Chapter Four

37 4 0
                                    

After 3 weeks.

Maganda naman ang pananatili ko dito sa school na to, so far so good naman. Halos ok naman kami ng mga bago Kong kaibigan. Nakakasundo ko naman halos yung iba sa klase at yung iba hindi masyado. Dahil lang naman yun sa isang adik na sumisinghot na ata ng turpentine
Sa sobrang pagkalakas ng saltik nya sa utak -.-
Dahil sa kanya napag-iinitan tuloy ako ng mga fan girl ( nya ) na nagkakagusto sa kanya (daw). Naisip ko nga e, saang banda nila nagustuhan yung adik na yun? Ah, baka adik din sila. Haha pero Nakakabwisit padin talaga. At yung isa, gustong gusto pa ata, dahil bawat araw ata  ay tumataas ang pagkasaltek nya.
Ika nga nya e.

"Ang pagmamahal ko sayo umabot na sa sukdulan. Level 999" sabay kindat pa ang kumag, tsk nakakakilabot.

Napa-irap nalang ako sa hangin kapag naalala ko yun. Sarap tirisin.

"Melody, tara na kain na tayo" tawag ng isa sa mga kaibigan ko ngayon. Si Maya, jolly sya masydo at madaldal na minsan nakakarindi  na sa kasobrahan. Minsan nga iniisip ko kung saan galing yung energy nya e, nakakaingit lang kase parang wala syang kapaguran.

"Maya melody, dalian nyo! baka maubusan ako ng shake ni kuya milo na iniirog ko~~ lagot kayo sakin kapag naubusan ako, sige" pagbabanta nya samin sabay ismid. Natawa naman ako sa kanya. Si Alison, kaibigan nyan ni maya. Mas matagal na silang magkaibigan, since ata na magkaisip sila? Ewan ko, yun ang kwento sakin ni maya e. At ang pansin ko naman sa kanya ay Medyo may pagka moody na hindi ko maintindihan pero may saltik din sya minsan kapag fullmoon, sabi din ni maya. Ewan ko kung totoo naman yun.

"Aye-aye ! Captain !" Sabi ni maya na may gesture at boses lalaki, kaya napailing nalang ako at tumayo para makalabas na kami.

Ang daming kwento ni Maya tungkol sa mga kung anu ano nya experience sa nakaraan seminar na inatinan nya at katulad dati, ako ang taga-pakinig si Alison naman ang taga-bara.

"Tsaka alam nyo ba, tinawag ako noong gwapong speaker para sumagot!" Masiglang sabi at may pakilig kilig pa sabay kagat ng sandwich nya.

At tulad ng inaasahan ko.

"Asoos~ as if naman, baka napilitan lang sayo kase taas ka ng taas ng kamay" usmid nya kay Maya.

"Hindi ah! Totoo yun! Sabi ko kase sayo sumama ka e, hmp!" Nakangusong sabi nya samin. Hahaha natatawa  talaga ako sa dalawang to.

"Tong dalawa na to, kayo na nga lang ang magkamukha eh  nag-away pa" napahinto silang dalawa sa pagbabangayan at tinignan ako ng masama sabay sabi ng

"Yuck"

"In her dreams~~"

"Kyaaa~~ baka hindi na ako mahalin ni kim myungsoo~~"

Hays dahil lang sa sinabi ko, nag-umpisa nanaman ang panibagong world war III. Hayst *hampas sa ulo*

Dami pa silang pinag-awayan tungkol sa mga kung ano ano. Hanggang mapadako nalang ang tingin ko sa may entrance ng canteen hanggang sa may pumasok isang bulto ng mga studyante.

Ang Student Councils. Sempre kapag SC ang pinag-uusapan. Nandyan ang taong mahal ko.

Si Dylan.

Napabuntong hininga nalang ako sabay patong ng baba ko sa kamay ko.

Hayy, bakit kaya mukha kang stress ngayon? Mukha kang laging may iniisip? Sino sya? Gf mo ba? O si Ms Vice, Nag-away ba kayo ni Ms. Vice?

Napag-alaman ko kasing nalilink sya kay Miss Vice Pres. Noong nalaman ko yun kila maya ay parang gumuho yung mundo ko noon, hinanap ko talaga kung sino yung Vice na yun.
At noong nakita ko na, parang nanlambot yung tuhod ko. Narealize ko na, Wala akong panama sa kanya. Sya yung nakita ko last time sa restroom na may kausap na babae, yung maganda na mala-angel yung dating, kilala sya bilang beauty with brain dito sa school. hayst, ano lang ang panama ko sa kanya, hindi ako maganda at lalong lalo na hindi ako matalino.
Malabo naman na hindi nga sya magustuhan ni Dylan, halos bagay na bagay sila. Perfect couple nga ang tingin sa kanilang dalawa e.

Chasing his heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon