halik na pagsasaluhan natin..."