Epilogue
Mula sa pagkakatayo sa harap ng altar ay hindi mapigilan ni Vladimir ang tamaan ng kaba. Paano ay kalahating oras na ang nakakalipas pero hindi pa rin dumadating ang kanyang bride na si Lira. Kung anu-ano na nga ang na-i-imagine niya. Paano kung bigla itong umayaw? Paano kung umatras ito sa kasal. Damn! Minadali niya itong kasal ngayon, mga malalapit na tao lang ang inimbitahan nila. Gusto kasi ni Vladimir na matupad ang unang pangako kay Lira na kapag nakadaong na sila ay pupunta agad sila sa simbahan. At ito nga siya. Nasa harap na siya ng altar pero wala pa rin si Lira. Nagsisimula na ring magbulungan ang mga tao sa loob ng simbahan na mas lalong nagpapakaba naman kay Vladimir.
"Vladimir," tawag sa kanya ni Roswell matapos siyang tapikin sa balikat, ito rin ang tumayong bestman niya. "Relax."
"Damn! Bakit wala pa si Lira?"
"Darating siya. Baka lang--- oh! There she is..."
Mabilis na napabaling ang tingin ni Vladimir sa harap at doon ay nakita na niya ang kanyang soon to be wife. Suot nito ang puting traje de boda. Bumagay sa dalaga ang damit dahil mas lalong lumutang ang natural na kagandahan nito.
Muntik pang mapasinghap si Vladimir dahil habang palapit ito sa kanya ay unti-unti niyang nasisilayan ang magandang ngiti nito at bakit sa paningin niya ay mas lalong gumanda si Lira? Parang ang liwanag ng mukha nito at parang---"
"Vladimir?" Hindi na niya napansin na nasa harapan na pala niya si Lira. "Are you okay?"
Biglang napanganga si Vladimir. Ano ba ang isasagot niya? Goodness! Nasilaw siya sa angking kagandahan ni Lira.
"Kinabahan ka ba dahil matagal akong dumating?"
"Yes. Bakit pala ang tagal mong dumating?"
"Dahil kaninang umaga ay nakaramdam ako ng hilo, nagsuka din ako at---"
"Okay ka na ba ngayon?"
"Yes. Much better dahil nalaman ko rin kanina na buntis ako. One month na pala ang baby natin."
"Totoo?"
"Yes."
Sa pagkakataon na iyon ay hindi maipaliwanag ni Vladimir ang mararamdaman. Basta mahigpit lang niyang niyakap si Lira pagkuway mariing hinalikan. Natigil lang siya dahil sa biglang pagtikhim ng pari na nasa harapan nila. Natatawang binitiwan na ni Vladimir si Lira at hinarap na ang pari na magkakasal sa kanila.
Ilang sandali pa nga ay natapos na ang seremonya ng kasal at ngayon ay palabas na sila ng simbahan.
"Congratulations for both of you." Bati sa kanila ni Roswell. "I wish you all the best.""Salamat din sa tulong mo sa amin, Roswell." Sabi ni Vladimir. "Kung hindi dahil sa iyo ay wala sana kami ni Lira dito."
"It's my pleasure, pare. I believe Lira deserves you kaya naman tinulungan ko kayong dalawa."
"Roswell, sana ay makahanap ka rin ng babae para sa iyo." Sabi ni Lira.
"Soon. Malay mo, sumunod din ako sa inyo."
Nagkatawanan na lang ang tatlo. Maya-maya pa nga ay dumating na ang kotse na sasakyan nila para pumunta sa kanilang honeymoon place. Pero bago umalis ay hinagis muna ni Lira ang bulaklak at doon ay isang babaeng naka-abito ang nakasalo niyon.
Nagkatinginan naman sina Lira at Vladimir pagkuway napatingin kay Roswell na nakatingin din pala sa babaeng nakasalo ng bouquet."Sa tingin ko ay dumating na siya." Sabi ni Lira kay Roswell.
"Sa tingin mo?" Nakangiting sabi ng lalaki.
"Good luck pare." Sabi ni Vladimir pagkuway sumakay na sila sa kotse habang si Roswell naman ay nasundan na lang ang mga ito ng tingin...
The end...
BINABASA MO ANG
Vladimir's Sweet Seductress
Fiksi Umum"Siguruduhin mo na mananalo ka sa bawat rounds dahil sinisiguro ko sa iyo na kapag ako ang nanalo ay buong alab kitang hahalikan hanggang sa malunod ka na lang dahil sa halik na pagsasaluhan natin..."